Chapter 35: Pag-amin ng nadarama

51 7 0
                                        

Emily's POV

Nag-ayos ako at tumulong sa akin mama, pupunta kami ngayon sa malapit na talon. Family bonding lang ngayon kaya masaya ako. Sinabi ko yon kay Nash at nalaman kong hindi pala siya nakapunta sa isang talon at hindi naranasan na magtampisaw don o tumalon.

From Nash~cute:

           Mag-ingat ka don baka palunod ka o di kaya'y mabagok ang ulo mo, wag naman sana. Happy trip.

Yon ang sinabi niya na nagpakilig sa akin, dinala ko ang isang basket na may laman na pangmeryenda at isang bag na andon ang pamalit at tuwalya. Sumakay na kami sa sasakyan papunta sa talon, excited ang mga kapatid ko't pinsan. Nagpipicture pa kami sa loob at nagseselfie. Minsan lang ako nakakareply kay Nash, naiitindihan naman niya kaya walang problema.

Isang sleeveless shirt ang suot ko at short, nang nakarating kami ay inayos muna namin sa cottage ang mga gamit at nagpicture tapos ay nagsitalon na kami at nagtampisaw. Namiss ko din ang ganito, minsan ko lang kase makasama at makabonding ang pamilya ko, nang napagod ako ay sumilong ako sa cottage at nagpatuyo.

"Kanina pang may nagtitext sayo, yong katext mo ata" sabi ni Ate.

Kinuha ko ang cellphone ko sa akin bag at nakita kong may 5 message receive ako mula yon kay Nash, puro tanong na ano daw ang ginagawa ko, busy na daw ako at ang kumuha sa atensyon ko na..

From Nash~cute:

           Namiss na kita.

Tumibok ng malakas ang puso ko at parang may insekto sa akin tiyan. Kaw ba namang sabihan ng mahal mo na namimiss ka niya? Tumonog ang cellphone ko at may bago naman siyang message agad ko yon binasa.

From Nash~cute:

           Emi....

Nereplyan ko siya agad, kaya ako mas nahuhulog eh pinapakilig niya ako. May gusto din siya siguro sa akin pero ayaw kong mag-assume.

"Sorry, na-enjoy ako sa kakatalon at pagtatampisaw" pagpapaliwanag ko sa kanya.

"Mukha nga, anong ginagawa mo ngayon? Maglalunch na ba kayo?" agad niyang reply.

"Nagpapatuyo po at nagpapahinga"

"Kumain ka na, tanghali na kaya" paalala niya sa akin.

"Mamaya na, nagtatampisaw pa sila eh"

Tinawag ako ni Mama kaya naiwan ko ang cellphone ko, nagpicture naman kami saka naglunch.

"Kayo na ba?" tanong ni Ate, napabling ako sa kanya at napakunot noo. "Tinatanong ko kung kayo na ba ng katext mo, aba dalawang linggo ka na dito tapos lagi kayong nag-uusap. Hanggang hating gabi eh nag-uusap pa rin kayo"

"Magkaibigan lang kami" yon ang nasagot ko dahil yon talaga ang meron sa amin ni .Nash.

"Ikaw ba'y in love na sa kanya?" tanong pa niya

"Hahaha kaw talaga ate, gutom lang yan" nichange topic ko na agad dahil ayaw nilang malaman at saka one sided lang ito.

Hindi na niya ako tinanong pa, pagkatapos kami kumain ay nagtampisaw ulit kami ng saglit saka na nagpatuyo at nagpalit ng tuyong damit saka nagligpit at umuwi na. Sa sobrang pagod ay nakatulog ako sa byahe kaya nang nakauwi na kami at tiningnan ko ang cellphone ko ay napuno na naman ng text ni Nash ang inbox ko. Niisa-isa ko yon binasa, nagtatanong naman siya't nag-alala itosa akin kaya agad ko siyang nireplyan.

"Naku, sorry! Nakatulog kase ako sa byahe"

"Ganon ba, kumusta ang tulog mo?" tanong niya

"Okay naman, mejo pagod pa rin ako"

Till the endWhere stories live. Discover now