Christine's
"Hindi po ba talaga kayo makakasama?" Tanong ko kay Mama. Inaayos niya yung neck tie ni Ni-ki. Naglagay na rin ako ng kaunting lip tint at sa huling pagkakataon ay sinipat sa salamin kung ayos ba ang pagkakaipit ko sa buhok ko.
"Importante kasi talaga yun anak. Pakiabot na lang kay Janine yung regalo ko. Ayan kamo yung tsaa na napag-usapan namin nung isang araw" Sagot niya at marahang pinagpagan yung puting coat na suot ni Ni-ki. Iniabot niya rin dito yung maliit na pulang paper bag. Masyadong demanding talaga yung boutique.
"Ihahatid ko kayo sa tapat ng mansion ng mga Park. Hindi na ako makakapasok para makabati. Nakausap ko na rin naman si Janine kanina" Saad pa niya habang kinukuha mula sa shoulder bag niya yung susi ng kotse. Kinuha ko kay Ni-ki yung paper bag dahil baka maiwanan pa niya sa sobrang kalutangan. Hindi ko alam kung masama ba gising nito o ano. Kanina pa wala sa mood.
Lumabas kami at hinintay si Mama sa garahe dahil nilock niya pa yung pinto ng bahay. Binuksan ko yung gate para makalabas na rin nang mabilis yung kotse dahil medyo mag-aalas siyete na rin. Nakakahiya naman kung agaw-eksena kami dahil late.
"May ibabagal ka pa b-ay hello po Tita Camille." Bungad sakin ni Jongseong habang nakasandal sa gilid ng kotse niya.
"Oh Jj, anong sadya mo dito?" Nagtatakang tanong ni Mama mula sa bintana habang ililalabas sa gate yung kotse.
"Nasabi po kasi ni Mom na hindi kayo makakapunta. Pinapasundo niya lang po sina Ni-ki sakin incase na hindi niyo po sila maihatid." Sagot niya ng nakangiti. Wow ha. Ang bait kausap kapag kay Mama.
"Ganun ba? Oh siya sige, medyo malelate na rin kasi ako sa pupuntahan ko. Christine, sumabay na kayo sa kanya. Salamat Jj." Sagot ulit ni Mama. Matatawa pa sana ako kasi medyo nahiya siya nung tinawag siya ni Mama na Jj.
"Pero Ma, sabi mo-" Pagtutol ko. Si Ni-ki naman mukhang naiinip na kaya mas lalong napasimangot.
"Sayang naman yung punta ni Jj kung hindi kayo sasabay" Ngumiti pa siya at tinignan si Jay na ngumiti rin naman pabalik.
"Ayaw mo lang talaga kami ihatid." Bulong ko.
"Christine!" Medyo mahinang bulyaw niya at tinignan ako na parang gutso niyang bumali ng isang dosenang hanger.
"Opo eto na." Sagot ko at bigla naman nagbago ang ekspresyon niya. Bumaling ulit siya kay Jongseong nang nakangiti tsaka tumango.
"Sige po Tita. Una na po kami, ingat po kayo." Sambit niya bago buksan yung back seat para makapasok kami at sumakay na rin siya sa driver's seat. Kumaway ulit siya kay Mama mula sa bintana bago pinaandar na nang tuluyan yung kotse.
Nandun na rin kaya sina Ate Bea? Sana naman hindi niya ako indianin. Medyo nakakahiya rin kasi kapag wala kaming kasama. Tiyak maraming bisita doon. Hospitable naman si Tita Janine pero nakakahiya parin dahil wala naman kaming ibang kilala.
"Kanina pa nandun sina Bea at Sunoo. Akala nga nila hindi kayo pupunta." Pagbasag ni Jay sa katahimikan. Nakaliko na rin siya sa subdivision nila. Malapit lang naman talaga kung tutuusin yung mansion nila mula sa bahay namin. Pwede ngang lakarin kung medyo masipag ka.
"Ah okay." Sagot ko na lang. Ayoko rin masyado kauspin siya dahil medyo madilim na sa daan. Tutok na tutok rin siya sa pagmamaneho. Hindi na rin naman siya kumibo.
Nang makapasok kami sa gate ay nakita agad namin ang mga kotse na di mabilang na nakagarahe sa malaking open lot. Umikot pa kami sa isang fountain na may kataasan. Parang bumalik sa alaala ko yung mga panahong lagi kami napapagalitan ni Tita Janine dahil bumabalik kaming apat sa mansion na mistulang basang sisiw pagkatapos maglaro sa fountain. Kakalma lang si Tita kapag nag-explain na si Kuya Heeseung. Tapos tahimik lang kami tatlo nina Ate Bea at Jay sa likod niya habang nagpipigil ng tawa. Marami talagang nabubudol si Kuya Heeseung sa mabulaklak niyang dila.
Kamusta na kaya siya? Miss na miss na namin siya.
BINABASA MO ANG
𝗛𝗘𝗔𝗥𝗧 𝗢𝗨𝗧 [𝙴𝙽𝙷𝙰𝚂𝙴𝚁𝚈𝙴 #1] 𝙹𝙰𝚈
Hayran Kurgu"Why don't you figure my heart out?" Jay knew her ever since they were kids. In those ten years, they were clueless of what they feel. He knew it's beyond friendship but they're no lovers. --- ENHASERYE #1 (Narration)