Chapter 44: Father and son

36 4 0
                                        

Nash's POV

"Gusto kang makausap ng Papang mo, pinasabi ng aunty mo" ang tinutukoy niya ay ang best friend niyang kapatid ni Papang.

"Bakit?" takang tanong ko. Bakit niya kelangan niya akong makausap?

"Gyoto eh pitharo iyan (mean: Yon ang sinabi niya)" sabi ni Mamang " Ano, kakausapin mo ba siya?" tanong niya

"Ayaw ko siyang makausap" malamig kong sabi.

"Okay, sasabihin ko sa aunty mo" sabi niya "Pero sigurado ka? Alam kong ayaw mo sa Papang mo pero siya pa rin ang ama mo" dagdag niya

Tumango ang bilang sagot.

"Okay then" sabi niya't lumabas na sa kwarto ko.

Ayaw ko siyang makausap pang muli, baka mabastos ko na lang siya kapag magkita pa kaming muli. Kung noon highschool pa lang ako at nagpatuloy makipagkita sa akin hanggang ngayon siguro close pa rin kami at spoiled pa rin ako sa kanya pero hindi yon nangyare. Bigla na lang siya umiwas at nalaman ko lang na mas importante ang mga kaibigan at trabaho niya kesa sa amin.

Ano ba yan? Masyado na atang madrama ang buhay ko. Sumunod na araw ay si aunty na ang nagtext sa akin na gusto akong makausap ni Papang.

"Gusto ka talagang makausap ng Papa mo" yon ang laman ng text.

Nagdadalawang isip ako kung rereplyan ko siya o hindi. Baka kase may masabi akong hindi maganda.

"Then, bakit hindi niya ako itext o tawagan?" yon ang gusto kong ireply pero hindi ko ginawa. "Aunty, masama ho ang pakiramdam ko. Next time na lang" yon ang nireply ko. Ayaw kong maging rude.

"Okay, itext mo lang ako kapag magaling ka na" yon ang reply ni Aunty.

Isang linggo ay hindi nila ako kinausap tungkol doon. Nasa madrasa kami ngayon ni Yash, nagbayad dahil malapit na naman ang exam, hindi ko talaga namalayan. Habang nasa treasurer office kami ay may nagtext sa akin. Unknown number, kaya binasa ko na lang ang laman ng text.

"Nabalitaan kong okay ka na, khapakay ah magilaya ta? Sakn aya, si Papang mo" sabi niya. Hindi naman siya makulit noh, dahil ayaw kong patagalin pa ito.

"Ok, saan?" tanong ko.

"Ikaw, saan mo gusto?" tanong niya.

"Sa Ranao Function hall na lang" sabi ko. "Malapit lang yon dito kaya doon na lang tayo magkita.. ngayon." reply ko.

Napansin ni Yash na may katext ako kaya tinanong niya ako.

"Sino yan? Si Emi ba" tanong niya

"Knaba ( mean: Hindi), may nag-ayaya lang sa akin na makipag-date. Makulit eh, kaya pagbibigyan ko" gusto kong masuka sa sinabi ko.

"Antawaa? (Mean: sino?)" takang tanong niya

Pinabasa ko nalang sa kanya ang text ni Papang, napa-ahh lang siya. Simula nong nagkausap kami ay tela hindi na kami ganon kaclose sa isa't isa.

"Ikopya mo na lang ako dahil alam mo na" sabi ko, alam niya ang ibig kong sabihin.

"Sigurado ka? Pwedi kitang samahan" concern niyang tanong, alam niya kasi ang pinagdaanan ko. Wala na ata akong sekreto sa kanya, except our relationship ni Emi pero mukhang alam din niya yon. Siya pa, kilala na niya ako simula pang bata pa kami.

Sumakay na ako sa akin motorsiklo at pumunta sa Ranao Function hall. Nang nakarating ako ay pinark ko muna ang akin motor at bumaba. Kaya ko ba siyang harapin? Harapin na hindi ko man siya mababastos? Pinalaki kase akong hindi bastos sa magulang, magalang at mabuting tao.

Till the endStories to obsess over. Discover now