OS31: Wounded

9 1 0
                                    

Wounded

"Nakakapagod na, alam mo iyon Arrhiessa?", sabi ko sa kaibigan ko na tinaasan lang ako ng kilay.

"Pinagda-drama mo diyan?", sagot nito pero inilingan ko lang siya saka pilit na ngumiti para itago ang sakit na nararamdaman ko.

"Wala.", ani ko nalang saka napabuga ng hangin at itinuon atensyon sa may labas ng bintana ng classroom namin.

* - *

Napahinga nalang ako ng malalim nang pag-uwi ko ay mga bote ng alak ang agad kong nabungaran. Bahagya pa akong napakagat labi nang may marinig akong mga ungol galing sa kwarto ni Papa. Hindi ko alam pero bigla nalang akong napaluha nang mapatingin ako sa family picture namin na nakasabit sa dingding.

My mom left us. Sinama niya ang bunso kong kapatid na lalaki. Kaya iyong isa ko nalang na nakakabatang kapatid ang kasama ko. Iniwan niya kami sa ama kong wala nang ginawa kundi ang maglasing at mambabae.

"Jake?", tawag ko sa kapatid ko pero hindi ito sumagot. Napabuga nalang tuloy ako ng hangin saka pumasok sa kwarto. Pagkapasok ko sa kwarto ay agad ko naman itong ini-lock.

Naupo naman saka tiningnan ang sarili sa salamin. I looked thin and pale. Mukha na akong zombie. Napatitig naman ako sa mga mata kong tila pagod na pagod na.

Umiling naman ako sa naiisip ko saka dahan-dahang hinubad ang uniform ko. Kaya agad ko namang nasilayan ang iilang sugat at pasa na natamo galing sa ama ko. Oo, nambubugbog siya.

Hindi lang nambubugbog, he's also abusing me. Napaluha naman ako habang naalala ang mga ginagawa niya sa akin. Pero wala naman akong magawa dahil idadamay niya naman si Jake kung magsusumbong ako.

Pero nakakapagod na. Pagod na pagod na ako. Patuloy lang ako sa pag-iyak nang may kumatok. Napapikit naman ako ng mariin.

"Ate?", agad ko namang inayos ang sarili nang marinig ko ang boses ni Jake.

"Hmm? May kailangan ka?", tanong ko.

"Wala, magpapaalam lang ako na pupunta ako kina Klyde.", sagot naman nito.

"Oh siya, sige uwi ka bago gumabi ah.", ani ko.

Makaraan lang rin ang ilang minuto ay nilukob na naman akong muli ng kalungkutan. Hindi ko alam pero bigla nalang akong napatitig sa gunting na nasa mesa. Gusto ko na sana itong abutin pero pinigilan ko ang sarili ko. Kailangan ako ni Jake.

* - *

Lumipas ang mga araw hanggang sa nalaman ko nalang na buntis ako. Buntis ako at ang ama ko ang ama ng dinadala ko. Umiiyak ako habang nakatingin sa repleksyon ko sa salamin.

Nakasuot ako ng puting bestida. Pagod na pagod na ako. Gusto ko nang matulog at magpahinga. Pero hindi ko magawa.

Impit naman akong naiyak nang maramdaman ko ang sakit na dulot ng pagkakatarak ng gunting sa balat ko.

Hindi pa ako nakuntento at binasag ko pa ang salamin saka dahan-dahang pinasadahan ang palapulsuhan ko ng parte ng basag na salamin.

Nakita ko pa kung paano tumulo ang dugo mula sa sugat na ako mismo ang may gawa. And in that moment, I smiled.

I smiled for I thought I did something right.

I smiled for I thought in that moment I lived.

I smiled for I thought I'll be able to escape the darkness within.

I smiled.

Not until I heard the cries of my brother.

Not until I heard his screams for help just to save me.

Not until I realized that I did kill my child just because of my selfishness to escape from the pain and darkness that I've been into.

One Shots 102Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon