05.

147 23 21
                                        

Christine's

"Sa wakas natapos rin." Saad ko matapos ibaba yung isang box na puno ng mga materials para sa horror house na ise-set up namin. Foundation day ngayon sa Pasig U at buong araw walang klase. Okay naman sana kasi pahinga sa acads kaso nakakastress naman maghanda ng mga booths. Horror house pa napagbotohan ng department namin. Sabi ko nga ay song dedication booth na lang sana para less hassle sa materials tapos preparation, kaso nag-insist sila na maghorror house.

"Anong tapos na. Magse-set up pa tayo." Sambit ni Ate Bea at nilabas isa-isa ang laman ng box na dinala ko. Lumingon-lingon ako sa paligid dahil napansin kong wala pa si Sunghoon. Ang gara naman non, late na naman. Ang dami na naming nagawa oh.

"Punta lang ako sa canteen" Paalam ko kay Ate Bea pero agad naman niya akong pinigilan at hinatak paupo sa isang upuan sa harap nung lamesa na may salamin. Seryoso ba talaga sila dito?

"Baka nakakalimutan mo na trabaho mo ngayon ang manakot? At tsaka jusme naman, kakagaling mo lang sa canteen kanina" Sinenyasan naman ni Ate Bea yung isa naming kaklase na si Kristel. Nagets naman agad ni Kristel ito sabay kuha nung mga make up sa bag niya.

"Bakit kasi ako pa yung white lady?" Asik ko. Sila may trip ng horrror house tapos ako yung magdudusa?

"Ikaw lang kasi may mahabang buhok na black na black. Mas convincing ka maging white lady." Natatawang sagot ni Ate Bea na ngayon ay naglalagay na ng mga props sa kisame. Si Kristel naman ay sinimulan na ako lagyan ng foundation.

Pumikit ako saglit para di ako mapuwing. Pagdilat ko ay saktong dating ni Sunghoon na pawis na pawis pa. Saan ba to galing?

Inabot niya kay Ate Bea yung paper bag niyang hawak. Tinignan naman siya nito nang nagtataka.

"Hindi na kasi makita ni manang yung white dress ni Ate kaya dumaan na lang muna ako sa botique sa Estanci" Sagot niya. Sabi ko naman kasi ako na bahala maghanap ng white lady costume, yan tuloy nagastusan pa siya. I tried asking Mama rin if mat white dress sa boutique pero wala.

Tumingin naman siya sakin at nakita ko pa siyang nagpipigil ng tawa. Tinignan ko na lang siya nang masama. Aba loko to ah.

"Ang cute mo mukha kang espasol." Natatawang sambit niya habang naglalakad papunta sa pwesto ko. Naramdaman ko rin ang bahagyang pagtawa ni Kristel. Bakit ba ako ang trip ng mga tao ngayon asarin?

Mga ilang minuto pa nang paglalagay sakin ni Kristel ng make up at kasabay ang pang-aasar ni Sunghoon, ay nakaalis na rin ako sa kinauupuan ko sa wakas. Ano bang nakain nito today bakit parang ang lakas ng trip?

Gusto ko sana bumili sa canteen dahil nagugutom talaga ako kaso yung itsura ko naman baka magtakbuhan lahat ng tao sa maagang pa-halloween. Mukha akong espasol na panda na hindi mo malaman.

Kinuha ko yung paper bag na may lamang white dress. Tama lang yung haba para sa akin. Long sleeves siya na lace yung sa may braso tapos below the knee yung haba niya na medyo bouncy yung bagsak ng tela. Ang ganda. Parang ayoko tuloy isuot kasi ang mangyayari ay white lady costume lang ang kahihinatnan nito.

"Sabi ko naman kasi sayo, ako na maghahanap ng costume ko." Saad ko kay Sunghoon.

"Baka kasi gawin mo lang excuse na wala kang mahanap para makatakas sa pagiging white lady." Sagot niya. Bakit niya alam na naisip ko yun kahapon? Tumawa na lang ako at umiling.

"Ibabalik ko ba to sayo or babayaran ko na lang?" Tanong ko ulit bago pumasok sa CR na malapit sa pwesto namin. Tumayo naman siya sa pagkakaupo at ginulo yung buhok ko. Kakasuklay lang ni Kristel ng buhok ko eh.

"None if the above. Hindii mo na kailangan ibalik kasi di ko naman masusuot yan at mas lalong di mo na kailangan bayaran kasi ako naman nagdesisyon bumili niyan." Sambit niya. Marahan naman rin niya akong tinulak papunta sa fitting room na ginawa lang namin gamit ang mga black na kurtina. Medyo hassle kasi kung sa room pa kami magpabalik balik para magbihis.

𝗛𝗘𝗔𝗥𝗧 𝗢𝗨𝗧 [𝙴𝙽𝙷𝙰𝚂𝙴𝚁𝚈𝙴 #1] 𝙹𝙰𝚈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon