Nash's POV
May pasok kami sa madrasa at iniisip ko ang unknown feeling na iyon, ginugulo kasi ang utak ko at gusto kong malaman kung ano itong nararamdaman ko. Maulap ngayon, balita ko ay may bagyo. Olom ngayon ang subject namin, science yon pero hindi tulad sa academic na may chemistry at physics pang nalalaman. Living things and earth science ito.
Natapos ang discussion at recess na kaya nagsilabasan kami. One of my batch mate in college text me kaya nireplyan ko. Naisipan kong magtanong sa kanya kung ano tong nadarama ko, hindi ko maitanong kay Yash dahil mukhang wala siyang alam sa mga bagay tungkol sa nararamdaman ko.
"Gari, may itatanong lang ako" sabi ko
"Ano yon?" tanong niya
"May nararamdaman kasi akong kakaiba" sabi ko
"Ah na magpacheck up ka" sabi niya
Walang kwentang kausap dahil slow niya. Naisipan ko na lang si Emi ang tanongin ko, hindi ko na lang sasabihin na tungkol sa akin yon. Kaya tenext ko siya, alam kong mas maganda kong tatawagin ko siya pero hindi ko kaya Ewan!
"Ah Emi ano ba ang salitang kilig? What I mean is paano mo malalamang kinikilig ka?" tanong ko
Hindi ko alam kung bakit ko pa nasabi yon.
"Hindi mo alam yon?" sabi niya
"Hindi" sabi ko
"Nararamdaman yon eh" sabi niya
"I know, pero bakit kadalasan nakakita na lang ng gwapo ay kinikilig na raw?" sabi ko, curious kasi ako.
"Ganito kasi ang kilig ay yong ba bigla na lang sumaya ang puso mo" sabi niya
"Ah ok" sabi ko "Thanks"
So kapag natuwa o sumaya ako ay kinilig ako? Parang hindi ganon, kaya naisipan ko na lang magbasa ng may kinalalaman sa kilig o love? Na kadamihan sa Muslim ay naiisip ay landian yon. Kahit ayaw ko malakas kasi ang pakiramdam kong dito ko malalaman ang sagot sa akin tanong. Naalala ko yong pinagkakaguluhan ng kabatch ko sa college, isang online novels?
Nang uuwi kami ay niloadhan ko ang smartbro namin. Mas komportable kasi ako mag-internet sa bahay kesa sa net cafe. Maingay doon at maraming nag-aaway dahil lang sa dota. Pumasok ako sa study room namin at pinaandar ang PC ko, tatlo ang computer namin dito. Sa gilid ay bookshelves katabi ang study table.
"Kuya kung novel naman ang hanap mo pwedi akong maghiram sa library" sabi ni Nisah.
"Talaga? Next week maghiram ka ah. Yong maganda" sabi ko
"Pero paano kung sunugin ni Mamang?" tanong niya
Mahigpit na pinagbabawal sa amin ang mga ganitong libro. Naalala ko nong dalaga pa si Ate may binili siyang novel pocketbook, nakita yon ni Mamang kaya nagalit at sinunog iyon.
"Sabihin mo assignment niyo" sabi ko
Naalala ko ang title ng binabasa ng mga kabatch kong babae. Naririnig ko kasi ang usapan nila, she's dating the gangster na ngayon ay isa nang ganap na movie. Matagal na yon. Bigla ko din naisip na hindi lang sa mga ganon nalalaman ang kilig o love, nalalaman din yon sa comics. Dahil hindi ko tipo ang magbasa sa mga novels na nakasulat at walang pictures, nagbasa na lang ako ng online Mangareader.
"Kuya bakit bigla kang nagkainterest sa novels? At ano bang genre ang hinahanap mo" tanong ni Nisah
"May gusto ko lang malaman" sabi ko
"Ano naman yon?" tanong niya
"Romance? Naguguluhan kasi ako ngayon at alam kong may kilalaman ito sa romance" sabi ko
"Don't tell me Kuya may love life kana? With Ate Emi ba?" sabi niya
Mukhang marami siyang alam sa mga ganito, may alam naman ako pero hindi sapat. Lalo na kung lumaki akong masama ang pagkaitindi ko sa love.
