Emily POV
Habang naglalakad ako papuntang work, hindi mawala sa isip ko ang napanaginipan ako. Bakit kaya ganon ang napanaginipan ko?
"Ang layo ng isip natin ah. Mari, share mo naman yan"
"Wala to. Wag mo na alamin"
"Tsss.. ang boyfriend mo noh? Hiwalayan mo na, umaasa ka lang sa wala. Di kana mahal yon"
"Alam ko.. hindi na niya ako mahal."
"Alam mo pala eh" sandali siyang natigilan "Hoowhaat! Di kana mahal! Sabi ko na nga ba hindi ka niya mahal kaya kung ako sayo-"
Di ko siya pinatapos...
"Hiwalay na kami, matagal na"
"Malamang,wala siya dito noh. At bakit kambaltuko ba kayo?"
Tingnan mo tong babaeng to, sinagot ng matino. Sarcastic pang magsalita.
"Hay"
"Naku Mari, ibreak up mo na kasi. Kawawa ka naman"
"Kaw ang kawawa, eh . Pumatol kapa sa Cassanova pa. Kaya ibreak up mo yang magaling mong jowa"
"Hoy, Maria. Mahal ko yon at Mahal niya ako, kaya wag mo nga ako idamay ang lovelife ko. Kaw nga tong dapat ibreak up ang jowa dahil ni aninoy wala"
Kung nagtataka kayo kung bakit di alam ng kasama kong ito tungkol sa break up namin ng ex ko. Hindi ko kasi sinabi sa kahit sino man. Si Nash lang ang nakakaalam, speaking of Nash.
Bakit ganon ang panaginip ko. Bakit niya akong hinaranahan? Bakit sa panaginip ko nililigawan niya ako? Tuwing naiisip ko yon... feeling ko namumula ako.
"Hey, Mari, Maria. MARIIA EMILY!"
"Huh, bakit?"
"Wala, baliw kana talaga sa boyfriend mo"
Hay, sabihin ko na sa kanya. Since best friend ko yan dito sa manila.
"Carol.. break na kami ni Jerry"
"Huh?"
"Break na kami. Means di ko na siya boyfriend"
"OMG! May lagnat ka ba?"
"Wala, at di ako nagbibiro."
"Kyaaa! *hampas* sa wakas at natauhan kana. Pero kelan kayo nag break?"
"Last last day ata o last week? Iwan , di naman important"
"Kaw ha, dami ko pala namiss. Ano pa? Bakit parang hindi ka ata nagluksa?"
"Umiyak kaya ako. Di mo lang nakita. "
"Pero.. di ba broken ka dapat? Dapat ngayon, nasa kwarto ka? Di kumakain sa ilang araw? Bakit ang strong mo ata. At pwedi ba ikweto mo naman sakin kung bakit nagbreak na kayo?"
Daming tanong, kaya nagkwento na lang ako. Kaysa , kulitin niya ako. Makulit kasi yun, tulad ko. Hahaha Kaya nga naging best friend ko yan . At saka bakit hindi ako nagluksa? Hmm, di ko din alam at saka ano mapapala ko? At siguro dahil anjan si Nash, kahit minsan lang kami magkita.
"Kyaaaaa! I need oxygen! Kakilig"
"Huh? Anong anong nakakakilig don?"
"Naku, Maria. Ang haba ng hairlalu mo. Kaya pala, di ka affected."
Tiningnan niya ako ng nakakalukong tingin with ngiti pa.
"Hay, alam ko yan. Magkaibigan lang kami ni Nash"
"Baka kaIBIGAN. kaw ha, manliligaw na sayo yon noh? At isa pa ah gusto mo siya noh?"
"Di ah. Friend lang kami. At saka, masama ba kung kung... c-crush ko lang siya"
"Ayeeee! Kaya pala last night. Nakayakap ka sa kanya. Siya yon diba? "
"Oo, siya yon. Hinatid niya lang ako"
Hinampas niya ako ng hinampas, grabe talaga tong kiligin.
Niyakap ko si Nash, kagabi.
.
.
.
Pakiramdam ko mas lalu akong namula. Hala, bakit ako kinikilig? Don't tell me...
Kyaaa! Iwan ko kung mahaharap ko pa siya, bakit ko ba kasi siya niyakap? At Crush ko lang at kaibigan ko siya.
"Uyy! Kinikilig. Kakolog kasi diba?"
"Ahm, humahanga lang ako sa kanya. Diba ang crush paghanga?"
"Kahit na, ayeee!"
Nagtrabaho na lang kami este ako. Si Carol, sinisiko pa ako't kinikindatan. Yuck. Hahahaha
"Hi, maria. Flower for you" sabi ni Bryan
"Hoy Bryan! May jowa ang tao. Mahiya ka naman" pambara ni Lisa
"Eh, nasaan ang boyfriend niya? Wala akong nakikitang nagsundo sa kanya"
"Nasa malayong lugar nga diba? Naku, Bryan. Isip-isip naman pag may time"
Di ako makapagsalita, tong si Lisa eh. Kaya pinagpatuloy ko na lang ang aking tasks. But I smell something fishy... si Lisa may gusto ata kay Bryan. Tsk tsk. Playboy si Bryan, kawawa ang papatol jan.
"Maria, kahit tanggapin mo lang tong bulaklak. Maghihintay ako. Malakas ang kutob kong, maghihiwalay din kayo ng boyfriend mo"
"Bryan.. sinasayang mo lang ang oras mo"
"Bakit ba? Hayaan mo kasi akong manligaw. Kaw ang gusto ko"
"Just work ok? Wag mo akong istorbohin"
Umalis siya sa harapan ko. Hay... mula kasi ngayon wala akong balak magkaboyfriend agad. Eenjoy ko muna ang aking back to single life. Nang lunch time, umaambon, pero ok lang ambon lang yan.
Nagbusyhan ako sa work, at minsan texting with Nash. Grabe naging textmate friend ko pa si Nash. Pero ok lang. Masarap siyang kausap, you never bored.
"Ayeeee! Text textpag may time. Haba talaga ng hairlalu mo"
Hay, hindi ko na lang pinansin si Carol. Kasalukuyang nililinis ko yong paninda, may alikabok. Kaya nililinis ko.
.
.
.
Time past , umuwi na kami. Pagod na ako, at parang hindi maganda ang pakiramdam ko.
"Hatchu~!"
Kanina pa ako 'to. Hay, magkakasakit ata ako. Hinawakan ko ang noo ko't may sinat pala ako. Kinabukasan, walang pasok ngayon dahil Sunday. Kaya ito nakahiga pa rin ako, wala akong ganang kumain.
"Mari, bangon na. 10 am na't may bisita ka oh"
Huh? Bwesita este bisita.
Sino naman?
==============
Hangang dito muna. Sensya kung lame update, masabaw ngayon ang utak ni author. Walang inspiration.
Kaya if you want an enjoyable, not so boring update. COMMENT and VOTE.
I need at least 2-3 comment and 5+ vote .
No comment no vote no update. Alam kong demanding pero wala talaga akong inspiration.
Sino kaya ang visitor ni Emily?
a. Bryan b. Her sister c. Lisa d. None of the above
YOU ARE READING
Till the end
RomanceGENRE: Romance, humor, non-teen fiction. Isang muslim boy at isang Christian girl na na in love sa isa't isa. Malampasan kaya nila ang mga pagsubok? Magiging sila ba sa huli? Paano, yon ang alamin niyo sa kwentong ito. ------- Sana magustoha...
