Emily's POV
Hindi ako makapagtrabaho ng maayos dahil lagi kong naiisip ang pag-uusap namin ni Nash. Bakit hindi pweding maging kami na lang at hindi iniitindi ang pagkakaiba namin ng relehiyon? Bakit kelangan ako pa ang magconvert ng relihiyon at hindi siya? Mas lalong naging komplikado ang sitwasyon namin ,hanggang sa lunch break ay ganon pa rin ako, napansin yon nina Carol at Lisa.
"Uy, bakit ka tulala?" tanong sa akin ni Lisa.
Bumuntong hininga ako "Mukhang pasan mo ang mundo, may problema ka ba?" tanong ulit niya.
"Si Nash naman ba?" tanong naman ni Carol kaya tumango ako. "Magmove-on ka na kasi tss"
"Nakausap ko siya kanina" sabi ko.
"Talaga? Muling ibalik na ba ang tamis ng pag-ibig?" tanong ni Lisa.
"Nahihibang ka ba, Lisa? Halatang malungkot si Maria tapos sasabihin mong nagkabalikan sila" pagbara niya kay Lisa at bumaling siya sa akin. "Siguro namamaalam siya noh? At humihingi ng tawad dahil hindi ka niya maipaglaban" hula niya.
Umiling ako at kinuwento sa kanila ang nangyare kanina. "So, yon nga gusto niyang magconvert ako para maging kami" sabi ko sa kanila. "Ano?!" gulat nilang sabi.
"Anong plano mo? Ngayon ay nalaman mo ang gusto niya" tanong ni Carol sa akin.
"Gawin mo kaya ang pinapagawa niya sa'yo? Grab the opportunity girl! Ipagkalaban ka na niya" suggest ni Lisa. "Hindi ko alam ang gagawin ko, mahirap kasing talikuran ang kinalakihan mong relihiyon" sabi ko. "At saka hindi ko alam kung papayagan ako ni mama"
"Pag-isipan muna yan, at tandaan mong muslim siya. Kaya hindi impossible na balang araw na makasal kayo ay malalaman mo na hindi lang ikaw ang asawa niya" pangaral sa akin ni Carol, may punto siya.
"Hindi na kita ipupush na pumayag agad, I admit opportunity mo na ito pero tama kayo" sabi ni Lisa, ewan ko ba kung bakit ang dating playgirl ay naging hopeless romantic.
Kaya napagdesisyonan kung pag-iisipan ko muna ng mabuti at ipapaalam ko ito sa aking pamilya. Since araw ng patay ay binigyan kami ng vacation para sa holiday. Umuwi ako sa aming at dinalaw namin ang puntod ng mga yumaong mahal namin sa buhay.
Habang kumakain kami ng supper ay tinanong ako ni mama kung kumusta kami ni Nash, kahit naman ideny kong walang namamagitan sa amin ay hindi siya naniniwala.
"Ayon nirereto siya sa kanikaninong babae" sabi ko "Mama, nakausap ko siya last week. Hindi ko alam kung gusto niyang ipaglaban ang pagmamahalan namin o hindi"
"Bakit ano ba ang sinabi niya sa'yo?" tanong niya."Magconvert raw ako, kapag naging muslim ako ay pwedi na raw maging kami" sabi ko.
"Anong sinabi mo sa kanya?" tanong niya.
"Sinabi kong pag-iisipan ko yon" sabi ko.
"Sa unang pag-ibig mo ay tumutol ako pero matigas ang ulo mo, kaya nong nalaman ko ang tunkol sa inyo ni Nash ay hinayaan kita" panimula niya "Ang tanong ay willing ka bang magconvert? At saka nag-alala din ako sa'yo baka sa huli naman ay masaktan ka naman"
"Sabihin mo sa kanya na manligaw muna!" sabi naman ni Ate "Kikiligin sana ako sa inyo pero nang malaman kong muslim siya't may balibalita ding mga rebelde sila ay hindi ko maiwasang mag-alala"
Sumabat naman ang aunty ko na galing sa U.S, doon kasi siya nagttrabaho at nakapangasawa siya ng amerikano. "Ano kamo? May karelasyon kang Muslim?!" sabi niya.
"Mutual Understanding lang, hindi kami naging magkasintahan" sabi ko.
"Ganon pa rin yon, sigurado ka bang mahal ka niya?" tanong niya "Marami akong nakilala sa America na nakapag-asawa ng muslim, pero naging battered wife lang sila" sabi niya ulit.
YOU ARE READING
Till the end
RomanceGENRE: Romance, humor, non-teen fiction. Isang muslim boy at isang Christian girl na na in love sa isa't isa. Malampasan kaya nila ang mga pagsubok? Magiging sila ba sa huli? Paano, yon ang alamin niyo sa kwentong ito. ------- Sana magustoha...