Chapter 29:Pasaload

47 5 0
                                    

Nash's POV:

Ang bilis ng panahon, dati nasa Manila kami para magbakasyon ngayon nakauwi na kami. Kasalukuyang nag-eenroll kami ngayon sa Jamiatul Muslim Mindanao o JMM for short. Isa itong Madrasa at the same time paraalan. Napakalaki ito, halos napakaraming students. K-12 na kasi, may college din lalo na't may mga morit, isa na ako doon.

Kung naguguluhan kayo kung bakit sabi ko noon nakagraduate na ako ng college pero nag-eenroll na naman ako? Ganito kasi yon, kaming mga Muslim dalawa ang pinapasukan namin. Una ay ang paaralan kung saan natutunan ang English, History, Math and Science, every weekdays yon. Kapag weekends papasok na naman kami sa Madrasa kung saan pinag-aaralan ang lengguwaheng Arabo, ang Hadith, sayings of Prophet Muhammad (S.A.W), ang Qur'an at iba pang aaralin tungkol sa Islam.

Kaya napakahirap para sa amin yon dahil wala kaming pahinga, minsan nag stop lang kami sa Madrasa at magfofocus sa Acadamic. Wala naman kasing pinipiling edad sa Madrasa pero karamihan nahihiya, just imagine kung ikaw ay Grade 6 ka sa academic  pero Grade 2 sa madrasa ang mga kaklase ay mga bata?

Kaya madami din ayaw pumasok at ang resulta naman ay hindi marunong magbasa ng Arabic, importante talaga na matutunan yon dahil kung hindi. Hindi mo alam ang binabanggit tuwing nagppray.

Tapos kami magenroll ay pumunta si Yash sa Mindanao State University o MSU para mag-enroll, kami na naman ni Nisah ay pumunta sa Dansalan College Foundation Incorporated o DCFI. Dumating kami sa DCFI, bumaba si Nisah.

"Marunong ka naman siguro mag-enroll?" tanong ko sa kanya, di ko kasi pweding iwanan dito yong motor. Baka manakaw, maraming magnanakaw dito.

"Hindi eh, alam mo naman laging si Mamang ang nag-eenroll sa akin" sabi niya

Pinark ko na lang sa gilid ng tindahan yong motor at pinakiusapan ang tindera na kung pwedi ay tingnan niya ito kahit minsan o pasulyap lang. Pumayag naman ito kaya sinamahan ko si Nisah.

Nga pala kanina ko pa tinetext si Emi, minsan busy siya. I understand, may trabaho siya kaya normal na iyon. At ito kami ni Nisah, parang naghahiking kami. Paano naman kasi nasa tuktok ng bundok ang building nila, hindi ko alam kung bakit dito pa itinayo ng founder ang paaralang ito.

"Hi, Nisah. Naka-enroll ka na?" tanong ng kaklase niya siguro last year.

Nag-usap sila then nagpatuloy kami maglakad. Nasa pinakatuktok ata yong office dito, pero ok lang maganda ang simoy ng hangin dito at maraming halaman sa paligid. Hindi din problema ang sikat ng araw dahil may bubong naman 'tong daan. Texting while walking ako ngayon, wala naman magnanakaw dito. Puro mayayaman kasi ang mga studyante dito, isa itong private school.

"Inu nga di thawagi? (Mean: Bakit di mo nalang tawagan?)" tanong ni Nisah "Para marinig mo ang boses niya't tuloy tuloy ang usapan"

"Gusto mo lang marinig ang usapan namin" sabi ko

"Kaw bahala" sabi niya

Namiss ko ang boses niya, tatawagan ko ba? Pumunta ako sa chat namin at touch the option, nagdadalawang isip pa ako kung tatawagan ko si Emi o hindi pero hindi ko nagawa. Kinakabahan ako, yong puso ko tumibok ng sobrang bilis ano ba itong nararmdaman ko? Nasa tuktok na nga kami't andito sa R.O nasa kabila pa ang T.O tss Bakit laging ganito? Di pweding nasa iisang building na lang?

Ayon tinext ko si Emi ng 'wait, eenroll ko muna si Nisah' omo-kay naman ito. So ginawa ko na ang dapat gawin. 3rd year junior high school na si Nisah, ang swerti niya dahil umabot siya sa K to 12. I know I'm weird sometime dahil mas gusto ko yon, eh mas nakakastress ang pag-aaral kapag ganon. Sadyang nasanay na siguro akong lumaki na school ang environment? Simula pang baby pa ako ay dinadala ako ni Mamang sa school.

Till the endWhere stories live. Discover now