We Ain't Worth Fighting For
Napailing naman ako habang nagd-debate ang mga kaklase ko. It's about letting go and fighting for the love that you have. Psh. Ba't ba puro nalang sila ganyan? Ket ano naman ang gawin nila, wala pa rin naman silang jowa. Kung makapagdebate akala mo meron eh.
"Ooops teka muna nga! Wala talagang nagpapatalo 'no, what if tanungin nalang natin si top 1 about her opinion? At sa kung saan siya papanig? Iyon ang panalo! Ano? Game?", sinamaan ko naman ng tingin si Elyse nang dahil sa sinabi niya. Tengeneng babaeng 'to, sakit sa ulo. Dinamay pa talaga ako eh nananahimik nga lang ako eh.
"Pass ako, wala naman akong jowa, anong ipaglalaban ko riyan?", bored ko pang sagot kaya natawa silang lahat.
"Weh ba? Wala ka ngang jowa pero ehem, may muntikan na.", aniya pa saka sumulyap kay Eros. Napairap nalang tuloy ako saka tumayo.
"Wala. Wala kang dapat gawin kapag ganyan kaya manahimik nalang kayo.", sagot ko nalang kaya natawa ang ilan.
"Wala? Wala talaga?", napatigil naman ako nang marinig kong nagsalita si Eros. Psh.
"Bakit? May kailangan bang dapat gawin?", sagot ko naman kaya napangisi ito.
"I was asking you that, so ano? What's your opinion about that? It troubles me a lot right now. I was torn between fighting for her or letting her go, what should I do?", aniya kaya nagsitahimik mga kaklase ko habang ako naman ay nanatiling nakatitig sa kanya.
"Why are you asking me that, shouldn't you decide for yourself?", sagot ko naman kaya napakibit balikat ito.
"That's why I'm asking you. 'Cause you know, I am just waiting for her. I am waiting for her to choose so I could made my decision as well. Ikaw ba?", turan niya naman kaya napahinga ako ng malalim.
"If the two of you were already so sure of each other, then fight for it. Risk everything that you have. Ibigay niyo na lahat. But if not, kung alam niyong talo na kayo in the first place, don't bother fighting for the love that you both had.", sagot ko naman kaya mas lalong natahimik ang lahat.
"So?", tanong niya pa kaya mapakla ko siyang nginitian.
"Let her go.", sagot ko naman kaya bahagya itong natigilan saka tumango. Kinuyom ko naman ang kamao ko upang pigilan ang aking mga luha. He must let me go. Kasi alam kong wala na talaga kaming patutunguhan. He's my step-brother.
Well, we already have a thing before pa man magkaroon ang magulang namin but we can't do anything about it already. We can't just disobey our parents for the love that we have. Kung parehas pa naman kaming dalawang nagd-dalawang isip pa sa isa't isa. Baka in the end, magkakasakitan lang kaming dalawa. Maybe, we just ain't worth fighting for.
BINABASA MO ANG
One Shots 102
RandomAnother compilation of one shots that I have written for the first 4 months of 2021! Hope you'll enjoy reading! Highest Rank Achieved: #6 in oneshots #47 in thriller #374 in random #207 in tragic