03.

160 26 22
                                        

Christine's

"Ni-Ki bilisan mo na kumain diyan baka abutan na tayo ng traffic" Sigaw ko mula sa sala habang chinecheck yung nga dadalhin namin. Kanina pa kasi nasa kusina si Ni-Ki pero hindi parin tapos sa kinakain niya. Nakatutok ba naman sa cellphone niya so paano niya aber makakain yung almusal?

"Oo wait lang, Ate." Sagot niya naman pabalik at nilagok na yung gatas niya. Wow ginawang tubig. Kakaiba talaga trip ng mga bata ngayon.

Wala si Mama paraihatid kami ng kotse kaya wala kaming choice kundi maglakad palabas sa bukana para makasakay sa tricycle pupuntang sakayan ng jeep. Doon kami magkikita nina Ate Bea kasama si Sunoo para sabay na kami pumunta kina Sunghoon.

Hawak ko si Ni-Ki sa napsack niya dahil nakatutok lang siya sa phone niya habang naglalakad. Kung hindi ko to gagawin ay baka kanina pa to nabangga ng sasakayan. Jusmeyong bata.

Nagulat naman ako nang may biglang bumusina na kotse at sa kulay at itsura pa lamang ng sasakyan ay alam ko na kung sino iyon. Sinubukan kong di siya pansinin pero tuloy tuloy lang siya sa pagbusina at tila binagalan ang pag-andar na parang sinasabayan kami.

"Ni-Ki ayaw mo sumabay kay Kuya Jay?" Binaba niya yung salamin ng bintana ng kotse niya. Basa pa yung buhok niya at mukhang bagong ligo. Basang sisiw ampig?

Tumigil naman sa paglalakad si Ni-Ki. Sinenyasan ko siya na magtuloy tuloy lang sa paglalakad. Sumimangot siya at naglakad padabog at nilampasan ako. Aba tignan mo tong batang to.

"Sumbong kita sa kay Tita Camille, pinaglalakad mo si Ni-Ki nang malayo." Mapang-asar na sabi niya. Binabagalan niya parin yung pag-andar. Binilisan niya lang iyon nang bilisan ko ang lakad ko para habulin si Ni-Ki na nasa terminal na.

Bakit ngayon pa naubos ang tricycle sa toda? Ni-ki looked at me na parang inip na inip na. Jay stopped his car on our side. Hindi ko siya pinapansin at nagbabakasakaling may bumalik na na tricycle.

"Ate, nangangalay na ako tumayo." Reklamo ni Ni-ki at tumingin kay Jay. I really don't have a choice, do I?

I nod at him and he immediately rode on Jay's blue Fortuner. His car is new. Hindi ito yung ginamit niya sa driving school nung kumuha siya ng student license when we were on tenth grade.

"So kalian mo isesend sa akin yung files namin?" Tanong ko nang makasakay na rin sa sasakyan.

He chuckled before answering. "Later. Nagmamadali?" I just rolled my eyes.

"Send me the details of your friend's house." Sambit niya bago buksan yung engine.

I told him Ate Bea and Sunoo were waiting for us on the terminal. Sabi ko rin na dun niya na lang kami ibaba but he insisted na sunduin lang naming yung dalawa and he'll drive us to Sunghoo's house.

"Woah. Anong meron? When ka pa naging uber driver, Jay?" Natatawang tanong ni Ate Bea.

"Now lang. Ang sungit nga nung unang pasahero ko eh." Sagot naman ni Jay. Hindi na lang ako umimik. Ayokong barahin siya ngayon dahil hindi niya pa nasesend sakin yung file namin.

In less than an hour, because of light traffic, nakarating na rin kami sa bahay nina Sunghoon. Nadatnan na naming siyang nasa harap ng front gate nila at nakasandal sa isang kotse. Hindi ito yung ginagamit ni Mang Kanor pag hinahatid siya. Mang Kanor drives a van. Probably this is the car he was talking about na binili sa kanya ng Dad niya when he entered college.

He looked at bit confused when he saw Jay. I greeted him and he smiled at me.

"Something came up." Pagbungad niya sa amin. He looks apologetic.

𝗛𝗘𝗔𝗥𝗧 𝗢𝗨𝗧 [𝙴𝙽𝙷𝙰𝚂𝙴𝚁𝚈𝙴 #1] 𝙹𝙰𝚈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon