OS1: It Ain't For Us

104 4 0
                                    

It Ain't For Us

"Joshyyyy!", sigaw ko saka kinawayan si Josh na nasa may gate.

"Sorry, pinaghintay ba kita?", tanong ko pa rito habang hinihingal sa pagtakbo.

"Pfft, it's fine Ari. Akin na school bag mo.", aniya kaya nagpigil na lamang ako ng ngiti saka ibinigay ang bag ko sa kanya na puro libro kaya medyo may kabigatan talaga. Ang saket nga sa balikat at likod eh.

"Musta subjects mo? May na-miss ka ba?", tanong niya kaya lumingon ako sa kanya saka siya inilingan.

"Wala, ikaw lang.", wala sa sarili kong sagot kaya napatawa ito habang ako naman ay nanlaki ang mata.

"Pfft, na-miss mo ko?", tanong niya pa ulit kaya napakagat labi ako saka siya tinanguan. Eh sa na-miss ko naman talaga siya. Ilang araw siyang hindi nagparamdam. Akala ko igh-ghost na niya ako. He's been courting me for 2 months already, taga-ibang university pa siya, at medyo malayo pa sa amin kaya akala ko sumuko na siya sa kaka-sundo sa akin every uwian.

"Pasensya na, na-busy sa projects eh. Nasira rin phone ko, and I really need to distanced my self to you baka masyado ka na ring nasasakal sa akin.", sabi pa niya kaya napaiwas ako ng tingin saka napalunok. Kinikilig ako, pake niyo ba?

"Hindi ka bibili ng new phone?", pang-ch change topic ko nalang kaya natawa nalang siya saka tumango.

"Bibili, hindi ba tambak ang activities mo ngayon?", tanong niya pa kaya umiling ako.

"Nope, libre mo ko sa jolibee ah?", sagot ko pa kaya napatawa ito.

"Pfft, of course.", aniya saka kinuya ang isang kamay ko at pinagsalikop ang aming mga daliri.

* - *

Pinatagal ko pa ng isa pang buwan ang pangliligaw sa akin ni Josh. Tawagin niyo na akong pabebe, but I want to make sure everything's fine before taking the risk of being in a relationship with him. After a month, everything went smoothly. Josh is such an ideal man. Halos nasa kanya na ang lahat actually. He's sweet and caring, and if felt like one of the greatest thing that I've done throughout my whole life was letting him in my heart.

"Penge kasi kiss.", pangungulit ko pa sa kanya pero umiling lang siya.

"Behave, baby.", aniya pa kaya natawa nalang ako. He's doing his plates at kinukulit ko lang talaga siya. Okay lang naman kasi di pa naman talaga malapit ang deadline but since he's too grade concious, kabibigay palang ng project, ginagawa na niya. And yes, his course was Architecture habang ako naman I took Nursing since I also have plans on pursuing med.

"Ayaw mo talaga akong i-kiss?", bugnot kong ani kaya nailing nalang ito saka ibinaba ang lapit ang lapis at ruler niya. Natawa nalang tuloy ako sa isipan ko. I won. HAHAHAHAHAHA.

"Fine, come here baby Ari.", aniya pa kaya dali-dali akong lumapit sa kanya and he enveloped me between his two arms. Tiningala ko naman siya kaya naiiling nalang nitong hinalikan ang tungki ng ilong ko.

"Ilong lang?", kunwari'y malungkot ko pang sambit kaya natawa na lamang uli ito saka ako malamyos na hinalikan sa labi. It was calm at first, but later on he slowly became aggressive since his making his tongue slips inside my mouth. Natatawa ko nalang tuloy siyang kinurot kaya natawa nalang rin siya.

"Paayaw-ayaw pa kanina, hmp." sabi ko pa kaya natawa nalang uli ito saka ako muling hinalikan.

* - *

Until after a few years, things just happened and here I am, standing in front of him unmoving. I am currently attending an engagement party of one of my cousins. Hindi ko naman siya close but my parents said I should attend just for the sake of formalities.

"Ari", aniya kaya napalunok naman ako saka siya nginitian.

"Josh.", sambit ko pabalik. Nagtitigan pa kami ng ilang segundo hanggang sa may isang babae sa amin.

"Ari!", napakurap-kurap pa ako nang makitang si Coleen ito. My cousin who's going to be engaged.

"Kilala mo si Josh?", aniya naman and it felt like everything just stopped when he mentioned Josh's name. Kilala niya si Josh? Napalunok pa ako saka dahan-dahang tiningnan ang left hand ni Josh, and right there, in his ring finger, I saw a ring. Napapikit naman ako ng mariin nang tila ba binaha ng sakit ang dibdib ko.

"Yes, is he your fianceé?", tanong ko naman saka tiningnan silang dalawa and I saw how Coleen's face beamed.

"Yah, so magkakilala naman pala kayo that's a good thing.", anunsyo niya kaya napatitig nalang ako kay Josh na kanina pa tahimik at matamang nakatingin lang sa akin.

I just smiled at them and congratulated them. Pinunasan ko naman ang mga luhang nagsituluan habang naglalakad palabas ng venue. And yes, we broke up. Years ago, but still, my heart yearns for Josh. It has always been him, but I think we weren't just for each other. Happy ending? It just ain't for us.

One Shots 102Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon