Chapter 46: My cousin is my .... what?!

28 7 0
                                        

Nash's POV

Tatlong araw ang nakalipas nang sabihin sa akin ni Mamang na humanap ng iba at mas nakakabuti kung sa isang Muslim din ako umibig. Hindi ko pa nakausap si Emi tungkol rito dahil lagi siyang offline at  hindi siya sumasagot sa mga tawag ko. Bumili ako ng bago o sabihin natin ibinili ako ni Mamang ng bagong cellphone. Strikto pa nga eh dapat ang membro ng pamilya at si Papang lang ang nasa phonebook ko.

Lagi din pinaparinig sa akin ni Mamang si Nehara, gusto niya talaga siya na lang ang piliin ko. Kung ang iba ay susundin ang kanilang Ina o magulang pagdating sa gusto nilang mapangasawa ko, ako ay hindi. Para sa akin ako dapat ang magdesisyon kung sino ang magiging asawa ko.

Marami na akong kilalang naipa-arrange marriage ay naghihiwalay sa huli. Kung hindi naman ay yon ay nagkadevelopan o walang magawa kundi sundin ang payo ng magulang. Ngayon alam kong may pag-asa kami ni Emi kahit hindi ako sigurado kung papayag siya ay susubukan ko pa rin.

Kung mabigo naman ako ay tatanggapin ko na lang na hindi talaga kami ang para sa isa't isa. Gusto kong ipaglaban ang pag-ibigan namin dahil ayaw kong magsisi sa huli na wala akong ginawa para maging kami.

"Mamang, pwedi ho bang wag mo akong ipressure? Tigilan mo na po yang pagpaparinig mo sa akin. Please?" pakiusap ko sa kanya "Binata na ako't alam ko naman ang tama't mali. Wag kang mag-alala wala akong girlfriend at wala akong balak magkagirlfriend"

"Okay, baka kasi makipagtanan ka sa iniibig mong Christian" pag-alala niyang sabi.

Natigilan ako sa narinig at ngumiti ng nakakaloko. "Nice suggestion" sabi ko. Kaya sinamaan niya ako ng tingin, natawa ako sa reaksyon ni Mamang.

"Biro lang haha kung mahal ko talaga siya ay hindi ko siya itatanan. May ibang solusyon pa" kumindat pa ako kay Mamang. Nagbiro kasi ako dahil masyadong seryoso siya nitong nakaraang araw at nappraning na naman.

"Knaba oto mapya a kashandag (mean: Hindi yon magandang biro)” pangaral niya sa akin, tumango naman ako.

Kahit kelan ay hindi ko naisip na makipagtanan kay Emi, walang magandang maiidulot ang pakikipagtanan. At saka ibig sabihin lang yon ay tinakbuhan niyo ang problema at tinalikuran ang pamilya kaya hindi yon maganda. Hindi nga masama ang magmahal pero hindi dapat magpadalus-dalos ng desisyon dahil kung mahal mo nga ang isang tao gawin ang tama wag ang mali.

Ayaw ko din magalit sa akin si Allah dahil lang sa makasarili ako, sabi nga sa isang Isalamic qoutes ay "Anyone can fall in love but only the strong one can make it halal". Obviously, gusto kong ipaglaban ang pag-ibigan namin sa halal na paraan  nang sa ganon ay hindi sa akin magagalit si Allah. Malay ko pagbigyan niya ako at kami ang magkatuloyan ni Emi. Isa pang kasabihan "Kung mahal niyo ang isa't isa, magtulongan na makapasok sa paraiso hindi yong magkahawak kamay papuntang impyerno"

Naging hopeless romantic na ako, dati wala yon sa dictionary ko. Nang dumating ang tanghali ay nakipagkita ako ulit kay Papang. Kumain muna ako at nagpray ng salahtul dhur bago pumunta sa Cake ko.

"Asslamo akaikom (mean: peace be upon you)" pagbati niya sa akin nang nakalapit ako sa kanya. Naghand shake kami "Wa alaikomisalam" pagbati ko din.

Umorder kami sa kanya ay Ube cake ako naman ay Yema.

"Bakit niyo ako gustong makita?" tanong ko.

"Gusto ko lang bumawi sa'yo, nga pala gusto mo bang makita ang mga kapatid mo?" tanong niya, ang tinutukoy niya ay ang mga kapatid ko sa kanya na anak niya sa pangalawa niyang asawa.

"I'll think about it, hindi pa ako handa" sabi ko.

Itong nakaraang araw ay lagi din kami nagkikita at napansin kong hindi pa rin siya nagbabago. Imbis na bumili ng mga pagkain at gamot para sa bago niyang pamilya ay ito ibinili niya ng cake at inumin. Maganda sana kung natuto siya nang nagdivorce sila ni Mamang pero parang hindi pa din natuto, kaya ang sakit na idinulot niya sa akin ay hindi pa din naghihilom.

Till the endWhere stories live. Discover now