Jay's
Nilalaro-laro ko yung cereal na kinakain ko. Kanina pa ako paulit-ulit sinisigawan ni Mom na malelate na raw ako pero di ko na lang siya pinapansin. Late rin naman pumapasok yung professor naming kaya kwits lang.
Kinuha ko yung cellphone ko na nakapatong sa tabi ng mangkok at binuksan ang messenger at tama nga ang hula ko. May chat mula kay Jake at nagtatanong siya kung papasok ako. Lunes na lunes, gusto pa nito mandamay sa katamaran niya. Hindi ako pwede magpadala sa tukmol na ito dahil kapag nangyari yun ay masisira ang plano ko. Nag-scroll muna ako sa facebook at agad kong pinindot yung account nung babaeng masungit. I smirked upon seeing her facebook story.
"Goodmorning guys. Kanino po pwede manghiram ng laptop ngayon huhu. Need lang po talaga. Reply na lang po hehe"
May laptop naman siya bakit pa siya nanghihiram?
"Kawawa ka naman" Nagreply ako sa myday niya at ilang segundo pa lamang ay nabasa na niya ito pero hindi siya sumagot. Aba siya na nga papahiramin hindi pa marunong makisama.
"Dahil mabait ako, papahiramin kita" Sabi ko ulit at inabangan ang magiging sagot niya nang makita ko na nagtatype siya. Akala ko isi-seen na naman eh.
"Huwag na, baka magkautang na loob pa ako sayo. Atsaka nasa school na ako, paano ko naman makukuha yan aber?" Tignan mo tong babaeng to. Nagmamagandang loob na nga.
"Paglalakarin ko mag-isa jan sige. Malamang ihahatid ko." Akala ko ba matalino to bakit ang slow niya?
"Bahala ka nga diyan." Sagot niya na lang at hindi na nagchat pa. Okay sabi mo eh, bahala ako.
"Manang, pakikuha po nung Macbook ko sa kwarto. Salamat" Sumagot naman si Manang pabalik na kukunin na niya raw. Tumayo na rin ako at inilagay sa lababo yung mangkok na may konti pang laman.
Inabot sa akin ni Manang yung Macbook ko at nadatnan ko si Mom na nagkakape sa sala habang nagbabasa ng magazine. Nagpaalam muna ako bago tuluyang umalis.
Mas malayo yung school nina Christine kesa sa school namin. Nadaanan ko yung school namin pero lumampas ako, malamang ihahatid ko kasi muna ito.
Nang makarating ay itinigil ko sa harapan ng gate yung kotse at lumabas dala yung Macbook. Hinarang agad ako nung guard at sinabi na bawal ang outsider.
Iniwan ko na lang sa guard yung Macbook at sinabi ko yung pangalan nung kukuha. Pumasok na agad ako sa kotse at bago ito paandarin ay chinat ko muna yung babaeng masungit.
"Iniwan ko na kay Manong guard yung Macbook ko. Ang password ay Jongseongpinakapogisalahat." Natatawang sinend ko sa kanya at agad naman siyang nagreply.
"Ano ba yan, papahirapan mo pa ako magbukas niyang laptop mo." Aba tignan mo talaga tong babaeng to. Eh kung bawiin ko kaya sa kanya yun. Dumayo pa ako dito para ihatid yun tapos ganyan siya.
Pinaandar ko na yung kotse at nagdrive pabalik sa school namin. Tumatawag si Jake pero hindi ko sinasagot. Baka nasa school na rin tong loko na to.
-
"Grabe Jj, hindi porket may hiniram sayo yung babae, hahayaan mo na lang na ikaw pa ang puntahan para magbalik. Kaya di ka nagkaka-girlfriend kasi hindi uso sayo maging gentleman" Umiiling na sabi ni Jake habang hinihila yung isang upuan at umupo nang nakataas yung isang paa. What is he up to?
"Sino ba may sabi na hindi ko susunduin mamaya yung Macbook ko?" Sagot ko lang sa kanya. Hinagis ko rin yung bote ng naubos na mogu mogu na binili ko kanina sa cafeteria. Bigla naman nangningning yung mga mata ni Jake sa sinabi ko. Magsasalita pa lang siya pero pinutol ko na yung sasabihin niya.
BINABASA MO ANG
𝗛𝗘𝗔𝗥𝗧 𝗢𝗨𝗧 [𝙴𝙽𝙷𝙰𝚂𝙴𝚁𝚈𝙴 #1] 𝙹𝙰𝚈
Fanfiction"Why don't you figure my heart out?" Jay knew her ever since they were kids. In those ten years, they were clueless of what they feel. He knew it's beyond friendship but they're no lovers. --- ENHASERYE #1 (Narration)