Pasensya kung natagalan ang update, hindi ko kasi kung saan magsisimula. Magkomento naman kayo baka sakaling makatulong sa akin.
Nash's POV
Nandito ako ngayon sa Laguindingan Airport, pupuntahan ko si Emi para maligawan ko siya't makilala ang pamilya niya. Hinatid nila ako rito sa airport, si Nisah ay umiiyak parang mag-aabroad ako at matagal pa kaming magkita ulit.
"Sigurado ka bang ikaw lang mag-isang pupunta doon?" tanong ni Mamang.
"Oo, wala naman pweding sumama sa akin" sabi ko na lang.
"Paano kung may masamang mangyari sa'yo?" nag-alala niyang tanong.
"Ma, I'll be fine. Marami naman tayong relative sa Manila, pwedi akong magpasama kung yon ang paraan para mapanatag ang loob mo"
"Sige" sabi niya't niyakap ako.
"Kuya, mag-iingat ka. Mamimiss kita, bumalik ka agad ha at wag mong kalimutan ang pasalubong ko" sabi naman ni Nisah.
"Mukhang okay ka naman na umalis ako" kunwari ay nagtatampo ako.
"Syempre hindi eh kung pwedi lang sumama ako pero walang kasama si Mamang" sabi niya.
Nagpaalam kami sa isa't isa bago ako sumakay ng eroplano. Mamimiss ko sila't ito ata ang unang beses na maglalakbay ako na mag-isa. Nakakapanibago pero kapag iniisip kong magkikita kami ni Emi ay nananabik ako.
Bumyahe na kami at tanaw ko rito sa taas ang building ng airport. Umidlip ako ng saglit at pagkalipas ng dalawang oras ay dumating na kami sa NAIA. Bumaba ako at lumabas ako, sinalubong ako nina Aunty Jannah at ang kanyang asawa. Sa kanila muna ako makikitulog bago bumyahe naman papuntang Pampanga.
Habang nagpapahinga ako ay lumapit sa akin si Aunty.
"Masaya akong bumisita ka sa amin, but I'm very disappointed to you. Ewan ko kung anong nakita mo sa Christian na yon at patay na patay ka sa kanya" kita sa mukha ni Aunty Jannah ang hindi pagkagusto sa desisyon ko. "Hindi ba magbabago ang desisyon mo? Alam mong mas madami jan na mas maganda't mas bagay sa'yo" tanong niya.
"Alam ko pero siya ang mahal ko" sabi ko.
"Ginayuma ka ba niya?" tanong niya, hindi ko akalain na yon ang iniisip niya. Pero alam ko kung ano ang pinagkaiba ng ginayuma sa umiibig. Umiling ako bilang sagot "Kung ginayuma niya ako, baka nagpaiwan ako rito noong uuwi kami" sabi ko.
"Then bakit sa isang Christiyano ka pa umibig?" tanong niya ulit.
"Hindi ko alam kung bakit pero gusto kong sumugal. Kung hindi siya magconvert ng relihiyon wala akong magagawa kundi tanggapin na hindi kami para sa isa't isa" paliwanag ko.
"Okay kung yan ang desisyon mo, magpahinga ka na" sabi niya saka umalis.
Kinabukasan ay nagpaalam ako kina Aunty para bumyahe pamuntang Pampanga kung saan nagbabakasyon ngayon si Emi. Malapit na kasi ang Christmas kaya binigyan sila ng vacation.
"Sigurado ka bang ayaw mong magpasama?" tanong ni Aunty.
"Oway, marami kayong costumer ngayon kaya dapat ay hindi ito palampasin" sabi ko. Sa kanila kasi bumibili ng pangregalo ang ilan tao rito dahil sa magaganda ang binibenta nila. Bumili nga ako sa kanila, isang 2 in 1 na relo na't bracelet, ireregalo ko kay Emi.
"Eh kahit kanino sa mga pinsan mo, ayaw mong bang magpasama sa kanila?" muli niyang tanong, bilin siguro sa kanila ni Mamang na samahan ako doon kung hindi ay kahit ang isa sa mga pinsan ko. Lalake ako pero kung tratuhin ay parang isang babae na mahina't baka magahasa sa daan tapos patayin.

YOU ARE READING
Till the end
RomanceGENRE: Romance, humor, non-teen fiction. Isang muslim boy at isang Christian girl na na in love sa isa't isa. Malampasan kaya nila ang mga pagsubok? Magiging sila ba sa huli? Paano, yon ang alamin niyo sa kwentong ito. ------- Sana magustoha...