Chapter 16: Taking care of Emily

109 20 12
                                    

Sensya kung natagalan ang UD. Daming nangyare, at saka still block mind. Wala ako sa sarili lagi. So hope may magbabasa dito't hinintay tong UD ng till the end.

*****************

Nash's POV

Nasa kwarto ako ngayon, 3 weeks na pala kami nandito kina Akisa. Minsan nakakainip dito wala ako kasing kausap kahit andito si Akisa di kami naman super close mejo lang. Ang totoo niyan she's my enemy at the same time childhood playmate. We're so close back then... Hindi halata na kami ay enemy para nga kaming nagpplastikan pero nope we're enemy in a good way.

"Anong gagawin natin?" sabi ni Tita, mahina ito pero dahil namana ko ang 99.9% hearing ni mamang ay naririnig ko yon. Bakit may .1% pang natitira? Pag patay na ang tao yon 100% na ang pandinig.

"Sabar, makakakuha din tayo ng pera" sabi ni Tito.

Naghihirap pala sina Akisa, sabagay si Tita ay paraket raket lang. Si Tito, ganon din. Pero minsan nag-aabroad siya.

"Hays, bakit dito pa nagstay ang asawa ni kuya?"

"Pagpasensyahan mo na, yon ang favor ni Ate."

"Dapat di sila dito nagstay, dami tuloy ang gastos pagdatin sa kanin"

Oo nga noh, bakit kami nandito? Eh father side ko naman sila, si mamang talaga. Pero since bff niya yon Ate ni Papang dito kami pinagstay kesa naman sa hotel na mas magastos. Di naman kami makapagstay kina ate kase masikip doon at saka apartment lang yon. Maliit na apartment for 3 people.

"Di naman sila magtatagal dito"

"Pero at least dapat tumulong sila, di yong puro pasyal."

Yan si Tita, tita Hayma the plastic. Plastic kasi kapag nasa harap niya kami mabait sa pagtalikod kung ano-ano ang sinasabi tulad ngayon. Now alam ko na totoo pala ang sinasabi sakin ni Ate Jannah. Aunty ko yon, ate ang tawag ko don. Parang Ate ko lang siya kaya yon. Bunsong kapatid ni mamang, dapat sakanya kami nagstay.

♪Love Flute♪

May tumatawag. Sinagot ko yon.

"Yeoboseyo? Este Hello?"

Napapakorean language tuloy ako. Wag kayong magtaka, I'm the type of person na once na nagkainterest sa ibang language eh pinag-aaralan ko.

"Nash right?"

"Ye, who's this"

"Ako 'to si Carol, BFF ni Maria. Pero di yon ang importante, punta ka dito at dalhin natin siya sa hospital"

"Bakit anong nangyari?"

Natataranta na ako, sa di ko malaman lumakas ang tibok ng puso ko. As if di ko kaya na may mangyaring masama kay Emi.

"Tumaas ang lagnat niya, eh naligo kasi ayon mas lumala ang lagnat"

"Punta na ako jan"

Agad kong binaba ang cp ko at lumabas.

"Nashif! Anda kapman song? (San ka naman pupunta?)"

"Emergency lang"

Till the endWhere stories live. Discover now