Chapter 54.1: Ang pagbisita

57 4 0
                                    

Nash's POV

Nang pinapatulog na kami ay tinawagan ko si Mamang upang ibalita ko sa kanya ang magandang balita.

"Assalamo alaikom (mean: Peace be with you)" bati ko. "Wa alaikomi salam (mean: Peace be with you too)" bati niya pabalik "Kumusta ka na jan?" tanong niya.

"Okay naman, kayo jan?" tanong ko. "Mapipiya dn (mean: Okay lang din) antonaa eh masosowa ka san? (mean: anong nangyayare sayo jan?)" tanong niya.

"Okay din, Ma. Kanina ay nakapagdesisyon na si Emi na magbalik Islam" masaya kong balita. "Aw mapya oh ba giyoto (mean: Maganda kung ganon)" sabi niya. "Baka naman kinulit mo siya at inuto?"

"Ma naman, alam mong hindi ko yon magagawa dahil malaking kasalanan yon" sabi ko. "Ah, Ma adn pn ah balita akn. (mean: Ah, Ma meron pa akong balita.) Kanina ay nagpropose ako sa kanya, sinagot niya ako ng Oo" masaya kong sabi.

"So piyor? (mean: Yong totoo?) Paano mo magawang makapayag ang pamilya niya?" hindi makapaniwalang tanong niya sa akin. "Nakita nila siguro na mahal na mahal ko talaga si Emi kaya siguro sila pumayag" sabi ko.

"Aw mapiya, miyakazambayang ka nan? (mean: Aw mabuti, nakapagpray ka na ba?)" tanong niya. "Hindi pa pero magsisimba na ako ngayon, tinawagan muna kita" paliwanag ko sa kanya, ayaw na ayaw niya talagang pinapalampas namin ang oras ng pagsisimba. Yon daw ang napakamagandang maipapamana niya sa akin.

"Okaw, magsimba ka na. Good night" paalam niya, binaba ko na ang tawag at nagsimulang magsimba. Nagpasalamat ako kay Allah dahil tinupad niya ang kahilingan kong maging kami ni Emi na hindi siya magagalit sa amin. Pero hindi pa ako sigurado kung magiging kami nga dahil hindi pa kami kasal, kung pweding pakasalan ko na siya ngayon ay ginawa ko na.

Sana ay magustuhan niya ang buhay ng isang muslim, karamihan kasi ay nagsisisi sa huli dahil hindi nila nagustuhan ang pamumuhay ng isang muslim. Dahil marami raw bawal sa amin at marami rin inutos si Allah na ayaw nilang gawin. Kinabukasan ay inutosan ako ni Tita Esmeralda na ipag-igib sila ng tubig at ipag-sibak sila ng kahoy. Hindi na ako nagreklamo at ginawa ang inutos niya kahit hindi ako sanay lalo na ang pagsisibak ng kahoy, electric stove ang gamit namin kaya hindi kami gumagamit ng kahoy.

Nang napagod ako ay umupo muna ako sa malapit na upuan upang magpahinga ng saglit. "Ang sipag ah" komento ni Emi kaya napatingin ako sa gawi niya, saka ningitian ko siya. May dala siyang isang baso at tuwalya, lumapit siya sa akin. "Uminom ka muna saka magpunas, pinagpawisan ka oh" sabi niya.

"Salamat, ang sweet mo naman" inimom ko ang tubig saka pinunasan ang basa kong buhok at iba pang parte ng katawan ko. "Simple naman yan" sabi niya saka nababuga ng hangin "Hay, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang nagpropose ka sa akin kagabi at ngayon ay engage na tayo" masaya niyang sabi.

Umaktong yayakapin niya ako ay pinigilan ko siya kaya nabigla siya. "Hindi pa pwedi" paliwanag ko. "Bakit naman? Engage na tayo't kasal lang ang kulang kaya bakit hindi pwedi? Saka nakapagyakapan ns tayo noon" taka niyang tanong.

"Bawal saka biglaan yong noon" sabi ko. "Ano ba yan, yakap lang eh bakit ang daming bawal?" reklamo niya "Ganon talags aein, magtiis ka na lang. Kapag nakasal na tayo ay pwedi na tayo magyakapan. Kahit buong magdamag o buong araw" pampalubag ng loob kong sabi sa kaniya.

"Okay, magpahinga ka na" sabi niya saka pumasok sa loob ng bahay nila, bigla na rin tumabi sa akin si Basher na may hawak na cocacola.

"Ako ata ang magkakaroon ng cavity sa kasweetan niyo" sabi niya. "Masanay ka na saka hindi naman namin daig ang mga magkasintahan na nakikita sa TV o sa daan" sabi ko.

Till the endWhere stories live. Discover now