Chapter 43: Breaking someone heart

18 3 0
                                        

Nash's POV

Nakahiga ako ngayon at nakikinig sa radyo. Mejo nahiya ako noon Saturday dahil naiyak ako, baka isipin nilang bakla ako tapos umamin si Yash na nagtatampo na pala sa akin. Kaya ayon nang umuwi kami ay dumaan muna kami sa Cake ko shop na malapit lang sa amin, nilibre ko siya para makabawi ako.

Playing before I let you go by Free style

Nakarelate na naman ako sa kanta, sakto ang lyrics nito sa gusto kong sabihin kay Emi. Naalala ko ang una ko siyang nakilala at yong mga sweet moments namin, alam kong nagkulang ako dahil hindi ko si maipaglaban. Hindi nga namin masyadong pinag-uusapan pero ramdam kong gusto niyang ipaglaban ko siya.

Before I let you go
    I want to say.. I love you

Naalala kong hindi ko pa nasabi kong anong farewell song ko sa kanya. Ang sakit isipin yon, kaya agad kong kinuha ang cellphone ko at tinext kay Emi ang title ng kanta na para sa kanya.

Tulad ng lyrics sa kanta ay hahanap ako ng paraan para maging kami ulit. At sisiguradohin kong halal way, paano? Yon ang hindi ko pa alam.

Hindi siya nag-reply, hindi ko na siya kinulit pa. Masasayang ang load, hindi na ako nag-unli dahil hindi na tulad ng dati na bawat segundo ay magkatext kami. Dumaan naman ang tatlong araw ay lagi akong tulala at nawalan na kong gana, miss na miss ko na siya pero anong magagawa ko?

Isang araw ay nag-internet si Nisah para mag-assignment. Nang na-iprint niya yon ay nakisingit ako, binuksan ko ang facebook account ko at ni-stalk si Emi. Ganon ko na siya namiss eh kahit makita ko lang ang picture niya't mga posts ay okay na ako.

May nag-friend request sa akin, sa totoo lang wala akong friend sa Facebook kundi si Emi lang. Hindi naman kasi mahilig sina Yash at Nisah magfacebook. Pati sina Mamang at aunty ay hindi mahilig magfacebook. Kung hindi lang ako iginawa ni Emi ng facebook account ay hindi ako gagawa.

In-accept ko yon, hindi ko kilala at  iba ang profile picture niya dahil isang baby girl ang nasa picture. Wala naman akong balak kausapin yon. Pinagpatuloy ko ang pag-stalk kay Emi.

Hindi ko akalaing magiging stalker ako, baliw na ako. Binasa ko na lang ang mga word of wisdom at mga Islamic qoutes. Naggame pa ako. Mag-iisang buwan na naman mula non hindi na siya nagparamdam. Iba talaga kapag broken hearted ang isang tao tulad ngayon nakakarelate ako sa candy crush at tela wala akong pakialam sa mga araw na nagdaan. Nag-uunahan kasi kami ni Emi ng level.

"Mag-music ka nga Kuya" sabi ni Nisah na kasalukuyang inaayos ang assignment. Kusa naman akong nag-click ng music icon, at sa lahat pa ng nakalagay na kanta sa computer ay "The day you went away by M2M" ang na-click ko.

Will I wonder could it be
    When I think about you  baby    
    You think of me

May nagmessage  sa akin akala ko ay si Emi yon. Yong nagrequest sa akin noon pala ang nagmessage. Emma cute ang ginagamit niyang pangalan.

"Hello, anong pangalan mo?" tanong niya

Hindi ba siya marunong magbasa? Nakakatanga lang magtanong ng pangalan sa facebook dahil nakasulat doon ang name ng isang tao.

"Bakit wala kang picture? I mean konte lang itong nakapost" tanong niya ulit.

Dahil wala akong magawa at naiinip ako. Kinausap ko, sinungitan ko nga.

"Nakasulat at wala kang paki" masungit kong reply

"Ikaw ba talaga ang nasa picture? Ang gwapo mo naman kung ganon" sagot niya

Kung si Emi lang ang nagsabi non, lumaki na ang ulo ko pero hindi. Alam kong gwapo ako at may pagka-asian artist.

"Alam mo para kang Korean" sabi pa niya, hindi nga ako nagrereply tapos nagmemessage pa siya.

Till the endWhere stories live. Discover now