Chapter 18: Aunty Jannah's place

115 18 7
                                    

Nash's POV

Nandito ako ngayon sa magiging kwarto ko, maliit lang pero di naman masikip. Dahil di naman ako pagod inayos ko ang mga gamit ko. Habang nag-aayos ako ng mga gamit may tumawag.

*Emi calling*

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, ano 'to? Kinakabahan ba ako? Sinagot ko ang tawag niya.

Ako: H-hello?

Emi: Nash, nakauwi ka na ba?

Ako: Oo.

Emi: Buti naman.

Ako: Napatawag ka? Mabuti na ba ang pakiramdam mo?

Emi: oo, salamat ulit.

Ako: You're welcome.

Di ko alam ang nangyayari sakin, ang lakas talaga ng tibok ng puso ko tas yong boses ni Emi... gandang pakinggan. Nag-uusap kami ng kung ano-ano natapos lang nang tawagin ako ni Mamang na inutosan niya akong bumili ng pang meryenda kaya bumili ako.

"Antawaa oto? (Sino yun?)" Tanong niya sakin.

"Huh? Sinong tinutokoy mo?"

"So kausap ka sa cellphone (Yong kausap mo sa cellphone)"

"Ah ginawae akn (Kaibigan ko)"

"Christian?"

Di ako makasagot, iwan.

"Wag ka nang makipagkaibigan doon. Di ka pweding makipagkaibigan sa mga Christian"

Pagkasabi niya ay umalis din sa aking harapan si Mamang. When she say it, she mean it. And I can't disobey her but... sigh.

Parang ayaw kong layuan si Emi, wala namang sigurong masama diba? Magkaibigan lang kami. At saka bakit niya ako pagbabawalang makipagkaibigan eh siya din naman may naging kaibigan din siyang Christian. Minsan talaga di ko naiitindihan si Mamang.

Nagtext si Emi sakin..

From Emi:
Ingat :) Pwedi ka pala dumaan samin jaja joke ^_^V

Magrereply ba ako o wag na? Alam kung pasulyap sulyap sakin si Mamang kaya di muna ako nagreply. Kilala ko si Mamang, pwedi kang magcellphone pero wala ka dapat katextmate. Isa yon sa rules niya.

"Tumulong ka sa shop para di ka mainip at saka experience din. Kelangan din namin ang isa pang tindero" alok sakin ni Ate Jannah. May shop sila di kalakihan dito sa Manila. Accessories ang mga paninda niya kadamihan para sa cellphone o kahit anong gadgets. Tinanggap ko yon, kaya ito andito ako sa Heaven's accessories shop.

Maraming customer, di nalulugi si Ate Jannah dito. Sinilip ko ng saglit yong cellphone ko. Nagtext ulit si Emi kaya nagreply ako na busy ako.

"Dito ka lagi, Nash. Marami ang bumibili samin at mas dumami nang tumambay este tumulong ka."

"Naku ate wala yon. Wala din naman akong ginagawa kaya ok lang"

"Pwedi kang pumili sa mga paninda't kunin mo. Libre lang he he at susuweldohan kita everyday ng 1 thousand"

Sumingit si Kuya Najib ang asawa ni Ate Jannah.

" Pakala anga 2,500 everyday (Palakhin mo, 2,500 everyday)"

"Na sige"

Ngumiti na lang ako sa kanila, di na ako nagsuggest kahit di nila ako sweldohan ok lang. Nagpasalamat ako sa kanila, marami din akong nakitang nagustuhan ko pero ayaw ko kunin baka sabihin pa nilang tinetake advantage ko sila.

Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko, minsan nagtetext din. Iwan ang kulit din ang kamay ko o sadyang gusto ko na makausap si Emi.

Ang bilis ng oras ay hapon na. Naglunch kami, mukhang napansin ni Ate na kanina pa akong nagtetext kaya tinanong niya ako kung sino ang katext ko. Sinabi kong kaibigan ko, ngumiti lang siya.

Yan ang gusto ko kay Ate, hindi tsismosa at hindi pakealamera. Pero kapag may mali kang ginagawa sesermohan ka.

From Emi:
Totoo bang masasama ang mga Muslim? Kakaiba ka kasi, ang bait mo.

To Emi:
Di naman, tao din kami. May mabait at may masama.

Pinag-uusapan namin kasi yong mga tungkol sa Muslim, di ko akalain may mga christian na masama ang tingin sa mga Muslim. Na rebelde daw kami, nagbebenta ng droga at kahit anong kasamaan. Tinanong lang sakin yon ni Emi kasi yon daw ang mga sinasabi ng kaboardmate niya't kaworkmate.

Samantala kami din mga Muslim ay kung ano-ano din minsan na masama sa Christian. Na karamihan ay liberated manamit, may ngddruga din at kahit anong makasalanan gawain.

Kahit ako ganon din ang iniisip tungkol sa mga Christian pero naisip ko ngayon na kakaiba din si Emi dahil di siya ganon. That's why I want be her friend.

*2 message receive*

From Emi: Kakain din ako. Eat well :)

I replied, eat well too.

From Yash : Mapita na zong ako san. :)

Napangiti ako. Masaya ako yon ang alam ko.

§§§§§§§§§§§§

Finally its updated :) Mejo nahihirapan akong mag-isip ng scenes.

♣PrinceJalil

Till the endWhere stories live. Discover now