Nash's POV
Dumating kami sa Laguindingan Airport pagkatapos ay pumunta kami sa sakayan papuntang Cagayan de Oro para magpalipas ng gabi. Nakakapagod talaga bumyahe lalo na kung wala naman kayong service. Hindi man ako madaling mahilo pero napapagod din ako.
"Mamang, gutom ako" sabi ni Nisah
Mabuti at may nabili kami sa airport bago kami sumakay. Ang mahal nga lang.
"Gari, adn a silopin ka san? (mean: Tol, may plastic bag ka ba?)" sabi ni Yash
Ibinigay ko sa kanya ang extra plastic bag ko. Kinuha niya agad ito at nagsuka, riding sickness. Simula pagkabata ay may riding sickness siya, madaling mahilo at magsuka. Pumikit lang ako dahil pagod ako, 2 hours pa bago pa kami makarating sa CDO.
Nang nakarating kami ay agad kami nagcheck in sa Bon Air, mas prefer ko ang malapit na hotel dito pero kailangan namin magtipid. Nagpahinga kami ng saglit bago kami pumunta sa pangcoga, isang barangay dito na maraming Muslim restaurants.Makakalimutan ko bang itext si Emi? Hindi, lagi ko sa kanya sinasabi kung asaan na kami.
"Kuya, ang lakas talaga ng resistensya mo. Ang sakit ng ulo namin pero ikaw, nagagawa mo pang magtext" bulong sa akin ni Nisah.
"Nash, wag ka munang magcellphone. Hindi ka ba napagod at nahilo sa biyahe?" tanong ni Mamang, obviously she heard Nisah.
"Mejo sumakit ang ulo ko" sabi ko
"May biogesic ako dito, inumin mo. Itext mo ang Ina ni Yash, sabihin mong dito tayo magpapalipas ng gabi" sabi niya
"Oway" sabi ko
Tinext ko sina aunty at magpatuloy kumain. Pagkatapos namin kumain ay bumalik kami sa Bon Air at nag pray. Kahit saan naman eh pwedi kaming magsimba as long as may carpet kaming dala. Hindi basta ito carpet, alam inyo siguro ang flying carpet ni Aladin, ganon ang itsura.
Pagkatapos ay nagyayang matulog na kami ni Mamang. May tatlong kama dito, dalawang pangisahan at isang pangdalawahan. Humiga kami ni Yash sa pangisahan, sina Mamang at Nisah naman sa pangdalawahan.
Bago ako matulog ay nag good night ako kay Emi. Kinabukasan ay nag-agahan muna kami at pumunta sa terminal papuntang Marawi City, sumakay kami sa isang SUV. Namiss ko ang Marawi, The fresh air kahit maraming basura hahaha pero balita ko'y malinis na ito. May nagcommunity service na mga students, may hired na din tagawalis sa kalye at bawal nang magtapon ng basura.
My phone vibrates, kaya tiningnan ko ang nagtext.
From Emi:
Ingat sa byahe, magpahinga ka. Wag mo muna akong itext baka mapa'ano ka.Honestly, dati ay hindi ko gusto ang pagtetext o may katextmate. Dahil una magastos, load ka ng load para lang makatext ang katext mo. Pangalawa its a waste of time at higit sa lahat kahit wala kang kasintahan, iisipin nilang meron ka na. Pero hindi ko akalaing masaya ako kapag katext o kausap ko si Emi, lalo na kung magkasama kami. Hindi ko iniisip kung anong iisipin ng ibang tao sa akin, wala akong pakialam. Nagreply ako sakanya.
To Emi:
Hai. Kumain ka ha, take care of yourself. Itext na lang kita kapag nakauwi na kami.4-5 hours ang byahe from CDO to Marawi, nakakapagod umupo.
From Emi:
Opo boss jajaKinalabit ako ni Nisah kaya tumungin ako sakanya, pinakita niya ang cellphone niya. May sulat doon. "Kayo na ba?" sabi niya, nag type ulit siya. "Kasi lagi kayong magkatext, kulang lang eh tumira sa isang bahay". Napangiti ako at umiling bilang sagot, nagtataka siguro kayo kung bakit hindi kami nagsasalita, takot kasi kami kay Mamang hahaha since binagbawalan ako kapag nalaman niyang katext ko si Emi, magagalit siya.
Iba naman yon kapag magalit, yong automatic na magsisitaasan ang mga balahibo mo. Kakaiba kasi siya pero mahal ko siya at para sa akin she is the best mom ever.
Nang nakarating kami sa Marawi ay nagpahatid kami sa sinakyan namin. Sinalubong kami nina aunty at ang kanyang asawa, Yash's parents."Miyamiss akn skano (mean: Namiss ko kayo)" sabi ni Aunty Hania, sabay punas ng luha. She's so emotional.
"I miss you too, ommi (mean: mother in Arabic)" sabi ni Yash, saka niyakap ang magulang niya.
Pumasok kami sa loob ng bahay at agad umupo sa upuan. Nagkwentuhan sila Mamang at Tita Hania, tinawagan din nila si Aunty Jannah. Nagrelax naman kami, ang sakit ng ulo ko. Gusto ko nang matulog pero kakain pa kami ng lunch nalipasan kami ng gutom at saka hindi namin kasi pag-aari ang sinakyan namin para sabihing dumaan sa restaurant. I text Emi saying that I'm home.
From Emi:
Mabuti kung ganon.Kumain kami ng tanghalian at after 30 minutes ay natulog kami, I miss my room. Kulay blue at sky blue ito para kang nasa langit. Nahiga ako agad sa kama ko, kasya dito ang dalawang tao minsan dito natutulog si Yash. May sariling kwarto din siya.
Pero hindi ko maipaliwanag ay kung bakit namiss ko agad si Emily. Tinawag ako ni Mamang para makapagdiner tapos ay pinamigay na namin ang mga pasalobong, napuno ang dining room ng tawanan at kwentuhan. Paminsan-minsan ay nagtetext ako kay Emi, masasanay din akong hindi ko siya makikita.
×××××××××
Short update
♠PrinceJalil

YOU ARE READING
Till the end
RomantizmGENRE: Romance, humor, non-teen fiction. Isang muslim boy at isang Christian girl na na in love sa isa't isa. Malampasan kaya nila ang mga pagsubok? Magiging sila ba sa huli? Paano, yon ang alamin niyo sa kwentong ito. ------- Sana magustoha...