Nash POV
4:30 am gumising ako kelangan kong magpray ng Fajr/ suboh. Pagkatapos kong magpray nagbasa ako ng Qur'an, ito talaga ang hobby ko pagkatapos kong magpray ng Fajr. Pagkatapos kong magbasa. Ginawa ko na ang dapat pang gawin.
6:30 am, nagtext sakin si Emi ng Good morning. Napangiti ako, iwan hahaha isang simple na bati sakin ni Emi kusang ngumingiti ang mga labi ko. I just reply and told her na may gagawin pa ako kaya mamaya na kami mag-usap.
Nagbrekfast na ako. Actually ako lang ata ang kumakain halos lahat ng kasama ko dito nagkakape na lang.
"Psst! Nashif"
" Ow?" Sagot ko kay Akisa
"Samahan mo ako mamaya"
Tumango lang ako.
"Pagkatapos na yan, magbihis ka ha."
Tumango ako ulit.
"Baka miyapngaw?! Di kaptharo ( means: Pipi ka ba? Di ka nagsasalita)"
"Pkhan ako, katawan nga dn ( means: kumakain ako, lam mo na)''
"Apya! Dapat sumasagot ka"
"Hai! San ba kasi tayo pupunta?"
"May dadalawin lang ako"
Tumango na lang ako.Nang natapos ko nang kumain. Niligpit ko ang kinainan ko't nagbihis na. No need to ayos ayos pa.
Kaya lang naka isang oras na di pa rin tapos magbihis si Akisa. TSS... aabutin kami ng tanghali niyan bago siya matapos. Seriously girls? Bakit ang tagal niyong magbihis?
"Aki! Wag mong sabihin sa next century ka matatapos jan magbihis? San ba kasi talaga pupunta't sino ang dadalawin mo?"
"Wait lang magviel muna ako"
Pareho sila ni Nisah kung magbihis ang pagkaiba nga lang si Nisah nong 19 forgotten pa siya nagbibihis at malapit umabot sa next century matatapos.
Tinext ko na lang si Emi. Pero di pa rin nagrereply tulog pa siguro.
"Tayo na"
Sumonod na lang ako sa kanya.
"Pst, Aki san talaga tayo pupunta? Ang ayaw ko yong nagpasasama tapos aabot sa next century matapos. Tas di pa sinasabi-"
Di ko natuloy kasi hinampas ako.
"Kay Mare"
"Ah the Aristocat? Wee?"
This time binatokan ako.
"Aydaw! Sino kasing Marie na yan?"
"Si Maria Emily! Dadalawin natin siya malala ang lagnat"
"Bakit di mo sinabi kaagad? Para madalhan ng kahit ano kahit lugaw o sopas etc"
"Bibili na lang tayo sa labas"
Nagpaalam kami sa mga mamang namin. Sinabi namin na may dadalawin si Akisa at magpapasama sakin.
Sa daan bumili ako ng 1 kilos rice at kalahating niyog.
"Bakit yan ang binili mo aber?"
"Kasalanan mo, kung kanina mo pa sinabi eh di kanina pa to luto. Igagawa ko siya ng rice porridge"
"Bakit di ka na lang bumili at san mo yan iluluto?"
"Just shut up! And let's go, hindi pweding maghintay ang pasyenti"
Isa lang po madlang reader ang nasa isip ko... Gusto ko ang gawa ko ang kainin ni Emi, I just do whatever I want. Baka may halong Ano sa bibilhin namin mas maganda kung ako mismo ang may gawa.
"Pansin ko Nashif, close ata kayo ni Mare?"
"Oo, kaya alam mo naman si ako. Maalaga sa close friends"
"Asus, ang sweet mo ata hahaha"
Nang nakarating kami, pinapasok kami ng isa sa kaboardmate ni Emi at ginising si Emi. Nagsimula din akong magluto ng rice porridge, kaso rice cooker lang ang andito walang cooking pot, kawali ang meron kaya sa rice cooker na ako. Kianusap naman ni Akisa si Emi, lumapit sila sakin kasama yong kaboardmate niya.
"Ahm, Baka masira yan?" Sabi ng kaboardmate niya
"Hala, Nash anong ginagawa mo?"
"Nagsasaing?"
Hahaha epic ang itsura nila. Tiyaplak ako ni Akisa.
"Hoy! Prince Nashif Pangandamun! Ano naman ang balak mo? Kala ko magluluto ka ng rice porridge? Bakit sa rice cooker ka aber?"
Ganyan talaga siya kapag napuno na dinadagdagan ng Prince, Princess, King, & Queen o kahit ano sa pangalan ng tao.
"Relax Aki! Relax lang kayo, RICE COOKER nga kaya dito ko na niluto ang RICE porridge. Kaya magsi-upo na kayo jan"
"Kapag yan ay nasira patay ka sakin!"
"Nash, sigurado ka?"
"Ye, trust me. Umupo ka na Emi, baka mabinat ka. Pagkatapos nito pwedi mo nang kainin"
"Ok, salamat. Nag-abala ka pa"
"Wala yon"
Sumingit si Akisa.
"Ahem ahem! Mamaya muna yan, nilalanggam na tayo"
"Ay hindi mare ang sabihin mo nilalanggam na sila hindi tayo"
Umupo na lang sila, nang malapit tong mapatos. Wait... may kulang asukal.
"Ah Emi, San ang asukal niyo dito?"
Binigay sakin ng kaboardmate niya ang asukal. When its done, I put it in a small bowl.
"Oh ito Emi ang Rice porridge mo."
"Salamat"
"Bakit di mo subuan si Maria, may lovenat pa oh"
Sabi ng kaboardmate niya, hindi ko man lang maitanong kung anong pangalan niya. Di bale na lang, di ako interesado.
"Nash, kaya ko naman kumain"
"Ok"
Kumuha ulit ako ng rice porridge, titikman ko. Baka hindi masarap.
"Nashif, kialipatan akong ka na (means: Nakalimutan mo ako)"
"Kung gusto mong kumain, kumuha ka lang. May kamay ka naman"
Padabog siyang umalis at kumuha sa rice porridge kasama niya yong kaboardmate ni Emi.
"Masarap ba?"
"Oo, di ko akalaing marunong ka pala magluto"
I just smile at nagpatuloy kumain. Pagkatapos ay umuwi kami ni Akisa. Mga 4 hours ata kami kina Emi. Haha
"Magpagaling ka, wag masyado gumalaw. Uminom ka din ng gamot"
"Opo boss"
I just smile back.
===============
Sino ang gusto ng Rice porridge? Haha
Vote and comment.
YOU ARE READING
Till the end
RomanceGENRE: Romance, humor, non-teen fiction. Isang muslim boy at isang Christian girl na na in love sa isa't isa. Malampasan kaya nila ang mga pagsubok? Magiging sila ba sa huli? Paano, yon ang alamin niyo sa kwentong ito. ------- Sana magustoha...
