Emily's POV
Naalala ko yong pagdalaw ni Nash sa akin kasama si Akisa at yong pag-alaga sa akin, bakit ganon siya umakto? Lagi na akong inaasar ng mga kaibigan ko, na may gusto si Nash sa akin. Na nililigawan daw niya ako pero alam ko naman magkaibigan lang kami. Kapag tinitext naman ako ni Nash, puro "Don't forget to take your medicine", "kumain ka kahit konte", "kumusta ang pakiramdam mo" at kung ano-ano pa.
"Maria Emily! Ang layo naman ng iniisip mo. Si Nash naman noh?" sabi ni Carol.
"Back to Earth, Maria! Kaw ah dami mong di sinasabi sakin" sabi ni Lisa
"Pasensya na, di ako kasi nakaget over sa pag-aalaga niya sakin" sabi ko. Feeling ko namula ako. Kasi naman diba crush ko yon? Pero hanggang doon lang.
"Naku... In love ka noh? Kay Nash?" pang-aasar sakin ni Carol
"H-hindi ah!" sabi ko.
"Wait nga, pwedi ba kayong magkwento? OP ako sa inyo."
Kinwento ni Carol kay Lisa ang lahat.
"Y-yong tumulong sayo?"
Tumango ako.
"Sabi ko na nga ba't manliligaw mo yon! Haha in fairness, gwapo. Bet ko nga eh. Kaso sayo yon. At di ko akalain na break na kayo ng jowa mo, kapag malaman yun ni Bryan, tiyak matutuwa siya"
"Hindi nga niya ako nililigawan! Magkaibigan lang kami"
Tumango-tango naman sila. Nagtanghalian kami, nag text naman sakin si Nash, napangiti ako.
"Pansin ko lang 24hours ata kayo nagtitext, ni walang oras na di matanggal sa kamay mo ang cellphone mo." sabi ni Carol
"Iba na yan, Maria. Sabihin mo nga samin kayo na ba?"
"Hindi ah, magkaibigan lang talaga kami. Wala siyang makausap kaya ako ang tinitext" sabi ko. Totoo naman kasi, text mate friends lang kami.
"Bakit di na lang siya tumawag?" sabi ni Lisa
Hmm... oo nga noh, lagi na lang kami nagtitext. Tumawag ako sa kanya pero saglit yon. Kahit isang beses lang di niya ako tinawagan. Nakakacurious. Nagkibit balikat ako dahil di ko alam.
"Bukas, san tayo magsisimba?" pag-iiba ng topic ni Carol
"Sa Quiapo na lang" sabi ni Lisa
"Sige" sabay namin sabi ni Carol
Katahimikan, dahil busy si Nash ngayon. Di kami makakapag-usap.
"Nga pala, matanong ko lang Emily. Single ba si Nash?" tanong sakin ni Lisa
"Oo, single siya."
"OMG! May pag-asa pa ako. Di ba friends lang kayo so ibig sabihin may pag-asa ako" sabi niya.

YOU ARE READING
Till the end
Любовные романыGENRE: Romance, humor, non-teen fiction. Isang muslim boy at isang Christian girl na na in love sa isa't isa. Malampasan kaya nila ang mga pagsubok? Magiging sila ba sa huli? Paano, yon ang alamin niyo sa kwentong ito. ------- Sana magustoha...