Nash's POV
Sumuko na siya, alam ko sa tagal ba naman siya magreply sa akin. Ngayon natupad nga ang mga dasal ko pero ito siya tinapos nang tuloyan ang relasyon namin kahit wala naman talaga. Masakit man sa akin ay tatanggapin ko na lang, kailangan niya siguro ng oras.
To Emi,
I respect your decision, take care always. Just text me if you need me. I'm happy that I meet you and be a part of my life too. Till we meet again.
Yon ang sinabi ko sa kanya, ang hirap gusto niya pa akong magmove on. Siguro akala niya nasasakal na ako sa kanya at nahihirapan pero nagreklamo ba ako? Pero sa totoo lang nasstess ako pero kung magiging kami sa huli ay wort it naman yon.
"Thanks and I'm really sorry dahil nasaktan kita, lagi naman diba?" replya niya
"Yeah" sabi ko na lang dahil ngayon palang sinaktan na niya ako. Ito siguro ang mapapala kong hindi pagtawag sa kanya't hindi pinadama na mahal ko talaga siya. "Pero mahal mo ba talaga ako?" tanong ko
"Oo, mahal kita pero lagi na lang kita nasasaktan" sabi niya
"No, ikaw ang laging nasasaktan. Alam ko yon dahil madalas kang moody, I'm not insensitive" reply ko "But if that what you really want then I'll let you go"
"Sorry talaga"
Kung magkasama kami ngayon, yayakapin ko siya. Na-miss ko siya at alam kong para akong tanga kung sasabihin ko ito, papalayain ko siya.
"Can I ask a favor?" tanong ko "Simple lang naman, kung may kanta kang idedecate sa akin ano yon?" hindi ko alam kung saan ko yon napulot siguro dahil baka sa isang kantang yon ay mas lalo kung maitindihan kung bakit sumuko na siya.
"Kelangan ba talaga yon?" tanong niya, nagtataka siguro kung bakit ko pa sinabi yon.
"Ye, para malaman ko kung anong saluobin mo pero nasa kanta yon, alam kong mahirap sabihin ang mga paliwag mo kaya yon" sabi ko
"I love you, goodbye by Juris" sabi niya
Sa daming kanta ay yon pa, sa pagkakatanda ko may pelikula yon. Kapag nababasa ko yon o naririnig ang title ng kanta ay naiisip kong ano yon? Mahal mo pero mamaalam ka o nagtapat ka pero iiwan mo naman ang taong yon. Hindi ko talaga alam kong anong meron sa kantang yon, hindi ko pa narinig.
"Isesearch ko na lang, hindi ko alam yon" sabi ko
"Okay, eh ikaw? Anong kantang para sa akin?" tanong niya
Marami na akong naisend na lyrics para sa kanya, pero hindi ko alam kung alin doon.
"Pag-iisipan ko pa, isesend ko na lang sa'yo sa text at facebook"
"Ang daya, yan ka eh hmp! Sige, may trabaho pa ako" inis niyang reply.
Hindi ko talaga siya naiitindihan, ayaw na niyang maging parte ng buhay niya't magmove on pero parang napahaba ata ang usapan namin at totally opposite ang text niya o sinabi sa kinikilos niya. Agad naman kong niloadhan ang smart bro namin at nag-internet.
Naghanap ako ng kanta na babagay o sabihin natin nasa kantag yon ang lahat ng gusto kong sabihin sa kanya. Nisearch ko din ang kantang I love you, goodbye. Nahanap ko naman yon pero parang hindi ako handang marinig. Nakakabakla lang kasi baka maiyak ako.
Pero huli na dahil naclick ko ang youtube video with lyrics nito. Kaya pinakinggan ko ito.
"Gari, niloadhan mo pala ang smart bro, pahiram mamaya" sabi sa akin ni Yash na kararating niya lang sa bahay, tumango naman ako. Nakita niya ang pinapakinggan ko.
YOU ARE READING
Till the end
RomansaGENRE: Romance, humor, non-teen fiction. Isang muslim boy at isang Christian girl na na in love sa isa't isa. Malampasan kaya nila ang mga pagsubok? Magiging sila ba sa huli? Paano, yon ang alamin niyo sa kwentong ito. ------- Sana magustoha...