Chapter 41: Lonely days

30 4 0
                                        

Nash's POV

Paulit-ulit ko yon binabasa, kinurot ko pa ang sarili ko at naghilamos pero ganon pa rin ang laman ng text ni Emi kay Nisah.

"Itong darating na araw ay hindi ko na itetext ang kuya mo. Wala kasing patutunguhan tong relasyon namin at nakakapagod na " yon ang sinabi niya.

Hindi na niya ba ako mahal? Alam kong walang label at walang kasiguraduhan tong relasyon namin pero susuko lang siya ng ganon lang? Siguro kasalanan ko din dahil ni hindi ko siya matawagan at hindi masabi sa mga kasama ko ang tungkol sa amin.

Ayon pa sa mga sumunod na text niya ay hindi na siya magpaparamdam sa akin. Ano 'to? Novela na may nalalaman pa siyang ganito? Hahanap naman ako ng paraan, pinangungunahan lang ako ng takot na baka hindi ako mapatawad ng Mamang ko.

Ito ang mahirap sa isang tulad kong Muslim, sa totoo lang ay karamihan sa amin muslim ay puro arrange marriage. At pinagbawalan pa kaming pumasok sa ganitong relasyon, ito siguro ang napapala ko. Kainis naman oo, kung kelan na akong handang kumilos at humanap ng magandang paraan na maging kami saka na siya susuko.

Sumapit ang Ramadhan ay hindi na nga siya nagparamdam. Okay na 'to para hindi nila mahalata na wala akong ganang kumain, sa tuwing nagdadasal ko ay lagi kong hinihingi na makausap ko ulit siya. Holy month pero ito ako pinoproblema ang lovelife  kesa gawin pa ang iba pang dapat gawin.

Ito lang ang unang beses na hindi ako masaya sa buwan na ito. Noon ang saya-saya ko tuwing sumasapit ang buwan ng Ramadhan, wala itong kasiguraduhang katapat na buwan sa Gregorian Calendar dahil sa buwan as in moon namin binibilang ang araw. Hindi pa nga umabot ng 2000 ang taon namin sa Islamic Calendar, nauna kase ang Gregorian Calendar.

Minsan ay nagtetext pa rin ako sa kanya, nagbabasakaling baka magreply siya. Tulad ngayon tinext ko naman siya, wala din akong lakas at kasigla sigla, hindi ko iniisip ang pagkagutom ko.

"Magbasa ng Qur'an, malaki ang makukuha mong blessing." pangangaral sa akin ni Mamang.

Mahal na mahal niya talaga ako, dahil lahat gagawin niya para sa ikakabuti ko. Sa totoo niyan ay gusto niya akong eenroll sa torel kung saan magmememorado ka ng Surah o Ayat ng Qur'an. Yon nga lang malalayo ako sa kanya't para kang nakakulong.

Tumango lang ako, tinamaan lang ako ni Kupido ay parang nababaliw na ako. Ginawa ko naman ang sinabi niya, hindi dahil sa takot akong makarate dahil napakarelihiyoso ko. Close to saint pero alam kong tao din ako, nagkakamali.

Lumipas ang araw ay ganon pa rin, puyat din ako dahil bukod sa hindi ako makatulog ay may night prayer din kami 7 to 8:30 ata yon minsan umaabot sa 9:00 ng gabi. Pagdating naman sa bahay galing sa masjid, nanonood kami, kaya 10:00 kami makakatulog.

"Gising na, para makakain na tayo" panggigising sa amin ni Mamang.

2:50 pa lang ng madaling araw ay ito naman gigising kami para kumain. Kelangan eh, para may lakas kami bukas kahit konte. Siguro ay nagtataka kayo kung bakit pa kami magpapakagutom tuwing buwan ng Ramadhan dahil ano ba ang mapapala namin? Magugutom lang kami at mauuhaw, plus kapag lumabas ka sa bahay saan ka man tumingin ay may panindang pagkain.

Para sa amin kasi ito ay isang pagsusulit kong talagang naniniwala kami kay Allah, may reward naman kami dahil hindi lang dodoble ang blessing dahil si Allah lang ang may alam o sabihin natin malaki yon.

Bumangon na ako at pumunta sa dining table. Kumain na kami, tuwing Ramadhan din ay himalang marami kaming pagkain at araw-araw ay may ulam. May tinapay pa't palaman, hindi nga kami manunulubi. Habang kumakain kami ay nakikinig din kami sa radyo, wag kayong magulat dahil normal lang sa amin na maraming tao dito sa marawi ay gising kapag ganito ang oras. Hindi naman kasi lahat ay gising.

Till the endWhere stories live. Discover now