09.

84 24 22
                                    

Christine's

Nagpalaam na ako kay Mama na kasalukuyang nagluluto ng pancakes sa kusina. Nakaupo rin si Ni-ki sa dining table at tulala pa ito. Lagi siyang ganyan kapag kakagising pa lang sa umaga. Hindi niya ako pinansin nang tanungin ko kung ano ang gusto niya ipabili sa mall.

Kinuha ko yung maliit na sling bag ko na nakasabit malapit sa hagdan. Mabilis na sinipat ko rin kung maayos ba ang buhok ko. Dinampot ko yung kulay itim na pantali sa buhok at nilagay sa bag ko. Alam kong mamaya ay kakailanganin ko ito dahil paniguradong magugulo rin ang buhok ko mamaya. Naramdaman ko naman na nagvibrate yung phone ko kaya kinuha ko ito mula sa bag.

"I'm here outside your house"

Text ni Sunghoon. Hindi ko rin minsan magets to kung bakit mas sanay siya mag-text kesa mag-chat sa messenger. Hindi rin siya gaanong nagf-facebook. Nagpopost lang siya ng mga announcement sa group page ng department namin, bukod dun ay napakailap niya talaga sa facebook.

"Ma, alis na po ako ha." Paalam ko ulit bago lumabas sa pinto. Nakasarado pa yung gate namin pero naaninag ko na mula sa pinto ang sasakyan ni Sunghoon na nasa labas. Sabi ko ay sa mall na lang kami magkita pero namilit siya na sabay na raw kami pumunta roon at susunduin niya ako dito sa bahay. Siya rin naman raw yung humingi ng pabor kaya dapat lang iyon. Wala naman kaso sa akin na samahan siya ngayon dahil gusto ko rin naman sulitin itong holiday at lumabas rin.

"Tara na?" Sambit ko nang buksan yung gate. Parang nag-alangan naman siya.

"Magpa-alam kaya muna ako sa Mama mo bago tayo umalis?" Tanong niya. Nagpaalam na naman ako at sinabi ko rin na kasama ko siya. Pumayag rin naman si Mama dahil malapit lang naman at kilala niya naman si Sunghoon dahil mga dalawa o tatlong beses na rin kami gumawa ng group research at projects sa bahay. Sinabi ko naman sa kanya na hindi na kailangan pero nagpumilit siya kaya pumasok ulit kami saglit sa loob para magpaalam.

"I'm sorry if naabala pa kita ngayong araw. I just really need your help. I'm not knowledgeable enough of what are the preferences of girls so I need your opinion." Sambit niya habang nagd-drive.

"Mukhang mali ka ata nang nahingan ng tulong. Si Ate Bea ang magaling dito eh." Sagot ko. Tumawa naman siya ng mahina.

"I trust you more than my instincts so." Kumibit balikat siya. Sana nga, Sunghoon hindi ka magsisi.

Inantay ko siya sa entrance habang nagpapark siya ng kotse. Marami-rami rin ang tao ngayon dito sa mall dahil nga holiday.

"Let's go?" Ang bilis naman nito magpark. Pumasok na kami pero naghiwalay rin kami dahil bukod yung inspection ng babae sa lalaki. Wala naman siyang dalang bag kaya mas nauna siya sakin makapasok.  Nahirapan pa ako isara yung bag ko ulit. Struggle is real.

"Kain muna tayo?" Tanong niya naman nang makasunod na ako sa kanya.

"Ganun ba ako katakaw sa paningin mo? Kakarating lang natin oh" Pabirong sagot ko. Pero medyo gutom na nga rin talaga ako dahil hindi ako nakapag-almusal sa bahay. Mukhang masarap pa naman yung pancakes na niluto ni Mama.

"No." agad naman niyang sagot. Natawa na lang ako kasi nagpanic yung mukha niya. Joke lang naman yun eh. "It's almost brunch na rin kasi." Dagdag pa niya habang kumakamot sa ulo.

"Pwede naman para may energy tayo mamaya." Sagot ko.

Hindi ko rin lubos maiisp bakit sa dinami-rami nang pwedeng mahingan ni Sunghoon ng tulong sa pagpili ng ireregalo sa Ate niya, ay ako pa ang  napili niya. Medyo napressure tuloy ako.

"I heard meron ditong branch nung favorite jewelry shop ni Ate. I've decided na bigyan siya ng necklace, what do you think?" Kasalukuyan kaming kumakain sa may Jollibee. Medyo maaga pa naman para sa lunch kaya umorder na lang muna kami ng burger. Hindi niya na rin ako pinagbayad dahil sinamahan ko naman raw siya.

𝗛𝗘𝗔𝗥𝗧 𝗢𝗨𝗧 [𝙴𝙽𝙷𝙰𝚂𝙴𝚁𝚈𝙴 #1] 𝙹𝙰𝚈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon