Nash's POV
Nagising ako at nakagawian ko nang itext si Emi pagkagising ko.
"Morning" reply niya
"Kumusta ang pagtulog mo?" tanong ko
"Buti naman" sagot niya.
Napansin kong ang tamlay naman ata ang mga reply niya.
"May problema ka ba?" tanong ko
"Wala, inaantok lang ako. Iidlip lang ako sandali ha?" sabi niya.
"Sige aein" reply ko.
Hay, ang ganda ng simula ng umaga ko. Pero parang may mali eh baka meron siya o pagod lang.
"Hay! Gopn myapita na cellphone ah manggagalbk ka pman! (Mean: Ki-aga aga tapos cellphone ang inaatupad mo!)" sermon sa akin ni Mamang "Antawaa bs anan ah katext ka? (Mean: Sino ba yang katext mo?) Babae ba? Kung babae at galing sa mabuting pamilya aba tharoangka bo kelan ka panganakan. (Mean: Sabihin mo lang kung kelan mo gustong magakyat ligaw o hingin ang permisyo sa magulang ng babae na pakasalan ito)" dagdag pa niya
Kung pwedi nga lang pero alam kong sa oras na malaman niyang christian tong iniirog ko tiyak magagalit siya at baka maghanap ng dalaga para itali sa akin.
"Sambayang kadn Mamang, pagabdas ako dn (mean: magpray ka na Mamang, maghuhugas lang ako o sa madaling salita lilinisin ang katawan)” sabi ko na lang.
Ginawa ko na ang daily routine ko. Magtatanghali na't hindi pa rin nagrereply si Emi kaya nag-alala ako hindi ko naman siya matawagan dahil wala akong pantawag, unlitext lang ito. Kaya ang nangyari ay tinadtad ko siya ng text kahit hindi siya nag-rereply, nababaliw na ata talaga ako hindi ako ganito.
Nagreply siya "Sorry, napasarap ang tulog ko. Mejo madaling araw na kasi ako nakatulog" don ako nakahinga ng maluwag.
"Akala ko kung ano nang nangyari sayo" sabi ko
"Okay lang ako, ano ka ba? Sorry poh, nag-alala ka tuloy" sabi niya
"Okay lang aein. Kumusta pala ang tulog mo?" tanong ko
"Okay naman aein ko" sabi niya
Ya Allah, hindi ko alam kung bakit napakasaya ko, basta ang alam ko ay dahil kay Emi.
"Bakit nga pala madaling araw ka na nakatulog?" tanong ko
"Wala lang" sagot niya
Nag-isip isip ako at inalala kung may nagawa akong mali, bigla ko na lang naalala na natulogan ko pala siya kagabi at hindi ako nakapagsend ng lyrics.
"Dahil ba natulogan kita't hindi nakasend ng lyrics?" tanong ko
"Okay lang" sabi niya
Agad akong humingi ng sorry sa kanya at pinatawad niya ako. Sa mga sumunod na araw ay maayos naman kami at lagi kaming naglalambingan kahit LDR tong relasyon namin at kahit M.U as in Mutual Undertanding lang kami. Dumating ang araw na Exam na namin sa madrasa kahit may exam ay pasimple akong nagtetext kay Emi.
"Pasaway ka talaga, paano kung bumagsak ang grado mo?! Lagi ka na lang nagtetext sa akin" sermon niya, kaya ko nga siya mahal.
"Don't worry aein, pasado ako" panigurado kong sabi.
"Sus ikaw na ang matalino. Pero Aein, lagi ko naman sayo sinasabi na kapag oras ng klase dapat yon ang pagtuonan mo" pangaral niya sa akin.
"Mahal mo talaga ako aein kaya nga kita mahal" sabi ko
YOU ARE READING
Till the end
RomanceGENRE: Romance, humor, non-teen fiction. Isang muslim boy at isang Christian girl na na in love sa isa't isa. Malampasan kaya nila ang mga pagsubok? Magiging sila ba sa huli? Paano, yon ang alamin niyo sa kwentong ito. ------- Sana magustoha...
