Chapter 51: Meet the family

33 4 0
                                        

Emily's POV

Nananiginip ba ako? Nakatulog ako siguro kanina, imposible kasing si Nash ang nasa harap ko dahil nasa Marawi siya.

"Natulala ka ata anak sa kagwapohan ng manliligaw mo" agaw ng pansin sa akin ni Mama, doon ko mapagtantong totoo ang nasa harap ko. Nakakulay blue na polo siya tapos ay nakajean pa siya, mas lalo siyang naging guwapo.

"Oh siya, maiwan ko muna kayo't ipagtitimpla ko sila ng juice" paalam ni Mama, nang nakaalis siya ay saka ako nakapagsalita. "N-Nash? Ikaw ba yan?" hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya.

" One and only" ngumiti siya kaya agad ko siyang nayakap sa kadahilanang sobra ko siyang namiss. Yumakap siya sa akin pabalik at bumulong "Namiss kita, aein"

"Namiss din kita" sabi ko sa kanya, nakadalawang minuto siguro kaming ganon. Naputol lang nang may tumikhim.

"Ehem Ehem, Gari nakalimutan mo siguro na bawal ang PDA" doon ko napansin na may kasama pala kami. Agad kumalas sa yakap si Nash at bumaling sa lalaking tumikhim.

"Sorry, nadala lang ako. Nga pala siya si Emily" pakilala niya sa akin. "Emi, siya si Basher. Matalik kong kaibigan, nagkakilala naman siguro kayo noon dahil naging costumer mo siya noon"

"Kinagagalak kong makilala ka" sabi ni Basher

"Ako rin" sabi ko "Maupo kayo"

"Nga pala b-bakit ka nandito?" tanong ko

"Ayaw mo?" tela nagtatampong sabi ni Nash.

"Hindi sa ganon, hindi lang ako makapaniwala"

"Gusto kitang suprisahan at saka paano kita liligawan kung nasa malayong lugar ako?" sabi niya na siyang nagpakilig sa akin. "Ikaw talaga pero masaya akong makita kang muli"

"Ako rin"

"Ge, ganyan ka na pinagpalit mo na ako" pag-agaw ng atensyon sa amin ng kasama niyang si Basher. Umakto pang nagpupunas ng luha "Ganyan ka naman eh pinapansin mo lang ako kapag wala kang makusap, hindi pala ako kelangan dito"

"Anong nakain mo't nagdrama ka jan?" takang tanong ni Nash.

"Kasi naman hindi ako sanay, phamaninug so baraibon akn sa pkhailay akn. Imanto akn pn ska mailay ah giyanan" hindi ko naitindihan ang iba pa niyang sinabi. "Masanay ka na haha" sabi sa kanya ni Nash.

[AN:/ mean: Tumatayo ang mga balahibo ko sa nakikita ko. Ngayon ko lang makitang ganyan]

Nag-usap pa kami at sumabay pa sila sa amin maghapunan. Napag-alaman kong umaakyat ng ligaw pala sa akin si Nash kaya siya nandito, sinabi naman ni Mama na kelangan niyang malampasan ang mga pagsubok nito kay Nash. Pumayag naman si Nash, sandakmak na tanong ang itinanong nila sa kanya.

Pinatulog namin sila sa bakanting kwarto, mabuti na lang at may extra kaming kwarto. Nasa labas ako ngayon at nakatingin sa mga bituin sa langit, tumabi sa akin si Nash pero may pagitan kami.

"Matagal na akong hindi nakakita ng mga bituin" pagsimula niya.

"Bakit naman?" tanong ko.

"Laging maulap sa amin"

"Mabuti naman at pinayagan kang pumunta rito, akala ko ba'y ipapakasal ka kay Akisa?" tanong ko.

"Hindi ako pumayag, mabuti na lang at pumayag si Mamang." sabi niya. "Sinabi ko sa kanya ang kondisyon natin"

"Hindi ba pweding walang isa sa atin na magconvert?" tanong ko. Napakahirap ang sitwasyon namin at saka hindi ko alam kung magagawa ko ang gusto niya.

Till the endStories to obsess over. Discover now