Chapter 31: Unknown Feeling

48 6 0
                                    

Nash's POV

Di ko mapigilang mag-isip tungkol sa text ni Emi, bakit may ganon? Hindi ako inosente at manhid. Possible kayang may gusto sa akin si Emi? Hindi pwedi at impossible dahil nasa move on stage pa siya't magkaibigan kami. Hayst, alam kong may punto si Yash eh bakit ako ganito kay Emi? Kung kaibigan lang ang tingin ko sa kanya hindi ako ganito kasweet o kaclose sa kanya. Kung kaibigan lang, kumustahan lang ay ok na o di kaya'y kwentuhan lang pero lagi kong siyang sinisendhan ng lyrics at araw araw kaming magkatext.

Friday ngayon at may pasok kami sa madrasa, walang masyadong nangyari sa Sunday to Thursday dahil kung hindi pagtetext ang ginagawa ko ay nanonood o kumakain ako.

Maraming bata na naglalaro kahit may ustad na sa loob. Nasa 3rd floor ang klase namin kaya malayo ang lalakarin namin. Pumasok kami at nagsimulang makinig dahil late kami, ang maganda dito ay walang pake ang ustad kung nalate ka o hindi pumasok. Sa pinakalikod kami umupo ni Yash at nakinig, minsan ay patago akong nagtetext kay Emi.

"Ano yan?" tanong ng kaklase namin na si Ismael.

"Cellphone" sagot ko

"Good morning, kumain ka na ba?" pagbabasa niya sa text.

"Shhh baka marinig ni Ustad at kunin ang cellphone" sita ko sa kanya

"Sino si Emi? Alam kong katext mo pero Christian ba?"

Tumango ako bilang sagot.

"Ah, saan mo nakuha ang number niya?"

"Sa kanya"

"Ahh, oh nagreply 'Morning, hindi pa'"

Hay naku mahuhuli kami nito dahil sa kadaldalan niya.

"Oy antonaa anan?(means: Ano yan?)" tanong ng isa pa sa kaklase namin at sumilip pa.

"Bumalik ka nga sa upuan mo, baka mahalata tayo" sabi ko

Dahil ako lang ang mas matanda sa kanila ay tumahimik na lang sila.

"Memorise niyo itong Hadith at may oral recitation tayo ngayon" sabi ni Ustad

"Na'am (mean: Yes)" sagot namin

Nagsimula kami magmemorado, kung sa Academic school ay tinatawag ka dito kusa kang lalapit sa Ustad. Kung hindi ka lalapit ay wala kang oral recitation grade at quiz. Dahil nakakabored magsa-ulo ay minsan nagtetext pa rin ako, pero himala kung ang iba impossibling maisa-ulo na nagtetext pa. Samantalang ako ay naisa-ulo ko na, alam kong parang ang yabang ko pero inborn na ata sa akin dahil kahit noong bata pa ako, sapatos lang ay pinagyayabang ko.

From Emi:

           Ang bilis mo atang magsa ulo at mag oral recitation.

[AN/: CP conversation]

Nash: Ako pa, matalino kaya ako.

Emi: Naks naman. Hindi ba ako nakakaistorbo?

Nash: Nope

Emi: Sure ka? May klase kayo tapos text ka ng text. Pasaway.

Nash: Ye, multi-task na ito.

Emi: Pasaway, kakain na ako. Mag-aral ka ng mabuti.

Nash: Oway, eat well

I can't understand but everytime she call me Pasaway, make me smile. Multi-tasking talaga ang ginagawa ko dahil habang nagsusulat o nakikinig ako ay nagtetext ako. Nakita ko na ang ganitong technique sa kabatch ko, ganito pala ang pakiramdam. Nakakaadik talaga magtext pero hindi naman ako ganito kaadik noon sa katunayan nga naiinis ako kapag may tumawag sa akin kapag may klase.

Till the endWhere stories live. Discover now