Meant To Happen
Napangisi na lamang ako habang tahimik na nakatingin sa mga batang nadadaan. They look cute, hmm. Samanntalang hindi ko naman mapigilang hindi mapangiwi sa tuwing may makikita akong mag-boyfriend at girlfriend na dumadaan. Mas napapangiwi pa ako kapag pansin kong mas bata ang mga 'to sa akin.
"Mukha mo gaga, ang asim.", napairap naman ako saka napasulyap kay Gale na kakarating lang.
"Tagal mo, nagmumukha tuloy akong loner rito.", nag-make face lang 'to saka sumagot. Napaismid nalang tuloy ako.
"Mukha mo loner, eh loner ka naman talaga remember?", aniya kaya binato ko naman siya nung tissue na hawak-hawak ko.
"Alam mo, minsan talaga hindi ko alam kung kaibigan ba kita o ano eh.", sagot ko sa kanya kaya napatawa ito.
"Beh, truth hurts, always remember that. Eh ba't kasi ako ang ginagambala mo ano? Mag-boyfriend ka na uy.", turan niya pa kaya mas lalo akong napasimangot.
"Para namang sinasabihan mo kong mag-suicide. No way.", sagot ko kaya bahagya nitong hinila buhok ko.
"Wow ha? Bitter ka? Bitter? Don't tell me hindi ka--Hoy! No way! Dzuh. Naka-moved on na ako 'te. Sadyang err, wala lang akong mahanap na ano diyan sa gilid. Saka nakakatamad, I mean, mukhang hindi rin naman magtatagal, why take the risk pa diba?", sabi ko kaya napailing ito.
"Hindi mo pa nga nat-try, sasabihin mo ng di magtatagal. Psychic ka sisz? Sadyang ayaw mo lang talaga. 30 ka uy, galaw-galaw baka pumanaw. Single ka na for 3 years! Isipin mo iyon!", exaggerated pa nitong sabi kaya napairap ako saka tumayo sa bench na kinauupuan ko.
"Alam mo, ang ng*na mo minsan eh. Eh sa wala nga. Mygosh, kasalanan ko bang walang nagkakagusto---Anong wala? Hoy g*ga! Akala mo di umaabot sa akin iyong mga chismis na may mga nanliligaw sa'yo ha? Tas nir-reject mo agad. Pano iyan aber?", putol niya sa sasabihin ko kaya napairap ako.
"Di ko sila type.", tanging sagot ko na lamang kaya natawa naman 'to.
"Oh kita mo na? Choosy ka. Hindi mo pa nasusubukan, umaayaw ka na.", sabi niya pa kaya iniripan ko naman siya.
"Whatever uy, hali ka na nga.", sambit ko saka nagsimulang maglakad nang bigla nalang akong may nakabanggaan. Sh*t. Napapikit pa ako nang maramdaman kong may kung anong natapon sa akin.
Napasinghap na lamang tuloy ako saka dahan-dahan na lumingon sa nakabanggaan ko. And holy mackerel. Hindi ko alam pero bigla na lamang akong napanganga.
He was merely looking at me. Shocked and was a little bit worried. His haircut looks to clean, and his stubbles make him even more masculine. Napalunok pa ako nang mapansing matangkad ito.
I was already wearing a 3-inch high heels, and my height was 5'5". Hanggang balikat lang niya ako. Napapikit pa ako ng maamoy ko ang pabango nito, it wasn't that strong, pero maamoy mo pa rin. Gosh. Am I fantasizing about him already?
"Miss, are you okay?", tanong pa nito sa akin kaya napakurap-kurap ako saka tumango.
"A-ahm, yah. Okay lang.", nautal ko pang sabi kaya napangiwi ito saka napasulyap sa damit ko. Ay, natapon pala sa akin ang drinks na hawak-hawak niya.
"I'm sorry I didn't mean it.", lumingon-lingon naman ito.
"Is it fine if I'll just buy you a new blouse? That one already looks awful.", aniya saka sinulyapan ako.
"Nandiyan lang naman ang mall, would you come with me or ako nalang ang bibili?", tanong pa nito sa akin and hindi ko alam pero natameme ako. Sh*t, what the heck is happening with me?
"Ha? Ahm ano kasi, okay lang------"
"Ey baby, okay ka lang?", napakurap-kurap naman ako saka sumulyap kay Klein.
"Yah, I'm fine. I was just pfft. Nagdaydream ng konti.", sambit ko kaya natawa ito saka nailing. Napangiti naman ako nang marahan ako nitong hinagkan.
"The lunch's ready. Halika na. The kids are waiting for you already.", aniya kaya natawa ako saka siya tinanguan. Lumingon na ako rito at nakita ko naman ang mga anak namin. Pft. Niall, Nash and Mavie.
Natawa lang ako habang inalala ulit iyong una naming pagkikita. Who would have a thought that after being single for 3 years, bigla-bigla nalang siyang dumating and just poof! I was fvcking inlove with him already. And yeah, we married each other after dating for 2 years, and we're happily married for 6 years already.
I was glad that I didn't rush things back then. I wouldn't be able to met him if I did that tho. I was lucky enough to met someone like him. Goodness gracious, I'm still whipped with my husband just like the first time I fell for him.
BINABASA MO ANG
One Shots 102
RandomAnother compilation of one shots that I have written for the first 4 months of 2021! Hope you'll enjoy reading! Highest Rank Achieved: #6 in oneshots #47 in thriller #374 in random #207 in tragic