Wishing Well
"Hoy! Sige na, samahan niyo na kasi ako dun sa wishing weeeelllll! Hoy!", pangungulit ko pa sa mga kaibigan ko pero di nila ako pinapansin. Mga epal oh!
"Sige na! Wish ko lang na kung di man magiging akin si crush! Edi maging multo nalang kamo siya!", sambit ko pa kaya natawa nalang ang mga 'to.
"Hoy tengene mong gaga ka. Sabi-sabi pa naman may multo dun sa may kahoy malapit sa wishing well! Shutaaaa.", sabi ng isa kong kaibigan kaya natawa ako.
"Weh? Naniniwala kayo dun?", tanong ko naman kaya napaismid ang mga 'to.
"Oo nga raw. Sabi-sabi kasi nila, nandun kuno ang lagusan ng mga kaluluwa! Kaya for sure may mga multo dun! Kyaaaaah.", ani ni Kierra kaya binatukan ko siya.
"Ulol uy.", ilang minuto pa ang makalipas ay nakarating rin kami dun sa may wishing well. Naghulog lang kami ng coins dun saka ibinulong sa hangin ang wish namin.
'Ahihihi. Kung di man po magiging akin si Yvan. Mas maganda kung magiging multo nalang po siya. Hmp.', bulong ko saka napahagikik. Bahagya pa akong nagulat nang pagmulat ko ay naaninag ko ang bulto ni Yvan sa may puno.
"Uy! Teka, si Yvan ba iyon?", tanong ko sa mga kaibigan ko pero wala naman raw silang makita. Baka namamamalikmata lang ako. Nagsiuwian na rin naman kami pagkatapos since ayaw naman raw nilang tumambay dun, kasi may mga multo nga raw.
Hanggang sa pag-uwi ko ay laking gulat ko na lamang sa aking nalaman. Naaksidente raw si Yvan pauwi kanina. Naalala ko naman iyong Yvan na nakita ko sa may puno malapit sa wishing well.
"Potek, naging multo talaga siya? T*ngena.", ani ko na lamang saka napaiyak at ngumawa ng ngumaea. Mama, baka multuhin niya ako! Uwaaaaaaaaaaaaah! Tulong!
BINABASA MO ANG
One Shots 102
RandomAnother compilation of one shots that I have written for the first 4 months of 2021! Hope you'll enjoy reading! Highest Rank Achieved: #6 in oneshots #47 in thriller #374 in random #207 in tragic