Chapter 27: Gonna miss you

69 7 0
                                        

Nash's POV

1 week to go ay uuwi na kami, nabitin ako sa vacation ang bilis kasi. Nakahiga ako ngayon hindi ako makatulog dahil sa init at may iniisip ako. Mamimiss ko si Emi sa katunayan nga miss ko na agad siya. Isang oras lang ang nakalipas.

"Hay pasukan na naman" sabi ni Yash

"Oo nga pero wala akong problema jan hahaha" sabi ko

Hindi ko naman iniisip yon, nakagraduate na ako si Yash naman matagal pa bago makatapos.

"Yeah, buti ka pa. Ako halos walang pahinga" sabi niya

"Kaya yan ikaw pa, mas malakas ka kesa sa akin" sabi ko

"Mas matalino ka, kahit lagi kang absent perfect score pa rin" sabi niya

Ayan naman ang hindi mawala na issue tungkol sa akin na lagi akong absent pero may maisasagot pa rin, senermohan nga ako ni mamang tungkol doon na kung sana hindi daw ako nagbulakbol at hindi pala absent ako daw ang magiging suma cumlaudi sa batch namin o maisali sa top honors students.

Hindi ko naman sinasadyang sakitin ako kaya naabsent ako oh well past is past.

"Hay ang init dito wala pang aircon" sabi ni Yash

"Ayon ang electric fan, naka-on nga" sabi ko

"Ipagpapatuloy mo ba yan? Kahit magalit sayo ang mamang mo?" sabi niya

Tumango lang ako, wala naman masama naiitindihan ko si mamang. Natatakot siyang baka masama ang maging resulta ang pakikipagkaibigan ko sa kay Emi, she don't know na si Emi ang kaibigan kong laging katext pero alam niyang christian ito. Hindi ko alam kung paano niya nalaman, hindi kasi pangkaraniwan ang mama ko kapag may nililihim sa kanya naamoy o malalaman din niya.

Maaga akong nagising, ginising ko ang tulog mantikang si Yash para makapagpray. Pagkatapos namin ang daily routine, nasa sala kami ngayon.

"Magpahinga tayo para hindi maexhausted" sabi ni mamang "Pirmi tano plalakaw (mean: Lagi tayong namamasyal) Baka maubos pa ang pera natin. Geya man eh di akn pkababayaan sa kalalakaw (mean : Ito ang hindi ko gusto sa pagsisipalaran / pamamamasyal)" sabi niya

Ganyan siya laging nagsisisi sa huli o pinapakitang labag sa kalooban niya ang pagsasaya.

"Yaan na mamang, hindi naman lagi" sabi ko

Tumango lang siya.

"Nga pala nakausap mo ba si Akisa? Isang lingo lang tayo dito." sabi niya

"Nagtext siya sa akin non nasa resort tayo, ang sabi bigyan ko daw ng pasalobong" sabi ko

"Ano naman ang pasalobong ibibigay mo? Nakuha niya ba" tanong niya

Umiling ako. "Isang filpflop ang binili ko, mamaya na lang ibibigay ko sa kanya" sabi ko

"Kuya, sasama ako. Nakakabagot dito" sabi ni Nisah

"Ako din" sabi ni Yash

Hinintay namin si Nisah magbihis. Isang long simple dress ang sinuot niya at balabal na itim. Pumunta kami kina Akisa.

"Assalamo Alaikom (mean: Peace be with you, a traditional saying when two Muslim see each other)"

"Waalakomissalam, tuloy kayo" sabi ni Tita Hayma

"Kayo lang ba?" tanong ni Tito.

"Oway, napabisita lang." sabi ko "Anda si Akisa? (Mean: Asaan)"

"Nasa sidewalk nagbibinta" sabi ni Tita

"Ah ok" sabi ko

Pinainom nila kami ng malamig na orange juice at pinakain. Ibinigay din namin sa kanila ang pasalobong, mga damit. Mama-maya ay dumating si Akisa

Till the endWhere stories live. Discover now