Nash POV
Nandito ako sa NAIA, hinihintay ko si Yash. Dito din kasi magbabakasyon nahuli lang siya dahil may pasok pa. Ngayon Summer Vacation nila, nang nakita ko siya tumutingin sa paligid hinahanap ako. Agad ko naman pinuntahan, di ko siya tinawag.
Mukhang di niya ako napapansin haha nakablack shade ako tas black jacket may sumbrero din ako. Bago lahat yon kaya di niya kabisado, may mapapalingon sakin at sa kanya pero karamihan sa kanya. Mag-sout naman ba ng pang arabo hahaha Nang nakalapit ako sa kanya linagpasan ko muna siya't pumunta sa likod niya sabay tapik sa balikat ....
"Salam, looking for me?" ngumiti ako. Nagulat siya't napalingon sakin. Hahaha
"Papatayin mo ba ako sa gulat?!" oh he's mad hahaha tumawa lang ako.
"Tsk, anda so CR saya?/ asan ang CR dito?" sabi niya. hahaha di niya ko kayang batukan, hanggang salita lang haha so ayon sinamahan ko siya, nang nakapasok siya eh agad dumiretso sa isang cubicle at nagsuka. Sigh, tiyak nahihilo siya't may jetlag di lang yon ride sickness, mahina kasi madaling mahilo.Nang nakatapos siya ayon pinagpahinga ko muna baka mamaya magsuka ulit.
"Di mo ba dala ang bato?" tanong ko. Mapagtripan nga namiss ko kasi siya hahaha
"Bato?" tumango ako at naget naman niya.
"Naiwan" sagot niya ulit.
"Inoto? Mahalaga yon noh diba mahiwagang puting bato yon? Di dapat yon basta-basta iniiwan" sinabi ko sa kanya ng kami lang ang nakakarinig. Baka mapagkamalang kaming magnanakaw hahaha Baka maisip din ng batang di kalayuan samin na kaya pala walang Darna na lumilipad dahil nasa amin ang mahiwagang puting bato hahaha
"Anong mahiwagang puting bato ka jan. Tsk. At saka baka may makarinig at isipin baliw tayo" sabi nito.
Badtrip na siya, siguro nagtataka kayo kung bakit nasali ang Mahiwagang puting bato ni Darna sa usapan? Dahil... sekreto natin 'to ha? Si Yash kasi.... siya si Darna. Pinasa sa kanya ng dating Darna ang bato.
[AN: Minsan may mga kalokohan yan nasasabi o biro lang]
"Dala mo ba ang break fast ko? Masyadong mahal dito ang pagkain" sabi niya
"Oo, ito." binigay ko sa kanya. Agad naman niya itong binuksan at kinain. Yong mga nakatambay napapatingin samin ngayon lang ata nakakita ng kumakain na nagkakamay. Nang nakatapos na siya agad kaming sumakay sa kotse, nerentahan ko 'to ah. Bumeyahe na kami, ako ang driver siya naman ay nasa likod at nagheadset. Ganon din ako, aba dapat may sound trip para di ako mainip.
Kinalabit niya ako kaya tinanggal ko ang headset.
"Saan mo nakuha tong kotse?" tanong niya sakin.
"Sa Carlos's Cars for rent" sabi ko.
Tumango lang siya't tumungin sa bintana.
"Buti alam mo ang daan?" tanong niya ulit.
"Oo naman, kaya lang pinilit akong magdala ng map" sabi ko. Nag-aalala kasi si mama, baka maligaw daw ako. Konti lang eh samahan pa ako ni Kuya Najib, sinabi ko na malaki na ako't kaya ko ang sarili ko. Kaya ayon, binigyan ako ng map.
Pinababa ko siya amin apartment at sinauli ko na ang kotse. Naglakad ako pauwi dahil hindi ko naman kabisado kung san ako sasakay ng jeep. Ayaw ko din magtricycle o magtaxi dahil minsan may kadayaan sila kapag napansin nila na hindi mo kabisado ang lugar, pinapalibot lang ang sasakyan para malaki ang makuha.
Habang naglalakad ako ay nakaramdam ako ng gutom. Agad akong humanap ng makakain, mahirap 'to. Mahirap talaga para sakin ang humanap ng makakain dahil nga maraming bawal na kainin tulad ng baboy at marami pang iba. Napagdisesyonan kong umuwi na lang sa apartment at doon kumain.
Habang kumakain ako...
"Nash, bukas ipasyal mo si Yash" sabi sakin ni mamang
"Kung gusto mo, magday-off kami para masamahan namin kayo" sabi ni ate Jannah
"Kuya, sasama ako ah" sabi ni Nisah
"Aba, kung ganon sama din ako" sabat naman ni Mamang
Di man lang ako pinagsalita. Pero parang 'tong nakaraan araw eh lagi puro nakagala sina Mamang at Nisah, tinatawagan lang niya kasi si Ate Jannah o di kaya'y kami na.
"Ah mamang, ba't di muna kayo magpahinga? At Ate, baka malugi kayo Sunday naman bukas. Mejo kabisado ko na ang manila at saka..."
Out of blue bigla ko na lang naalala si Emi, kabisado naman niya siguro ang manila? Magpasama na lang kami sa kanya? Hindi naman pwedi si Akisa dahil hindi sila magkasundo ni Yash.
"Magpapasama na lang kami sa kaibigan ko" sabi ko
Alam kasi ni Mamang na may kabatch ako sa school na nandito sa manila. Pero hindi niya kilala si Emi. Sumang-ayon lang sila dahil bonding na daw ng kabataan hahaha
Nag text ako kay Emi if she's free tomorrow. Sinabi niyang magsisimba muna sila ng mga kaibigan niya, kaya napagdesisyonan namin kapag tapos na sila magsimba. At saka wala naman ata mapupuntahan ng ganon kaaga dahil maraming sarado.
"Psst."
"Hmmm?"
Ninguso ni Yash yong cellphone ko.
"Ah giyaya?/ ito?"
Tumango siya. Minsan tahimik siya.
"Sinong katext mo?" patanong walang tuno. Pinakita ko lang ang screen name ni Emi na convo namin. Tela nagtatanong ang mukha niya kung sino yon at bakit ko naging text mate.
"Friend text mate ko. Kaibigan din ni Akisa, bukas makikilala mo siya"
Tumango lang siya, minsan pasimpleng sumisilip sa cellphone ko. Tsk. Textmoso hahaha ganyan siya. Buong araw kaming nag-uusap na kami lang nakakaintindi kung may kasama kami ay mabibingi sa'amin dahil nga bulongan o foreign language ang gamit o di kaya'y sa text dinadaan hahaha
Yash POV
Kapagod talaga bumyahe mahilig ako mag travel kaya lang ang hina ko, nakasakay lang ng transportation ng matagal na umaabot sa 3 hour pataas ay nahihilo na ako't nagsusuka. Samantalang si Nash, ang lakas pa rin.
Kanina ko pa siyang napapansin na nagtetext kay Emi text mate friend niya kuno na kapag tinanong ni Mama ni Nash, sasabihing "Just a friend".
Kung napansin niyong magkarhyme ang pangalan namin, sinadya yon. Nash-Yash, Yasser Pangandamun ang buo kong pangalan.
Dahil pagod talaga ako ay nakatulog ako.
So Quiet, shhh
Zzzzzzzzzz
***********
Makikilala niyo na ang best friend ng ating bida.
Yash/ Yasser >>> nasa picture. →
♣PrinceJalil
YOU ARE READING
Till the end
RomantizmGENRE: Romance, humor, non-teen fiction. Isang muslim boy at isang Christian girl na na in love sa isa't isa. Malampasan kaya nila ang mga pagsubok? Magiging sila ba sa huli? Paano, yon ang alamin niyo sa kwentong ito. ------- Sana magustoha...
