Christine's
"Ang mga late dapat sa gulong na lang." Sambit ni Jongseong na nakasandal sa puting van nila na nakaparada sa harap ng grand fountain ng kanilang mansion.
"Kuya Jay bakit parang badtrip na badtrip ka?" Tanong naman ni Jungwon na halata sa tono niyang nang-aasar. Hindi ko alam kung ano ba lagi iniisip ng batang to. Parang laging may kalokohan na binabalak na di mo maintindihan.
Tinitigan ko nang masama yung lalaking nagngangalang Park Jongseong bago kami naglakad ni Sunghoon papalapit sa puwesto ni Ate Bea na tinitignan rin kami nang masama. Ano ba mga problema ng mga tao dito?
"Ang galing naman Christine. Paulit-ulit ka pa kahapon na bawal malate pero anong oras kayo dumating ni Sunghoon? Ang usapan bago mag-seven. Mage-eight na oh. Ang ending, sa airport na tayo makakapag-almusal." Sermon ni Ate Bea.
"Bakit ba kayo nalate? Kung si Sunghoon lang mag-isa magegets ko pa dahil di niya alam dito kina Jay pero kasama ka naman niya." Tanong ni Kuya Hee habang tinutulungan niya si Mang Gustin na ilagay yung mga maleta namin sa likurang bahagi nung van. Three days and 2 nights kami magi-stay sa Batanes kaya medyo nahirapan rin ako mag-impake.
"Ano kasi. Maaga naman dumating si Sunghoon sa bahay kaso hindi ko ata narinig yung alarm ko. Kung hindi pa ako ginising ni Mama nung dumating si Sunghoon, hindi ako magigising." Pagpapaliwanag ko naman. Narinig ko si Jay na may sinabi pero hindi ko iyon narinig masyado at sigurado akong hindi iyon maganda.
"Osya, sumakay na kayo. Didiretso na tayo sa airport at hindi na makakakain ng almusal sa labas tulad ng napag-usapan. May mga pagkain naman na pinadala si Mom kaya kumuha na lang kayo sa storage box sa likod kapag nagutom kayo" Saad ni Kuya Heeseung at umupo sa passenger seat sa tabi ni Mang Gustin.
Umupo naman si Ate Bea sa second row sa likod ni Kuya Heeseung. Nag-uusap sila pero medyo mahina yung boses nila. Kililigin na sana ako kaso pinag-uusapan pala nila kung paano mangyayari pagdating namin sa airport.
Medyo nag-aalangan naman pumasok si Sunghoon kaya marahan ko siyang tinulak.
"Ano? Sakay na. Wag ka na mahiya. Ito naman." Pumasok na rin naman siya at sumunod na ako. Bale sa may bintana si Sunghoon, nasa gitna naman ako at may space pa sa tabi ni Ate Bea sa 2nd row at sa tabi ko.
"Ate Bea hello. Tabi tayo ah." Hinagis naman ni Jungwon yung bag niya sa bakanteng puwesto sa second row. Papasakay na sana si Jay roon pero inunahan niya ito. Pagkaupo niya ay tumingin naman siya kay Jay habang nakangiti nang nakakaloko.
"Sa gulong mo ba gusto pumwesto Kuya Jay? Pasok na hehe." Tanong ni Jungwon. Parang gusto naman siyang tirisin nang pino ni Jay at kung nakakamatay lang ang tingin ay malamang bumulagta na to si Jungwon.
"Tsk." Pumasok na si Jay sa loob at umupo sa natitirang bakanteng puwesto sa tabi ko. Kung makapagreklamo siya, akala niya naman gusto ko siya katabi. Kung hindi niyo lang to van, sinipa kita papunta sa gulong.
"Okay na ba kayo jan?" Lingon sa amin ni Kuya Heeseung.
"Oks na oks na Kuya Heeseung." Bulalas ni Jungwon. Nag-thumbs up naman ako kay Kuya Heeseung.
"Tara na po Mang Gustin." At umaandar na yung van papalabas sa mansion ng mga Park.
Medyo nabobored na ako kaya hinanap ko sa bag ko yung airpods ko. Medyo kinakabahan na ako nang hindi ko ito mahagilap. Wag mong sabihin na naiwan ko yon sa bahay.
"Nasaan na ba kasi yon." Halos mabaligtad ko na yung laman ng bag ko pero di ko parin makita.
"Ang likot mo naman. Kiti-kiti ka ba?" Bulyaw sa akin ni Jay. Nagulat naman ako kasi akala ko nakatulog siya kanina dahil ngayon lang siya ulit nagsalita.
BINABASA MO ANG
𝗛𝗘𝗔𝗥𝗧 𝗢𝗨𝗧 [𝙴𝙽𝙷𝙰𝚂𝙴𝚁𝚈𝙴 #1] 𝙹𝙰𝚈
Fanfiction"Why don't you figure my heart out?" Jay knew her ever since they were kids. In those ten years, they were clueless of what they feel. He knew it's beyond friendship but they're no lovers. --- ENHASERYE #1 (Narration)