Christine's
"Ni-ki, tara na." Pagtawag ko sa kanya mula sa sala. Kakatapos ko lang magsapatos. Binilin ni Mama na huwag rin daw kami magpagabi kaya maaga namin napagdesisyunan umalis.
Hindi siya sumagot kaya pinuntahan ko siya sa taas.
"Ni-ki buma-" Tumayo siya at lumabas ng kwarto niya nang makita ako.
He was staring at the fishing rod na nakalapag sa lamesa niya. I felt a stinging pain within me. He's hurting, it shows.
Sinundan ko na lang rin siya pababa. Sinipat ko ang phone ko at nakita ang chat ni Jongseong na nasa labas na raw siya ng bahay.
Si Mama dapat ang maghahatid sa amin papuntang Enchanted Kingdom pero umalis siya kahapon at mamayang gabi pa ang uwi. Nag-iwan siya ng regalong bagong phone kay Ni-ki at binigyan niya rin kami ng malaking allowance para sa pamamasyal namin. Tita Janine offered us na ihatid sumabay na kami kay Jongseong since he said na gusto niya rin daw sumama because it's Ni-ki's birthday.
Ang problema ko lang. Sunghoon offered the same and I accepted it before learning that Tita Janine told Mama that Jay's coming with us. I tried to contact Sunghoon kanina pang umaga pero hindi siya sumasagot sa tawag ko at hindi rin siya nagrereply sa mga text ko. Ayoko na rin siyang maabala sana ngayong araw dahil baka may iba rin siyang kailangang gawin.
Lumabas na kami ni Ni-ki at dire-diretso rin siyang pumasok sa loob ng kotse ni Jay.
"Kuya Heeseung already fetch Bea and Sunoo. Kita-kita na lang raw sa EK." Pagbungad niya. Tumango lang ako habang sinasara yung gate.
"The car's kinda familiar and I don't have a good feeling." Sambit niya ulit at nilingon ang direksiyon kung saan siya nakatingin. Sunghoon is here.
"Ang alam ni Tita Camille, ako ang maghahatid sa inyo." Seryosong saad niya.
Bumaba si Sunghoon mula sa sasakyan at halata ring nagulat siya nang makita si Jay at ang kotse nito.
"Hindi mo sinasagot yung tawag ko." Bigla namang kinuha ni Sunghoon yung phone niya at tinignan ito. Ngayon niya lang rin siguro narealized na marami akong missed call.
"Sorry, nakasilent pala." Humawak siya sa batok niya.
"Tara na? Nasaan si Ni-ki?" Tanong ni Sunghoon.
Tinaasan ako ng kilay ni Jay nang magtama yung paningin namin. Hindi ko pwedeng pauwiin si Sunghoon or hayaan siya na mag-isang pumunta sa EK. Nag-abala pa siyang pumunta dito eh.
"Christine wala ka bang balak sumak-"
"Kay Jay na sasabay si Ni-ki. Bilisan na natin baka maipit tayo sa traffic." Sagot ko.
Naramdaman kong agad na agad na pumasok si Jay sa kotse niya at medyo malakas pang isinara yung pinto nito.
Kumatok ako para buksan niya ang bintana at ginawa niya rin naman yun agad. Tumingin sa siya sa akin nang naiirita. Anong problema nito?
"Ano?" Iritable niyang tanong. Hindi ko na lang siya pinansin dahil ayokong mainis nang kay aga-aga.
"Ni-ki, okay ka na ba diyan? Kay Sungh-"
"Malamang okay siya, bakit hindi?" Pagsabat ni Jay. Tinignan ko siya nang masama pero umirap lang siya.
"Kita na lang tayo sa bukana ng EK. Ingat ka." Bilin ko kay Ni-ki. Tumango lang siya at sinalpak yung airpods sa tenga niya.
"Ano? Isasara ko na yung bintana. Dun ka na." Gago bakit ba ang sungit nito?
"Eto na, bwiset." Sagot ko na lang. Umaandar na rin yung kotse ni Jay pagkasara niya ng bintana.
BINABASA MO ANG
𝗛𝗘𝗔𝗥𝗧 𝗢𝗨𝗧 [𝙴𝙽𝙷𝙰𝚂𝙴𝚁𝚈𝙴 #1] 𝙹𝙰𝚈
Fanfiction"Why don't you figure my heart out?" Jay knew her ever since they were kids. In those ten years, they were clueless of what they feel. He knew it's beyond friendship but they're no lovers. --- ENHASERYE #1 (Narration)