OS28: Out of My League

11 1 0
                                    

Out of My League

Napatitig naman ako sa lalaking nakasuot ng 3-piece suit. Ang gwapo niya talaga. Ket saang anggulo titingnan ang gwapo niya talaga. Iyong matangos niyang ilong, mahaba at makakapal na pilik mata. Iyong--nagising naman ako sa pagpapantasya nang maramdaman kong sinisiko na ako ng katabi ko.

"Ghorl, h'wag kang papahalata. Nakakahiya. Kulang nalang tumulo laway mo diyan.", napaubo naman ako nang dahil sa sinabi ni Aiko. Potek nga. Nakakahiya. Napapikit na lamang ako nang tuluyan na ngang dumaan sa gawi namin. Sheyt. Ang bango niya. Feeling ko tuloy ang sarap niyang yakapin.

"Di nga, ang gwapo niya ano? Kyaaaaaah!", mahinang sabi ko na binuntutan ko pa ng tili kaya binatukan na talaga ako ni Aiko.

"Girl, h'wag ka ng umasa pa. Ambisyon lang iyan, che makapagtrabaho na nga.", aniya pa kaya napabuga nalang rin tuloy ako ng hangin saka muling umupo sa upuan ko at nagsimulang magtrabaho. Alam ko namang hanggang ambisyon lang ako, but who cares? Ang importante alam kong nangangarap lang ako.

* - *

Napalunok naman ako habang dahan-dahang naglakad papunta sa gawi ng boss namin. Nasa isang high-end bar ako. Oo, kahit hindi ko gamay ang mga lugar na 'to, ay pinasok ko pa rin para mapalapit sa boss naming si Damien. Napalunok naman ako nang muntikan pa akong matapilok nang medyo nasa may gawi na niya ako buti na lamang ay agad niya akong nalapitan at nasalo bago pa man ako mapahiya ng husto. Naiwang ko naman ang aking mga labi nang mapatitig ako sa mga mata nito.

"What's your name?", agarang tanong nito kaya mas lalo akong hindi mapakali at bahagya pang nautal. Alam kong hindi niya ako makikilala. Naka-full make up ako ngayon at pormang-porma. I was planning on seducing him, na kahit ngayon man lang ay maagaw ko ang atensyon niya. And I think I did.

"J-Jade.", sagot ko naman at napangisi naman ito. Bahagya pa akong napasinghap nang hagurin nito ang likuran ko. I'm wearing a backless dress kaya ramdam na ramdam ko ang init ng kanyang mga palad.

"I'm don't have a company tonight, would you mind if I'll ask you to stay with me tonight?", aniya kaya naiwang ko na lamang muli ang aking mga labi. Omygod! This is too much! Pero bago pa man akong makasagot ay agad ko na lamang naramdaman ang kanyang mga labing nakalapat na sa akin. Mahina pa akong napadaing when he started to nibbled my lips. Holy sh*t! Magkakasala yata ako ngayon.

* - *

Makalipas ang tatlong buwan, akala ko matatapos na ang kahibangan ko after that night. Pero hindi. Masyado akong nahuhulog sa kanya na kulang na lamang ay sambahin ko siya. I have been his bed warmer for almost one month, pero kagaya na lamang ng ginagawa niya sa ibang babae , he just threw me away like a trash. Tapos na ang turn ko, that's why he already let me go.

Hindi ko naman mapigilang hindi matawa habang patuloy sa pag-agos ang aking mga luha. Masyado akong nagpakatanga sa kanya. Pfft. Ang bobo ko. Kaka-resign ko lang sa kompanya niya. Kailangan kong lumayo para naman at least maka-move on kahit never namang naging kami, at never na magkakaroon ng kami. But what am I supposed to do? Doble-doble yata ang kabayaran sa kabobohang nagawa ko. I am pregnant, 9 weeks. Ang boba ko talaga.

Napaiwas naman ako ng tingin nang habang nakatingin ako sa building ng kompanya ay lumabas ito. Napasulyap ito sa akin kaya hindi maiwasang hindi magtama ang paningin namin. I badly wanted to tell him about the baby pero hindi ko magawa. Kasi alam ko in the first, baka hindi siya maniwala o sabihan akong i-abort ang bata. Kung hindi ba naman kasi ako naging mapusok. Wala na sanang ganitong nangyayari. If right in the first place tinatak ko na sa utak kong he's out of my league, I shouldn't be experiencing this kind of misery. Kasi kahit pa baliktarin ang mundo o magyelo man ang impyerno, he's really out of my league.

Sometimes we tend to be afraid in taking risks just because we knew that it has only low chance to succeed, but always remember that there's no harm in trying. Because we never knew what kind of opportunity that we missed just because we refused to go beyond the line.

One Shots 102Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon