Nash's POV
Pagkatapos namin mag-agahan ay nagpasyahan namin na ipapasyal kami ni Emi sa kanila. Nagbihis kami, dinala ko ang pasalobong ko sa kanya. Nakuha na ng pamilya niya ang dala naming prutas at take out na pizza, sa una ay nahihirapan akong pumili hanggang sa yan ang nakaya ko na pasalobong namin sa kanila, hindi na ako bumili ng bagay dahil manliligaw pa ako sa kanya.
Nakasuot ako ngayon ng white polo shirt at jean. Si Basher naman ay white T-shirt pinatungan niya yon ng black polo at jean. Lumabas si Emi sa kanyang kwarto kaya nakita ko ang sinuot niya, naka short siya't fitted pink shirt. Hindi ko naman nagustuhan ang Outfit of the Day niya ngayon, hapit na kasi.
"Umm, Nash, tara na" sabi niya.
"Wala ka bang iba jan na damit? Yong hindi nakikita ang legs at hindi hapit sa katawan?" tanong ko.
Narinig yon ng kanyang Ate kaya sumingit siya "Maganda naman ah, ang sexy nga ng kapatid ko. Balak mo atang gawin manang"
"Oo nga hijo, sayang naman ang makinis niyang mga binti kung hindi nakikita at ayaw mo yon? Magseselos sa'yo ang iba jan" tanong ng nanay niya. "Mamasyal na kayo" sabi pa niya.
Napakamot lang ako sa batok ko, ito ang mahirap sa umibig sa Christian. Kung mas gusto niya ang mga ganyan pananamit eh paano siya magcoconvert?
"Ayaw ho lang namin siyang mabastos" sabi ko
"Kasama naman niya kayo, hindi mo naman hahayaan na mapahamak ang anak ko, diba?" sabi pa niya, "Syempre naman" agad kong sagot "Pero baka mapaaway pa kami sa daan" paliwanag ko, bumaling ako kay Emi. "Magpalit ka ng mejo maluwag at magpantalon ka ng mahaba" sabi ko sa kanya.
Nasabi ko na sa kanya ang dahilan noon kung bakit conservative manamit ang isang Muslim, kaya alam niya kung bakit ganito ang pag-aasal ko. Ang hindi ko pa nasasabi sa kanya ay yong mga parusa kapag ginawa ang ipinagbawal sa atin ni Allah. Sinunod niya ako, nagpalit siya at pagkatapos ay namasyal na kami.
Habang sa daan kami at naglalakad ay huminto muna kami sa isang tindahan. Bumili kami ng softdrink at umupo sa may upuan doon.
"Maria, ang laki naman ng damit mo sa'yo" komento ng tindera sa suot ni Emi. "Dapat nagfitted shirt o nagsando ka" sabi pa niya. Ningitian na lang siya ni Emi, may dumating na bibili at nang nakita si Emi ay mukhang nagulat. "Ikaw pala yan! Hindi kita namukhaan, bakit ganyan ang suot mo?" tanong niya.
"Ito lang ang nakita kong pweding isuot" sabi niya.
"Ganon ba, at aba sino kayo mga pogi?" tanong niya.
"Ako si Basher, siya naman ang kaibigan kong si Nash" pagpakilala ni Basher.
"Ako naman si Nicole, nice to meet you" nilagay pa niya sa tainga ang buhok niya. "Naku, Maria kung nakapangsuot ka ngayon ng pangsexy na damit. Siguradong liligawan ka nila, nga pala balita ko ay may bisita kayo at nililigawan ka raw at nagpapagood shot sa pamilya mo" ang daldal niya " Ipakilala mo naman ako sa manliligaw mo" sabi pa niya.
"Actually, sila ang mga bisita namin. Sinamahan ko lang sila mamasyal" sabi ni Emi, nagulat naman si Nicole at napatingin sa amin. "Bakit hindi mo agad sinabi? Nakakahiya tuloy" binayaran na niya ang binili niya. "Kung mamamasyal kayo bakit ganyan ang suot mo? Mukha ka tuloy manang at katulong nila" kung wala akong respekto ay kanina ko na siyang nabara, parang iniinsulto niya si Emi.
Mukhang nahiya si Emi, niyaya ko siyang ipagpatuloy ang pamamasyal namin. "Ganon ba talaga dito? Kapag conservative namamit ay mukha nang manang?" tanong ko. "Diba dapat kapag sa probinsya lumaki ay mas conservative kesa sa lumaki sa siyudad?"
"Huwag mo nag itindihin si Nicole at saka tama naman siya nagmumukha akong katulong niyo. Ikaw kasi ito ang pinasuot mo sa akin" sabi ni Emi, hindi pa kami pero mukhang pag-aawayan namin tungkol sa panananamit niya.
YOU ARE READING
Till the end
RomanceGENRE: Romance, humor, non-teen fiction. Isang muslim boy at isang Christian girl na na in love sa isa't isa. Malampasan kaya nila ang mga pagsubok? Magiging sila ba sa huli? Paano, yon ang alamin niyo sa kwentong ito. ------- Sana magustoha...
