Nash's POV
Masaya ako dahil kahit papaano ay pumayag siya kahit tinuturo ko pa sa kanya kung ano talaga ang Islam, kung sino talaga si Allah at ano talaga ang isang muslim. Nagbabasa ako ngayon ng hiniram ni Nisah sa library ngayon, the healing war ang title ng libro, maya-maya ay biglang pumasok si Mamang sa study room namin.
"Myanug akn skano (mean: narinig ko kayo)” tinutukoy niya yong kagabi, ang talas talaga ang tainga niya. Kahit pala may putukan pang nangyare ay narinig niya pa rin. "Kelan mo ba titigilan ang kahibangan mo?" tanong niya "Lahat ng gusto mo ay binigay ko sa'yo at hindi rin akong nagkulang sa'yo. Pero ito ang isusukli mo sa akin? Nagrebelde ka na ba, tutulad ka rin ba sa Kuya mo?" sermon niya sa akin.
Lahat kasi ginawa niya para kay Kuya Abdullah, pinag-aral. Pinatira pa sa amin at sinuportahan at higit sa lahat itinuring niyang anak ito. Pinsan ko siya na ulila na kaya si Mamang na ang nagpresintang maging guardian niya pero nagrebelde ito.
Nagnakaw at laging nagkacutting classes, mabait naman siya pero hindi ko alam kung bakit pa siya ganon at malayo ang ugali niya sa akin. Kahit kelan ay hindi ako nagnakaw o gumawa ng krimen, wala rin akong bisyo. I'm an epitome of a good son, yon ang sinasabi ng karamihan.Itigil naman ni kuya yon at naging mangingisda lang siya.
Umiling ako bilang sagot "Then kalimutan mo ang babae na yan" sabi niya. "Ayaw kong matulad ka sa Kuya mo, na dahil sa isang babae ay kung ano-anong kalukuhan na ang ginagawa. Anong napala niya? Ayon hindi siya nakapagtapos at namatay dahil matigas ang ulo niya"
Yumaun na si Kuya Abdullah, dahil sa natypoid siya. May high fever siya non pero hindi niya sinabi at hindi uminom ng gamot. Kaya ayon namatay siya, naalala ko nga nong pinagmamalaki niya sa akin ang girlfriend niya. Kahit alam niyang hindi kami pweding magkaroon ng kasintahan ay ginawa niya pa rin.
Siguro ganon talaga kapag nagmahal ka na, kahit alam mong mali ay hindi napipigilang mahaling ang taong yon. I think may maganda naman naidulot ang girlfriend niya dahil tumigil siya sa pagnanakaw at nagsimula siyang mangisda at magbenta ng isda.
Lalabas si Mamng ay tinawag ko siya. Isa lang ng alam ko, yon ay ipaglaban ang pagmamahalan namin ni Emi. Para sa akin ay hindi ito kalukuhan o kahibangan, she change me. Mas lalo akong natutong umitindi at lumaki ang paniniwala kay Allah.
"Ina" tawag ko sa kanya. Tinatawag ko siyang ina kapag seryoso ako at napuno ako, sa totoo lang ay dapat nga ay yon ang itawag ko sa kanya. "Pwedi bang pagbigyan mo ako? Alam ko kung anong ginagawa ko at hindi ako nagrerebelde, hindi ka nagkulang. Kung tutuosin ay maswerte ako dahil ikaw ang naging Ina ko pero sana ay pagbigyan mo ako, I know I'm being selfish but please" pakiusap ko.
"Ano ba kasi ang nakita mo sa Christian na yon?" inis niyang tanong. "Marami kang kilalang muslim na bagay sa'yo. Ba ka boda? (Mean: Are you stupid?)”
"Oo marami nga akong kilala pero siya pa rin eh. Mahal ko siya't ipaglalaban ko ito." sabi ko "Huwag kang mag-alala, ituturo ko sa kanya kung ano ang Islam, nasa kanya kung paniniwalaan niya ang sasabihin ko sa kanya. At kung hindi siya maniniwala ay tatanggapin ko yon, magpapakasal ako sa babaeng gusto mo para sa akin kapag hindi niya ko pinaniwalaan" tumingin ako sa mga mata ni Mamang. Ang kaninang galit ay umamo na ang mukha niya, bumuntong nihinga siya.
"May magagawa pa ba ako? Alam ko naman na nabanggit din sa Qur'an na pweding pakasalan ng lalake ang isang Christian pero dapat ay magconvert ito." sabi niya.
"So, hahayaan mo ako?" tanong ko sa kanya. Dahan-dahan siyang tumango "Baka magmukha pa kong kontrabida't mature ka na talaga anak. Marami ka nang alam at proud ako don, nag-alala lang ako dahil baka maling landas ang daanin mo."
Hindi ko mapigilan sa tuwa na nayakap ko pa siya, "Salamat at parawarin mo ako. Mahal ko talaga siya't hindi ko maimagine ang sarili kong hindi siya ang makasama ko habang buhay"
YOU ARE READING
Till the end
RomanceGENRE: Romance, humor, non-teen fiction. Isang muslim boy at isang Christian girl na na in love sa isa't isa. Malampasan kaya nila ang mga pagsubok? Magiging sila ba sa huli? Paano, yon ang alamin niyo sa kwentong ito. ------- Sana magustoha...
