OS41: Don't Love An Overthinker

7 1 0
                                    

Don't Love An Overthinker

'Don't love an overthinker.'

Napatitig naman ako sa linyang nabasa ko. As memories starts to pour out in my head. Iyong mga rason niya kung ba't niya ako binitawan. Mga rason niya kung ba't niya ako iniwan.

I didn't know that thinking a lot about things could make him in such a difficult situation. But I was just doing it for my sanity.

"Iyan kasi ang mali sa'yo eh. Lahat nalang iniisip mo. Wala pang problema pero namomoblema ka na. Tama ba iyon Sol?", aniya pa kaya napalunok ako saka napaiwas ng tingin. Pinipigilan ang sariling maluha.

"Eh kasi Josh, I don't see anything wrong from it. Isn't it right na mag-isip ng mga possible na mangyayari bukas? Sa mangyayari sa atin? Sa'yo? Sa akin?--Iyon na nga Sol eh, bukas. Iba ang ngayon! Now, ano ang nabibigay sa'yo niyan? Pinapalungkot mo lang ang sarili mo eh. Stop hurting yoursel--You're already hurting me!", putol ko naman sa sinasabi niya.

"Josh! Ako eh, ako 'tong nagtitiis sa ating dalawa. Ako eh. Ako rin 'tong nag-iisip, at iniintindi ka. Ba't pati iyan pupunain mo pa? Nakakasakit ka na.", sambit ko pa habang lumuluha.

"Sa tuwing hindi ka magpaparamdam, ano ba ginagawa ko? Hindi kita ginugulo, kasi baka kailangan mong mapag-isa. Inintindi kita, bakit? Kasi naisip ko, na baka medyo masyado na rin akong dumepende sa'yo. Sa tuwing hindi ka nagr-respond sa akin, hindi ko nalang pinupuna, kasi alam ko namang may iba kang ginagawa. Josh, sa tuwing ginagawa mo iyon, oo iniintindi kita, but everytime you do those, it caused me to overthink over and over again.", turan ko sa pagitan ng paghahagulhol.

"Alam mong ganito ako diba? Alam mong sa tuwing ganyan, nag-ooverthink ako, pero ba't feeling ko hinahayaan mo nalang ako? Napapagod ka na ba? Nakakapagod na ba akong intindihin--Oo!", aniya naman kaya gulat akong napatingin sa kanya dahil sa pag-amin niya.

"Masarap kang mahalin Sol, maalaga ka, halos nasa sa'yo na ang lahat-lahat, but if you keep on acting like that, it would only kill you inside. Ayokong umabot sa puntong ikaw na mismo ang babasag sa sarili mo.", sabi niya pa kaya bahagyang nanginig ang labi ko saka nagsalita. How can he say na ako rin mismo ang babasag sa sarili ko, when he's already breaking my heart into pieces dahil sa mga sinasabi niya?

"S-so ayaw m-mo na?", tanong ko naman at umiwas naman ito ng tingin. Mapakla naman akong napangiti. Maybe we weren't just compatible with each other. B-baka hindi talaga kami para sa isa't isa.

Napatawa nalang tuloy ako habang inaalala ang mga panahong iyon. Habang patagal ng patagal, nar-realize ko ring masyadong makitid ang utak niya. He made me as his girlfriend but couldn't accept my flaws.

He said he doesn't want me to be hurt, but in the end, he hurt me so bad. Nakakatawa lang isiping kung sino pang nagsabi na hindi ako sasaktan, will be the one who will make me be shattered into pieces.

I know overthinking wasn't good. It was never a good way to make myself at ease. But what could I do? I couldn't just turn it off. Yes, it wouldn't be good if you'll love an overthinker. But you should know, once an overthinker fells in love, it will always be one of the best. Well, we kinda do things way more than others tho.

"Ey babe!", napalingon naman ako sa may pinto at nakitang andun na si Selena. Isa sa mga kaibigan ko.

"Arat na, kupad kumilos.", aniya pa kaya napairap ako. Maka-kupad, eh siya nga 'tong hinihintay ko. Kapal oh.

"Oo nalang. Nakakahiya naman sa'yo.", tanging sagot ko na lamang saka tinungo ang may pinto.

One Shots 102Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon