Special Chapter

29 2 1
                                        


Since may nagrequest ng nito ay naisipan kong gawan, ito na ang huli. Sa hindi nakabasa ng Epilouge kung saan naganap ang kasal nila ay follow me and add this again to your libray para mabasa niyo. Sa totoo lang nahihirapan ako sa chapter na ito. Huli na talaga ito at isa lang special chapter.

Enjoy reading.

Special Chapter

Emily's POV

Hanggang ngayon ay lutang pa rin ako at inaalala ang kasalan. Kakaiba ang kasalan nila, yon tipong nakaupo lang ako sa loob ng malaking tent at nakikipagpicture tapos bigla na lang dumating si Nash at sinabi ang most corny proposal ever tapos nang umoo ako ay niyakap niya agad ako't hinalikan. Hindi ko man lang alam na kasal agad kami, hindi ako makapaniwala, hindi sana ako maniniwala na kasal kami pero ginawan niya ng paraan.

Ngayon tapos na ang reception at nasa kwarto na kami kung saan nakalatag kanina ang wedding dress. Nakatanaw ako sa labas habang inaalala ang mga pangyayare kanina, naramdaman kong may brasong pumulupot sa beywang ko. Alam kong si Nash iyon, hinalikan niya ako sa ulo at idinantay ang ulo sa aking balikat.

"Bakit hindi ka pa natutulog?" tanong niya sa akin. "Inaalala ko lang ang kanina" sabi ko. "Hindi lang ako makapaniwalang kasal na tayo." masaya kong sabi, akala ko ay hindi na kami magkakatuluyan. "Maniwala ka, alam kong ang hirap paniwalain pero kasal na tayo. Wala nang hahadlang sa atin" humarap ako sa kanya at sinuklian ng yakap.

He slowly sways us and dance slowly. Hinalikan na naman niya ako sa pisngi, ito na ba? Gagawin ba namin yon? Hinintay kong halikan niya ako sa labi pero hinalikan niya ako sa noo, naisip kong papaulanin niya ako ng halik. Maisip ko lang yon ay mejo naeexcite ako, kelanman ay hindi kami naaghalikan.

"Let's sleep, it's already midnight. Alam kong pagod ka na" sabi niya, nadismayado ako. Kakaiba talaga siya, he keeps surprising me even in a simple act. Kasi diba, mas excited ang mga lalaki pagdating ng unang gabi? Naalala ko naman ang pag-uusap naming ni ate bago kami pumasok sa sarili naming kwarto.

"Suotin mo yan ha, magugustuhan yan ni Nash" tinaas baba pa niya ang kanyang kilay, alam kong pulang pula na ang mukha ko nang sinabi niya iyon. "Ate!" maktol ko, tumawa lang siya't pumasok sa kwarto niya. Sinilip naman niya ulit ako. "Basta suotin mo yan" paalala niya. Nayon, suot ko nga ang night gown pero natatakpan ng bathrob. Nahihiya kasi ako, unang beses ko lang ito suotin.

Napansin ni Nash na nakabathrob pa ako, tiningnan niya ako mula paa hanggang sa ulo. Kumunot ang noo niya, "Bakit hindi ka pa nagbibihis? Hindi ka ba nilalamig?" tanong niya sa akin. "Ah..Eh.." nauutal kong sabi, hindi ko alam ang sasabihin ko. Pumunta siya sa closet at kumuha ng pajama at maluwag na shirt. Inilahad niya sa akin ang mga yon. "Magpalit ka na" sabi niya. Hinila pa ako at itinulak ng mahina sa banyo.

Yon totoo? Frigid ba si Nash? Ni hindi man ba siya naakit o nagandahan sa akin. Di kaya hindi ako sexy kaya talagang hindi siya maakit. Sinuot ko agad ang binigay niya saka padabog na lumabas sa CR, nadatnan ko si Nash na nakaupo sa dulo ng kama. "May problema ba?" inosente niyang tanong, hindi niya ba napapansin? Badtrip ako na ewan! Ako itong babae tapos nababadtrip ako dahil hindi man niya ako hinahalikan sa labi. "Wala!" tanggi ko. Saka humiga sa kama at nagtaklob ng kumot, ayaw ko siyang makita.

Naramdaman kong lumapit siya sa akin. "Hey, what's wrong? Alam kong may problema ka, alam ko na yang ugali niyong mga babae. Sinasabi niyong wala pero meron pala." niyakap niya ako at pilit tinatanggal ang kumot. Nagwagi naman siya kaya tiningnan ko siya ng masama. "Aein naman, hindi ako manghuhula kaya huwag mo akong tingnan ng masama, kakakasal lang natin tapos nagagalit ka? Anong ikinagagalit mo? Hindi ka pa rin ba nakamove on sa surprise ko?" nag-alala niyang sabi.

Till the endWhere stories live. Discover now