"Kung naguguluhan ka Kuya if you're in love or not. Itanong mo kay Google" sabi ni Nisah
Is she saying that I'm in love? Nagtanong ako kay Google kung paano mo malalaman na in love ka. I can't believe na ito pa ang isesearch ko ang love.
Ang lumabas ay 1. Hindi siya mawala sa iyong isipan, lalo na hindi ka makatulog sa gabi sa kakaisip sa kanya. 2. Lagi kang nag-alala kapag may masamang nangyari sa kanya 3. Masaya ka kapag kasama siya 4. Namimiss mo siya agad 5. Nagseselos kapag may inintertain siyang iba.
Marami bang iba, halos tama ang nakalista doon. Lagi ko ngang naiisip si Emi, ni hindi ako agad makatulog sa kakaisip sa kanya, nag-aalala din ako sa kanya, masaya ako kapag kasama o kausap ko siya, namimiss ko siya lagi at selos? Hindi ko alam pero ayaw kong may lumalapit sa kanya na lalake o ligawan siya. Matatawag na ba yong selos? Siguro nga nagseselos ako sa kanila lalo na yong anak ng boss niya.
Ibig sabihin ako ay in love kay Emi?! May pinakinggan si Nisah, para ako tuloy nakarelate kahit hindi ko naitindihan dahil Korean song. Kumain kami ng lunch tapos ay nagpray saka pumasok ulit sa madrasa.
"Anong title ang pinakinggan mo kanina?" tanong ko kay Nisah, paakyat kami sa hagdan ngayon.
"What is love kanta ng Exo" sabi niya
Tumango lang ako, huli talaga ako sa mga uso. Kung tutuusin parang nagmula pa ako sa nakaraan, nakakainis lang. Pero ano ba ang magagawa ko, simula pa noon ay puro school at bahay lang ako. May mga kaibigan nga ako pero tungkol lang naman sa subject ang pinag-uusapan o di kaya'y sports.
Naglecture kami sa Qur'an tapos oral agad palagi ganito sa madrasa kaya kung slow ang pagmememorise mo pwedi din naman sa next week ka na pero mahuhuli ka. Hahaba lang ang emememorado mo.
Nang uwian ulit, nagpray muna ako saka nag-isip isip ulit. Sabi nila bumibilis ang tibok ng puso mo kapag naisip o nakita siya. In love talaga ako? Gusto kong ideny pero yong nabasa ko sa internet ay totoo at yon nga ang nararamdaman ko.
Kung in love ako kay Emi, paano yon nangyari? Baka akala ko lang ito, paano kung mali lang ang conclusion ko. I need more time to confirm that its true pero kung totoo nga, anong gagawin ko? Bawal sa amin ang magkagirlfriend. Nagtext sa akin si Emi, binasa ko iyon.
From Emi:
"May Facebook ka ba?"
Nagreply ako "Wala, Hindi kasi ako interesado sa Facebook kaya hindi ako gumawa ng sariling account. At para sa akin wala yon kwenta."
"Hindi naman masama kung magkaroon ka ng sariling account sa Facebook" sabi niya "Sa katunayan nga, it help us to communicate with person na nasa malayong lugar"
Tama siya, kaya lang ako walang facebook dahil wala akong oras doon at hindi ako intersado. Kinulit niya akong gumawa ng sariling account kaya pumayag ako. Ni-on ko ang PC at nagsign in sa Facebook pero lagi na lang hindi tanggap.
To Emi: Bukas na lang, mahina ngayon ang signal.
"Ok, kumain ka na ba?" tanong niya
"Hindi pa, ikaw?" sagot at tanong ko sa kanya
"Heto kakain na raw kami, kumain ka na din" sabi niya
"Okay, eat well"
Kumain kami tapos ay nagpray ako ulit. Naisip ko kahit ano siguro ipagawa sa akin ni Emi ay nagagawa ko, I should stop this feeling or ignore it dahil hindi ako pweding ma in love.
From Emi : Take me to your heart
Tell me where to start
Let me play the part of your first love;
Good night
First love? Napabuntong hininga ako, mawawala din ito tama baka paghanga lang ito.

YOU ARE READING
Till the end
RomansaGENRE: Romance, humor, non-teen fiction. Isang muslim boy at isang Christian girl na na in love sa isa't isa. Malampasan kaya nila ang mga pagsubok? Magiging sila ba sa huli? Paano, yon ang alamin niyo sa kwentong ito. ------- Sana magustoha...