Emily's POV
Pangalawang araw ngayon na nakabalik kami sa manila ay bumisita si Gerald, binibigyan niya din ako ng bulaklak. Alam kong nanliligaw na siya sa akin minsan nahuhuli ko siyang pinipicturan ako. Ang mga katrabaho ko naman ay kung ano-anong sinasabi may nagtanong din kung anong ginamit kong gayuma't marami daw akong manliligaw.
"Maria, doon ka sa bahay mag-lunch." sabi ni Ma'am, gustong-gusto niya ako para sa anak niya dahil mabait daw ako't bagay kami ng anak niya. Pero kung ibang babae ay matutuwa dahil mabait, gwapo at mayaman si Gerald at buto pa sa akin ang mama niya, iba ako hindi ako natutuwa hindi ko kasi gustong maging kami ni Gerald hindi ko alam kong bakit siguro hindi ko siya mahal.
"Ah eh ma'am, nakakahiya ho at saka sasabay ako kina Lisa" sabi ko
"Wag kang mahiya, soon to girlfriend ka naman ng anak ko" sabi niya
"Ma'am bakit ho ba gusto niyo akong maging jowa ng anak mo?" sabi ko
"Wala kasi siyang nililigawan noon puro flings pero nang nakita ka. Sumeryuso na siya sa negosyo at nakikita kong gusto ka niya." sabi niya "Hindi naman ako magtataka kasi mabait kang bata, ikaw nga diba ang pinagkakatiwalaan ko dito."
Gusto ko sanang sabihin ang nasa isipan ko pero tuwing nakikita ko ang ngiti ni Ma'am parang hindi ako makaangal. Kaya wala akong magawa kundi sumabay sa kanila.
"Maria look" sabi ni Gerald sabay pakita sa akin ng kanyang wallet. May wallet size picture ako doon "It's my lucky charms"
"Put that away, give me that" sabi ko
"I won't, its my lucky charm" sabi niya
Minsan nakakainis siya, gawin naman daw lucky charm ang picture ko? Lahat ng nangyayari sa akin ay kinukwento ko kay Nash lalo na kapag naiinis ako. Nawawala kasi ang pagkainis ko kapag kausap ko si Nash. Yon nga lang hindi ko siya matawagan ang dahilan niya maririnig daw kami ng mamang niya, kahit naiinis ako kapag ganon iniitindi ko na lang siya, baka may rason siya.
Isang lingo ang nakalipas, ganon pa rin bumubisita si Gerald. Lagi din akong nakakasabay sa kanila tuwing lunch, puro karni like beef steak o di kaya'y mamahaling pagkain. Ok lang sa akin dahil hindi naman ako choosy pagdating sa pagkain o bagay.
"Hope you'll like the food, I heard from mom that manang cook stuffed crab" sabi ni Gerald "Anyway Maria, what's your favorite foods?"
"Nothing, as long as its a food" sabi ko
"Know what I like you" sabi niya
Pang-ilan beses niya ba yan laging sinasabi na gusto niya ako, nasa labas kami hinihintay si Ma'am para mapunta kami sa mala-mansyon nilang bahay. Iniwas ko ang tingin kay Gerald, mula sa malayo nakita ko si Nash na papunta dito may dala siyang paper bag ng Mcdo pero mapahinto siya nang makita ako. Kinuha ang cellphone sa kanyang bulsa at tela may itetext, nagvibrate ang cellphone ko kaya tiningnan ko.
From Nash~cute: I was thinking of sabay tayo mag lunch pero parang hindi na, kina boss mo ka na lagi sumasabay.
"Who texted you?" tanong ni Gerald
Napatingin ako kay Nash, binalewala ko ang tanong ni Gerald. Ngumiti si Nash sabay talikod, yong lunch sayang naman kung hindi ko makakain. Nagtake out siya tapos pumunta dito, siguradong malungkot siya.
"Tayo na?" sabi ni Ma'am
"Sorry ho pero hindi ako sasabay sa inyo" sabi ko, hindi ko na pinakinggan ang sinabi ni Ma'am tumakbo na ako papunta kay Nash. Minsan lang siya magpakita kapag free time lang pero nang laging nakasunod sa akin si Gerald, puro text lang.
YOU ARE READING
Till the end
RomanceGENRE: Romance, humor, non-teen fiction. Isang muslim boy at isang Christian girl na na in love sa isa't isa. Malampasan kaya nila ang mga pagsubok? Magiging sila ba sa huli? Paano, yon ang alamin niyo sa kwentong ito. ------- Sana magustoha...