Nash's POV
Nasa Madrasa ako ngayon, naglelecture naman kami. At gaya ng nakasanayan ay paminsan minsan akong nagtetext kay Emi, sinusuway niya nga ako dahil naiistorbo niya lang ako't nakakasama daw sa akin.
"Ok lang, nakakasagot naman ako" sabi ko
"Yabang haha 'kaw na ang matalino" sabi niya
Napangiti ako don, gustong gusto ko talagang pinupuri niya ako. Hindi ko namalayang kusang natype ko ang salitang
"Aishiteru, Emi" sabi ko
"Huh? Ano yon?" reply niya at doon napagtanto kong Japanese Language pala ang naisend ko!
"I love you" yon ang sabi ko
Ngiting-ngiti ako sa wakas ay nasabi ko yon kahit sa text lang yon.
"I love you too" reply niya, hindi ko mapigilang mapangiti. Kinikilig na ata ako, gusto ko na siyang makita pero wala akong pambili ng ticket at saka baka hindi ako payagan ni Mamang. Naramdaman ko lang na may sumisiko sa akin, kaya napatingin ako kay Yash.
"Long quiz daw, next week ay exam na natin" paalala niya.
"Okay" kumuha ako ng dalawang pirasong Yellow pad at binigay ko kay Yash yong isa. May naghingi din sa akin at binigyan ko naman sila, ganito talaga kapag ako'y naging kaibigan ay para ka din nagkaroon ng nagsusuplies ng Yellow pad man yan o kahit anong pad paper.
Nagpaalam ako kay Emi na mag-ququiz kami, saka na akong nagsimulang magsulat at sinagot ang mga tanong. Nang natqpos yon ay break time na namin, inaya kami ni Ismael na mag meryenda kaya sumama kami at bumuli ng pagkain. Maganda dito dahil mura lang ang mga bibilhin at masustansya pa dahil root foods yon tulad ng ube, may puto pa. Dalawang piso lang kung bibili ako sa iba ay baka limang piso yon.
Daldal ng daldal si Ismael, kinukwento niya sa amin ang mga naranasan niya. Puro tango lang ako o di kaya'y 'tapos?'o Ahh habang nagtetext ako kay Emi.
"Gusto mong tikman?" alam kong para akong baliw kung itanong ko yon pero na-iimagine ko kasing magkasama kami at nagmomoment.
"Sige ba haha" pagsakay niya sa akin, nagsimula ito nong isang araw ay kumakain ako ng paborito kong chiffon cake.
"Say ahh" reply ko sa kanya.
"Ahh" reply niya
"Ayan, masarap noh?" tanong ko.
Mejo ako natatawa sa aking sarili. Nababaliw na ata ako hahaha
"Oo masarap hahaha" sabi niya.
Biglang sumingit si Ismael sa moment namin.
"Pakabatiya akong ka san (means: Pabasa naman jan)" sabi niya kaya agad kong binura ang mga sweet texts namin ni Emi, gusto ko sanang isave pero hindi kasya kusang nadedelete yon kapag sumobra na sa dami.
"Close na kayo noh? O pinagttripan mo lang?" sabi niya
"Mejo lang at saka magkaibigan lang kami" sabi ko
"Inoto? Katawan kadn ah di khapakay ka ipkhagowad siran o Allah ago katawan kapn ah noon pa ay ridoay tano so mga kafir" tanong niya't pagpapaalala sa akin.
[(Mean: Bakit? Alam mo namang hindi pwedi dahil ayaw sa kanila ni Allah. At alam mo din na noon pa man ay kalaban natin ang mga kafir "Mga taong hindi naniniwala kay Allah")]
"Katawan akn (means: Alam ko)" sabi ko
Alam ko yon dahil lagi yon sinasabi sa akin ni Mamang pero wala akong magagawa kung mahal ko na si Emi, hindi ko alam kung ano ang salitang mahal pero nang nain love ako ay tela alam ko na kung ano yon.
"A piece of Advice, Gari (means: common term in Maranaw for male friends) Wag mo sanang kalimutan kung ano ka talaga't wag kang gumaya sa iba" sabi niya, mas bata pa kesa sa akin anim na taon lang ang agwat namin, 21 ako ngayon pero mas madami siya atang alam kesa sa akin o siguro ay alam ko yon pero hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko. Tumango lang ako't nagpasalamat.
Lunch time, nagpapahinga ako at nakikipag-usap kay Emi.
"Aien, kumain ka na ba?" tanong ko sa kanya.
"Aein? Ano yon?" tanong niya
"Sweetheart" sabi ko, hindi ko alam kung bakit yon pa ang naisip kong itawag sa kanya alam ko naman hindi kailangan at hindi naman kami.
"Hindi pa eh" sagot niya "Kaw ha gumawa ka na ng endearment natin hahaha"
Walang masyadong nangyari sa buong maghapon dahil puro long quizzes lang at kahit papaano ay marami akong naisagot.
"Naks ah ang talino mo tagala kung ganon" pagpuri sa akin ni Emi, sinabi ko kasing marami akong naisagot samntalang parang puro pagtetext ang lagi kong inaatupad.
"Eh sa alam ko ang sagot" reply ko, hindi ko naman kasalanan kung mabils magrecord ang utak ko. Yon nga lang may expiration hahaha
"Nga pala talaga bang wala kang na
Nang gumabi ay hindi masyadong nagrereply si Emi dahil on duty siya ngayon at naiitindihan ko siya, namangha nga ako sa kanya noon pa dahil may desenting trabaho na siya.
Kaya napaisip na lang ako tungkol sa amin ni Emi, will this relationship work? At paano? Honestly, noon ay hindi ako interesado sa mga ganitong bagay kinamumunhian ko nga ata dahil wala akong kinakausap o nakikipagclose sa babae dahil alam kong hindi pwedi malibang na lang kay Nehara na palagi ko naman yon kagroupmate noon kaya nakakausap ko talaga siya, tungkol nga lang sa lessons or reports.
Pero minsan ay nagkkwento siya sa akin at pinapakinggan ko na lang yon lalo na kung yong bonding nila ng kanyang ama. Naging professor namin din ang kanyang ama dahil siya ang instructor sa Math subjects.
Meron din nagsasabing baka bakla daw ako dahil hindi daw ako pumapansin o pumapatol sa mga babae. Sinasabi ko na lang na hindi ko pa nakikita ang nagugustuhan ko, meron din naman nagsasabi na baka dahil daw kay Nehara kaya wala pa akong pinupormahan.
Lalo na nong nalaman nila na kabatch ko pala siya sa highschool ay mas lalo nila kaming tinukso na destiny daw kami. Pero sinasabi ko lang na magkablockmates lang kami at magkabatch.
Hindi ko namalayan na nakatulog ako sa kakaisip ng college life ko at ang huling naalala ko ay pinapanood ko si Nehara na sinusugod sa clinic dahil sa kanyang asthma pero wala akong magawa kundi manood. Masyadong madaming babae na mga kaibigan niya na umaalalay sa kanya. Mula noon ay mejo siya dumentansiya sa akin.
*************
Magkabatch nga lang ba sila o may iba pa silang ugyanan?
Pagtyiagaan niyo na 'tong update ko, full time na ako kaya maikli lang.
♣PrinceJalil

YOU ARE READING
Till the end
RomanceGENRE: Romance, humor, non-teen fiction. Isang muslim boy at isang Christian girl na na in love sa isa't isa. Malampasan kaya nila ang mga pagsubok? Magiging sila ba sa huli? Paano, yon ang alamin niyo sa kwentong ito. ------- Sana magustoha...