OS29: The One That Got Away

13 1 0
                                    

That One That Got Away

Napangiti naman ako habang nag-aabang ng masasakyang jeep sa sakayanan. Hindi naman ako mayaman para mag-taxi. Napahinga naman ako ng malalim nang magtulakan ang hakdog na nasa likuran ko. Kaya inis na lamang akong lumingon sa likod at sisitahin na sana sila nang salubungin ako ng isang pamilyar na mukha. Si Kiko. Ang binansagan ng mga kaibigan kong "My One That Got Away". Ay potek.

"Kiko?", sambit ko naman at ngumiti naman ito ng pagkatamis-tamis bago sumagot.

"Shaina, kamusta?", sagot niya naman at hindi ko alam pero kusa na lamang naglakbay ang utak ko sa kung saan, oo, kunwari may utak ako.

* - *

Junior highschool kami nun, kinse anyos pa nga lang ako. Alam kong masyado pa akong bata para sabihing minahal ko si Kiko noon, but who cares? Wala namang pinipiling edad ang pag-ibig. Kapag tinamaan ka. Tinamaan ka.

"Shai! Kilala mo ba iyong transferee? Si Akihiro Kobe?", napailing naman ako sa sinabi ni Yashy.

"Manahimik ka nga diyan. Maharot ka talaga eh.", sagot ko pa rito at napahagikik naman ito. Kita mo na? Kebata-bata pa pero ang harot na, amp.

"Eh kasi nga eh, galing city bes. Gwapo saka kyaaaaaaaah, pasok sa ideal man natin.", aniya pa kaya hindi ko mapigilang hindi mapairap.

"Oh tapos? Di porket pasok sa ideal man, nakatadhana na siya sa atin. Magsitigil ka nga diyan.", sagot ko sa kanya kaya napairap na lamang ito saka bumalik sa upuan niya dahil na rin sa dumating na ang teacher namin.

Habang papasok nga si Ma'am Castro sa silid namin ay hindi ko mapigilang hindi mapasulyap sa labas ng bintana ng classroom nang makita kong may isang grupo ng kalalakihan. Napatitig pa ako sa lalaking nasa gitna, himala, may nadaang gwapo rito.

Nakatitig lang ako sa kanya nang bigla na lamang itong lumingon sa gawi ko. Labis na lamang tuloy ang panlalaki ng aking mga mata nang magtama ang tingin namin, naiwang ko pa ang aking mga labi nang nginitian ako nito. And right at that moment, I know I was doomed. Poching ngiti, na-crush at first sight ko na tuloy ang gago.

Matapos nga ang klase namin ay rinig na rinig ko pa rin sa mga babae kong kaklase ang pangalang "Kiko". Mukhang iyan yata ang nickname ng transferee. Napataas pa ang kilay ko nang lingunin ko si Yashy ay taas baba ang kilay nito.

"Anyare sa'yo?", tanong ko rito at napahalakhak naman ito.

"Uy frenny kita ko iyon. Iyong titigan at ngiti. Mygosh ang gwapo niya talaga.", napakunot noo naman ako nang dahil sa sinabi niya.

"Pinagsasabi mo diyan?", tanong ko.

"Baliw! Iyong isa lalaking dumaan kanina! Kita ko iyon! Iyong nagblush ka kasi nginitian ka niya! Si Kiko iyon, iyong gwapong transferee!", anunsyo ni Yashy kaya napanganga ako. Hala potek nga. Lintek. Minsan na nga lang akong magka-crush mukhang marami pa akong magiging kaagaw. Amp.

* - *

Halos buong linggo, puro Kiko nalang ang naririnig ko. Minsan nakakasalubong namin siya, minsan rin kapag nagpa-practice sila ng basketball, nakikinood kami. Crush lang naman kaya hinayaan ko nalang rin. Ilang babae na nga rin ang sumubok na mag-confess sa kanya pero ekis. Waley. Wala yata siyang tipo rito. O baka meron, pero pasikreto niya lang na hinaharot.

Hanggang sa foundation day na nga namin. May mga booth and whatsoever. Naiinis pa ako kasi photo booth ang amin. Ang boring. Kung sana nag-cafe kami, masisiyahan pa ako. Mahilig akong magluto eh. Pero dahil sa dakilang tamad ang mga kaklase ko, photobooth ang naisipan nilang gawin. Ako na ang nakatokang magbantay kaya hindi ko naman mapigilang hindi maitaas ang kilay nang magsipasok iyong mga kaklase ni Kiko, pero di nila siya kasama. Sayang, akala ko masisilayan ko ang kagwapuhan niya.

