Nash's POV
Maaga akong gumising at nagpray ng suboh (morning prayer). Alam kong itong nakaraan araw ay napapansin nila na nagbago ako, alam ko kung bakit. Kelangan ko talaga pigilan tong nararamdaman ko dahil mali ito. Christiyano pa naman si Emi, buti kong isa siyang Muslim pero hindi.
"Ya Allah, patawarin mo ako pati ang pamilya ko. Salamat sa mga blessing mo, wag mo hayaan mapunta ako sa maling direksyon. Ya Allah, ikaw na po ang bahala sa nararamdaman ko. Kung ikakabuti ko ito sa akin ay sabihin mo sa akin kung ano ang gagawin ko at kung ikakasama ito sa akin ay hinihingi ko sa yong matigil na ito. IKAW ang nagbibigay ng kasiyahan at kalungkutan kaya sana dingin mo ang dasal ko. Amen"
Nagdhikr ako pagkatapos at nagbasa ng Qur'an. Saktong naluto ang sinaing ni Babo (tawag sa matatandang babae) at yong tuyong ulam. Kumain na kami pagkatapos ay nagsipasok sila sa school. Kaya ako, si Babo at si Ate Jamilah o Ate Jam for short ang naiwan sa bahay. Binati ko si Emi ng Good morning ganon din siya, nagtanong kung nagbreakfast na ba siya. Nasanay na akong batiin siya't itanong kung kumain na siya pero pagdating sa iba ay dinideadma ko lang dahil para sa akin ay hindi yon importante.
"Good morning" bati sa akin ni Ate Jam, nakangiti siya. Kaya ngumiti ako pabalik at itinuon ang pansin sa cellphone. Bakit pagdating kay Emi ay nagiiba ako? Dahil bang in love ako sa kanya, ito ba ang epekto ng love? Minsan naiisip ko paano kung sinapian ako ng kung sino kaya nagiiba ako bigla kapag si Emi ang involve.
"Napakinis talaga ng kutis mo at napakaputi. Napansin ko din na naglow ang kutis mo" papuri naman ni Ate Jam sa akin. "Nga pala kumain ka na ba?" tanong niya. Tumango naman ako "Aw mapiya. May hilaw na manga ako don. Sabihin mo lang kung gusto mong kumain non" sabi niya.
"Oway Ate" sabi ko. Nagtataka talaga ako kay Ate Jam, hindi kasi siya ganyan sa akin. Sinapian din siya? Kaya nang gumabi ay kinausap ko si Yash tungkol doon.
"Bakit kakaiba ang kilos ngayon ni Ate Jam, at napansin ko din ah may supply ata tayo ng hilaw na manga" pakwento ko kay Yash
"Huli ka sa balita, di mo ba alam na naglilihi siya ngayon?" tanong niya na ikinagulat ko.
"You mean.. buntis si Ate?!" tanong ko
"Yep, 1 month na" sabi niya.
Ganon ba ako nitong nakaraan araw? Halos si Emi lang ang napagtuonan ko ng pansin. Hindi ko namalayan ang mga nasa paligid ko, masama to paano ko mapipigilan itong nadarama ko? Mula nong gabing yon ay minsan lang ako magload at kung makipag-usap kay Emi ay katulad ng pakikipag-usap ko sa mga kaibigan ko.
"Nakagawa ka na ba ng sariling account sa Facebook" tanong ni Emi, lagi akong tinatamad gumawa ng sariling account dahil may cellphone naman na doon kami nakakapag-usap.
"Hindi pa" sabi ko
"Bakit naman?" sabi niya
" Eh wala akong load, kahit kapitbahay lang namin ang mga net cafe ay tinatamad din ako pumunta doon" sabi ko
Napakasikip sa loob ng mga net cafe at maraming tao doon kaya hindi ako doon pumupunta. Mas comfortable ako sa bahay, weird dahil karamihan sa mga lalake ay mahilig tumambay sa net cafe.
"Hmp, ayaw mo lang makapagpost ng picture. Gusto ko lang naman makita ka kahit sa picture lang" sabi niya
Sa tuwing nagtatampo siya ay hindi ko siya kayang tiisin, bago din sa akin ito dahil ako ang tipong walang pakialam sa ibang tao. Nakakabaliw isipin, may antidote kaya dito?
"Hindi sa ganon, kulang ang budget ko. Hayaan mo next time, gagawa ako" sabi ko
"Okay, sabi mo yan ah" sabi niya
YOU ARE READING
Till the end
RomanceGENRE: Romance, humor, non-teen fiction. Isang muslim boy at isang Christian girl na na in love sa isa't isa. Malampasan kaya nila ang mga pagsubok? Magiging sila ba sa huli? Paano, yon ang alamin niyo sa kwentong ito. ------- Sana magustoha...
