Make It With You
Napabuga naman ako ng hangin nang pumasok sa kwarto ang asawa ko. Hindi ko pa mapigilang hindi mapangiwi at mapanguso. Ang sama ng depungal. Late na ngang umuwi, kinalimutan niya pa na anniversary namin! Naghintay lang ako sa wala.
"Babe, ba't ganyan ka makatingin?", tanong niya sa akin nang maramdaman niyang sinasamaan ko nga siya ng tingin. Pero sa halip na sagutin siya ay padabog ko lang na tinungo ang kama saka humiga roon. Mas lalo pa akong nainis nang marinig ko pa itong tumawa. Tae talaga siya. Isa siyang stupid madapaker. Kainis.
Narinig ko pang bumukas ang pinto ng cr at pumasok nga ito rito kaya napabangon nalang ako saka kumuha ng unan at binato ang pinto saka humiga ulit at nagtaklubong ng kumot. Tae talaga siya. Taena niya, di kami bati.
Makalipas nga ang ilang minuto ay narinig kong bumukas na muli ang pinto at narinig ko naman ang mga yabag nito na papatungo sa akin.
"Baba ka, kain tayo.", bulong nito saka umalis kaya napairap nalang ako. Tae. Sino ba siya para sundin ko? Ha? Sino siya? Utot niya! Pero dahil sa hindi rin ako inaantok at gutom rin ako ay hindi ko naman mapigilang hindi bumaba.
Pagkarating ko nga doon ay wala naman akong jeydon na naabutan. Napaismid nalang tuloy ako saka dahan-dahang tinungo ang garden. Oo, may garden kami, h'wag kayong kj, ako ang bida dito. Napataas pa ang kilay ko nang makita kong may nagkalat na petals ng roses at may pa-lights pa. May mesa sa gitna. Pfft.
Napataas pa ang kilay ko nang biglang bumungad sa akin si Jeydon na naka-sando lang at boxer pero may suot na bowtie.
"Anong kabaliwan 'to?", tanong ko pero sa halip na sumagot ito ay may kung anong kinalikot ito sa phone niya at agad ko rin namang narinig ang kantang "Make It With You".
'Hey, have you ever tried
Really reaching out for the other side?''I may be climbing on rainbows
But baby, here goes'Tinaasan ko naman siya ng kilay nang magsimula itong maglakad papalapit sa akin habang nakangisi kaya inirapan ko ito.
"Tigilan mo ko, gutom ako.", sagot ko sa kanya pero tinawanan lang ako ng hakdog.
"Sayaw tayo.", aniya saka ako hinigit sa bewang kaya napabuntong hininga na lamang ako saka ipinulupot ang braso sa leeg niya para sakalin siya, charots.
'Dreams, they're for those who sleep
Life is for us to keep''And if you're wondering what this song is leading to
I want to make it with you'"Oh, ba't ganyan ka makatingin?", tanong ko nang makitang titig na titig ito sa akin pero laking gulat ko nalang na ngumiti lang ito saka nagkibit balikat. Himala.
"Ano nga?", tanong ko ulit kaya tumawa lang ito saka ako mas niyakap ng mahigpit habang nags-sway. Aba, magsayaw raw kami eh.
'I really think that we could make it, girl
No, you don't know me well''And every little thing only time will tell
If you believe the things that I do'"Happy anniversary", sambit nito kaya bahagya akong napatigil.
"Pasensya ka na kung minsan nawawalan ako ng oras sa'yo. Pasensya na if inakala mong kinalimutan ko kung anong araw ngayon. Na-busy sa trabaho eh. Sorry babe.", sincere nitong sabi kaya napairap nalang ako saka siya inismiran. Hindi ko naman alam pero naiiyak ako. Blame this hormonal imbalance!
'And we'll see it through
Life can be short or long''Love can be right or wrong
And if I chose the one I'd like to help me through'"Fine! Happy anniversary rin. I love you.", sagot ko kaya napangiti naman ito at bahagya pa akong napakurap-kurap nang dahan-dahan nitong inilapit ang mukha niya sa akin.
'I'd like to make it with you
I really think that we could make it, girl''Baby, you know that dreams there for those who sleep
Life is for us to keep'"I love you too.", sagot nito saka ipinaglapat ang mga labi namin. Hindi ko naman mapigilang hindi mapangiti sa ginawa niya kaya tumingkayad nalang rin ako saka siya hinalikan pabalik.
'And if I chose the one I'd like to help me through
I'd like to make it with you''I really think that we could make it, girl
I really think that we could make it, girl'* - *
"Taena mo! Taas ng imagination mo brad!", sambit ko saka binatukan si Jeydon. Nakita ko namang napangiwi ito dahil sa ginawa ko.
"Ang kj mo babe!", sagot niya kaya napangiwi ako. Nag-daydream kasi ang potek kesyo kinasal kami and all. Psh.
"Saka ka na mag-ganyan kapag naka-graduate na tayo! Tae ka! Saka ka na ulit mag-imagine! Tara na!", sambit ko saka naunang naglakad.
"Di nga babe, dapat itutuloy ko pa ang daydreaming ko eh! Dapat pagkatapos mo kong halikan sunod nun--May sinasabi ka Jeydon?", putol ko sa sinabi niya kaya napatawa nalang ito ng bahagya saka napa-peace sign.
"Wala naman babe. Sabi ko I love you!", sambit nito saka ako ninakawan ng halik kaya napaigtad ako sa gulat saka napakurap-kurap. Tae talaga.
"Oh? Dali na babe! Uwi na tayo! Papagalitan ako ni mother-in-law kapag na-late ka ng uwi.", turan pa nito kaya napangiwi ako saka siya tiningnan. Nakangiti lang ang tae na parang wala lang sa kanya ang ginawa.
"Oh? Ba't ka namumula?", tanong nito saka dahan-dahang napangisi kaya hindi ko naman mapigilang hindi mapaismid saka mapairap.
"Wala! I love you too! Psh.", inis kong sabi ko saka nagpatiuna sa paglakad.
"Ayieeeeet! Si babe namumulaaaa!", sambit pa nito kaya hindi ko mapigilang hindi mas lalong mamula! Hakdog talaga siya! Hakdog!
BINABASA MO ANG
One Shots 102
De TodoAnother compilation of one shots that I have written for the first 4 months of 2021! Hope you'll enjoy reading! Highest Rank Achieved: #6 in oneshots #47 in thriller #374 in random #207 in tragic