"Shaina.", napalingon naman ako sa kanila.

"Magpapapicture kayo? Bayad muna.", sagot ko kaya natawa sila at nailing.

"May nagpalista sa'yo.", sambit ng isa sa kanila.

"Ha?", sagot ko ulit.

"Blind date.", aniya nung may hawak ng blindfold kaya napanganga ako. Ampotek, sinong hampaslupa ang naglista sa akin? Aangal pa sana ako wala na, blinind fold na nila ako at dinala sa kung saan. Ediwao. Sino naman kaya ang partner ko? Pinaupo naman nila ako at ramdam ko namang may tao na sa harapan ko. Hindi ko na sana ito kakausapin nang magsalita ito.

"Shaina?", nanlaki naman ang mata ko nang marinig kong sinambit nito ang pangalan ko. Holy cow! Kilala niya ako. And wait! Ang pamilyar ng boses niya.

"Walang banggitan ng pangalan diba?", sagot ko naman at narinig ko namang napatawa ito.

"Sa'yo lang naman ako pumayag na magpa-blind date so I'm pretty sure that you're Shaina. Loyal ako sa'yo.", aniya pa kaya napaismid ako.

"Mambola ka pa zer. Basketbolista ka pa? Halatang bolero ka eh.", sagot ko at napatawa naman ito. Ginawa pa akong clown oh, kapal ng mukha.

"Nope, loyal naman talaga ako sa'yo. Kilala mo na ba ako?", tanong niya at napakibit balikat naman ako.

"Nope, ikakatulong ba sa pag-unlad ng bansa kung makikilala kita?", sagot ko naman.

"Fine, ang sungit mo. Pagkatapos talaga nito, magko-confess na ako.", aniya pa ulit kaya napaismid ako.

"Sher mo lang kuya?", kaya iyon na nga, sa whole duration ng blind date kuno namin, puro lang siya tawa habang ako naman ay panay pagsusungit sa kanya.

Hindi ko nga siya tuluyang nakilala pero wala naman akong pake kaya hinayaan ko nalang. Hanggang sa natapos na ang lahat ng booths at battle of the bands na nga.
Hindi na nga sana ako manonood pero sabi nila kasali ang barkada ni Kiko sa magpe-perform kaya nanood nalang rin ako.

Pero sa hindi inaasahan, nag-perform nga sina Kiko. Kinanta nila ang "Huling El Bimbo", maganda ang boses niya at nakakamangha. Pero mas nakakagulat ang ginawa niya. Right in front of everyone. He confessed to me. Pochang depungal, siya pala ang naka-blind date ko.

* - *

Nanligaw siya, 2 months. Oo, dalagang pilipina ako kaya pinatagal ko. Kagaya nga ng sabi ni Yashy pasok siya sa ideal man ko. Pero sabi nga nila, imposibleng perpekto siya. So iyon na nga, naging kami for almost a year. Oo, almost lang. Because right before our anniversary. Nawala nalang siya ng bigla. He just transfered in a new school o sa kung saan nang walang paalam. Ni hindi ko na siya mahagilap o ma-contact ma lang. Parang ito na yata ang literal na panggo-ghost. Mag-iisang taon na kami, tas nawala. Kaya nga minsan kapag inaasar ako nina Yashy, tinatawag siya nilang "the one that got away", kinakantahan pa ako ng mga potek. Theme song raw namin. Pero lampo naman, kaya kalaunan natanggap ko ring wala na siya.

* - *

"Kiko?"

"Shaina?"

Nagtitigan lang kami sa isa't isa nang ngumiti naman uli ito. Kagaya na lamang ng ngiti niya years ago. Napalunok na lamang tuloy ako nang biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Pochi. Lampo, ampota.

"Kamusta?", malumanay nitong tanong na siyang sinagot ko naman.

Akala ko matutuloy na ang naudlot naming love story. Akala ko may karugtong pa. Pota, kasal na pala siya. May dalawa ng anak. Ang mas masaklap pa, inaya pa akong maging ninang potek. So iyon na nga, iyong "the one that got away" ko, hanggang "the one that got away" nalang talaga. Di kami ang meant to be eh. Potakteng tadhana. Hmp.

One Shots 102Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon