Christine's
Muli kong dinial ang number ni Sunghoon pero hindi parin siya sumasagot. Hindi naman siya nagsabi kahapon na hindi siya papasok.
"Hinahanap rin siya ni Ciara kanina." Saad ni Ate Bea habang inaayos ang nga balloons at banner para sa Interdepartmental Sports Fest.
One month na rin mula nung unang araw ng pasukan. Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang.
"In ten minutes, magi-start na po ang Game 3. Engineering and Accountancy players, stand by na raw po." Saglit na sumilip ang isang officer ng SSG at halos mataranta rin ang lahat dahil sa announcement. Tinulungan ko na rin si Ate Bea sa ginagawa niya at yung mga players naman namin ay nagready na at lumabas sa room.
"Dun ka na sa base. Mahirap na malagasan ng flags." Sambit ni Ate Bea.
Sheez! Oo nga pala.
Nagmadali akong lumabas sa room at mabilis na pumunta sa oval kung saan nakatayo ang mga base ng bawat org.
Iba naman ang pakulo ng PU para sa foundation day. Team building at Sports Fest.
"Goodluck Christine, protect our flags." Nasalubong ko si Ashley na kasalukuyang papunta sa covered court. Any daya, gusto ko rin manood ng game. Bakit ba kasi ako na-assigned sa flags eh.
"Ingatan mo yung flag niyo, Christine." Pabirong sigaw ni Bryan mula sa base nila. Akala ko ay kasali to sa game.
"Bagay sayo yung red flag!" Pang-aasar ko sa kanya. Tumawa lang naman siya at iwinagayway ang dalawang flag na hawak niya.
So, the rules work this way. Kung anong course ang nasa ongoing game, sila ang nasa Open Hour. Ang Open Hour ay yung time na kung saan pwedeng manguha ng flag ang mga orgs. Mamayang 5pm ay ang All Out Hour kung saan may isang oras na pwedeng mag-agawan ng flags ang lahat ng orgs at yun na rin yung last.
"Kanina pa kita hinihintay." Sambit ni Mae nang makarating ako sa base. Nag-sorry na lang ako at tumabi sa kanya sa upuan na nasa bandang bukana ng tent. Mahirap na masalisihan.
Kada department ay may dalawang assigned lang dapat na taga-bantay ng tent at flags. Kapag tapos na ang game, tapos na rin ang Open Hour.
"Napipikon na ako kay Bryan, parang gusto ko ubusin ang flags ng Engineering." Naiiritang sambit ni Mae. Tinignan ko naman si Bryan na nakakalokong nakangiti habang mapang-asar isina-sayaw-sayaw ang hawag niya. Natatawang tinitignan lang rin siya ni Margaux sa gilid. Napatingin pa siya sa direksiyon ko kaya agad akong tumingin sa ibang gawi.
It's been a month since Jay and me last talked. After that day, hindi na rin kami nag-usap. Hindi rin kami masyado nagkikita sa campus, minsan ay parang iniiwasan na rin namin ang isa't isa.
"Alam mo ba kung saan nakasingit yung mga flags nila?" Tanong ni Mae at seryosong nakatingin sa base ng Engineering.
Huwag mo sabihing susugod siya? Ang usapan namin babantayan lang namin yung flags, hindi kami susugod.
"Hindi. Paano ko naman malalaman?" Tanong ko. Tinignan niya ako nang nakakaloko bago nagsalita muli.
"Weh? Imposibleng hindi sabihin sayo ng jowa mo." Sagot niya. Pinanlakihan ko siya ng mata.
"Huh?"
"Diba boyfriend mo yung transferee sa 2-1?" Pabirong siniko niya pa ang tagiliran ko.
"H-hindi." Tumingin ako sa gilid. "Hindi na."
"Sayang naman, sure win na sana tayo oh." Tumawa na lang ako nang pilit at iniba ang topic.
Nagkuwentuhan lang kami para hindi maiinip. Hindi rin naman umaalis ng base nila yung dalawa.

BINABASA MO ANG
𝗛𝗘𝗔𝗥𝗧 𝗢𝗨𝗧 [𝙴𝙽𝙷𝙰𝚂𝙴𝚁𝚈𝙴 #1] 𝙹𝙰𝚈
Fanfiction"Why don't you figure my heart out?" Jay knew her ever since they were kids. In those ten years, they were clueless of what they feel. He knew it's beyond friendship but they're no lovers. --- ENHASERYE #1 (Narration)