Chapter 45: Hadlang

22 6 0
                                    

Nash's POV

Hindi nasiyahan si Mamang sa sinabi ko, akala niya ay si Nehara ang nagugustohan ko simula pa noong college pa ako. Lagi kasing nangunguna sa klase si Nehara, pangatlo lang ako dahil lagi akong naabsent at kapag may group activities ay lagi ko siyang nakakasama sa iisang grupo. Dalawang upuan din ang pagitan namin sa amin inuupuan.

"Nashif, bakit sa lahat pa ay isang Christian ang natipunan mo?" tanong niya "Ang dami mong nakasalamuhang babae lalo na sa Madrasa. Doon ka na lang pumili anak, mas maganda nga kung si Nehara ang matitipunan mo dahil kilala natin siya"

Kilala din ng pamilya namin ang pamilya ni Nehara dahil naging professor din nila ang ama nito. Ang ama ni Nehara kase ang instructor namin sa Mathematics, mapa-algebra yan o management ay siya ang nagtuturo.

"Hindi ko alam, basta nagising lang ako na iniibig ko na si Emily" ito ang dahilan kung bakit hindi ko masabi sabi kay mamang ang tungkol sa amin ni Emi.

"Pamugaw ka sa shaytan (mean: Magtaboy ka ng Shaytan/ evil) Kinokontrol ka ng Iblis, attraction lang yan" sermon niya sa akin.

Kung simpleng attraction lang ito ay naging madali na sa akin ito pero hindi, alam kong mahal ko si Emily. Gusto ko sanang sabihin kay Mamang ang nararamdaman ko pero mukhang hindi siya maniniwala.

"Wata akn, katawan kadn ah pkhararangitan o Allah so mga Kafir ago Christian. (Mean: Anak, alam mo naman na galit si Allah sa mga kafir [non-believer] at Christian) Kaya tigilan mo yang nararamdaman mo" pangaral niya sa akin.

"Sinubukan ko Mamang, lahat ginawa ko pero hindi ko mapigilan"  seryoso kong sabi "Sabi nga nila kapag tumibok ang puso wala kang magagawa kundi sundin ito"

"Wag ka ngang maniwala jan, may magagawa ka pa! Humanap ka ng iba, hindi sayo nakakabuti kong sa isang Christiyano ka iibig" sermon niya. "Ngayon ay magfocus ka sa Madrasa, malapit ka naman gumraduate. Marami pang iba jan na muslim pa't maganda"

Aaminin kong marami ngang muslim at maganda pa pero si Emily pa rin ang laman ng puso ko. Ang gusto kong makasama habang buhay, hindi na lang ako nagsalita pa dahil pipilitin lang ako ni Mamang na humanap ng iba. Baka ipa-arrange marriage ako sa mga anak ng kumare niya.

Iniwan ako ni Mamang pagkatapos niya akong pangaralan. Naiitindihan ko si Mamang, gusto niyang makapangasawa ako ng isang muslim, yong may takot kay Allah at ginagawa ang utos ni Allah. May pinag-aralan at may respekto. Nagmuni-muni ako, kung madali lang ang lahat ay hindi nagkakaganito. Madami na din akong kilalang nagkatuluyang Christian at Muslim, hindi ko alam kung paano nila nalampasam ang mga pagsubok. Maya-maya ay pumasok si Nisah sa kwarto ko.

"Narinig ko ang pinag-usapan niyo ni Mamang. Okay ka lang kuya?" tanong niya

Umiling ako "Hindi ko alam"

"Kung gusto mo ng masasabihan ay nandito lang ako"

Tumango ako at nag-alangan siyang tanongin "Nga pala, gusto mo bang makita si Papa?"

"Why not? Kaso parang awkward, hindi ako sanay. Pwedi mo ba ako akong samahan kapag may oras na alam mo na" tanong niya.

"Sure" sabi ko na lang. Nagpray ako tapos ay pumasok na kami sa madrasa,  hindi kami pweding mag-absent dahil review ngayon.

Sumunod ang mga araw ay nakipagkita si Papang sa amin ni Nisah, sinakto namin ang lunch time ni Nisah dahil may klase pa ito. Nag-uusap sila ni Papang, nangungumustahan lang. Minsan ay sinasali nila ako sa usapan, nang natapos ang isang oras ay may klase ulit si Nisah kaya kelangan niyang pumasok.

"So, nakapagdesisyon ka na ba?" tanong ni Papa.

"Naisip ko kasing tataposin ko lang ang pag-aaral ko sa Madrasa. Malapit naman akong gumraduate kahit 2 years and half lang ang yon." desisyon kong sabi.

Till the endWhere stories live. Discover now