OS39: If We Had A Chance

9 1 0
                                    

If We Had A Chance

Hawak-hawak niya ako sa bewang habang malamyos na sumasayaw sa ugong ng tugtog ng paborito naming kanta. Napapikit pa ako ng mariin habang dinadama ang init ng katawan niya. Marahang tinatatak sa utak ang kabuuan niya.

Marahan ko namang hinigpitan ang pagkakapulupot ng mga braso ko sa kanyang leeg upang tuluyan kaming mapalapit sa isa't isa. Isinandal ko naman ang noo ko sa dibdib niya.

"Ria.", bulong niya naman kaya dahan-dahan ko siyang tiningala. Nakangiti ito sa akin pero may bahid ng lungkot ang kanyang mga magagandang mata. Kusa namang naglakbay ang kamay ko upang marahang haplusin ang kanyang pisngi.

"Hmmm, Van?", tanong ko naman sa kanya at umiling naman ito saka ako marahang hinagkan sa noo.

"Mam-miss kita.", aniya pa kaya napahinga ako ng malalim saka mapaklang napangiti. Niyakap siyang mahigpit hanggang sa kusa na lamang nagsituluan ang bawat butil ng aking luha.

"Ako rin, Van. Ako rin.", humihikbi kong sagot at naramdaman ko rin namang napayakap na rin ito ng mahigpit.

"Pasensya ka na.", hinging paumanhin niya na siyang tinanguan ko.

"Alam ko, okay lang. Hindi mo na kailangan humingi ng pasensya.", sagot ko saka kumalas mula sa pagkakayakap sa kanya.

"Salamat.", sambit ko saka siya nginitian.

"Salamat kasi sa loob ng maikling panahon naging parte ka ng buhay ko.", dagdag ko pa at nakita ko namang napalunok ito.

"Pero hanggang dito nalang talaga tayo. Siguro.", napatitig naman ako sa mga mata niya, nagbabasakaling bawiin niya. Nagbabasakaling pigilan niya ako. Ngunit wala. Walang bakas ng pagtutol ang siyang nakikita ko sa kanyang mga mata. Mapakla na lamang akong napangiti.

"Alam mo na naman hindi ba? Mahal kita, Van. Pinapangako ko. Pero---Alam ko na Ria. Tama na. Okay na. H'wag mo nang pahirapan ang sarili mo.", putol niya sa sasabihin ko kaya napahagulhol ako. Ramdam ko ang pagtigil nito. Marahil ay inaasahan na niyang magiging emosyonal ako. Napahinga na lamang tuloy ako ng malalim saka siya sinulyapan nang kumalma na ako.

"Van, sana sa susunod.", ani ko sa kanya kaya napatitig siya sa akin. "Sana sa susunod, kung sakaling pwede pa, sana bumalik pa.", sambit ko kaya napatango naman ito. Napangiti naman ako, alam ko na namang wala na talaga 'tong patutunguhan pero wala namang masamang umasa hindi pa?

"Na sana kung bibigyan pa tayo ulit ng pagkakataon, you'll still take the risk with me.", turan ko pa at ngumiti naman siya saka ako niyakap. Nagsituluan namang muli ang mga luha ko saka siya niyakap. Mas lalo pa akong naiyak nang marahan na naman ako nitong hinalikan sa noo.

"Hanggang sa susunod, Ria.", aniya na siyang tinanguan.

'Hanggang sa susunod. Kung sakali mang bibigyan pa tayo ng pagkakataong ipagpatuloy ang kabanatang nasimulan nating dalawa.', piping ani ko. Nagbabasakaling hindi pa nagtatapos ang aming kwento.

— End.

One Shots 102Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon