Christine's
"You really don't have to go with me today." Sambit niya pagkalabas ko ng gate. Then why is he even here though?
"Bakit? Sa tingin mo mamalasin ka na naman pag kasama mo ako gaya ng lagi mong sinasabi?" Singhal ko. Jay, ang aga-aga pinapainit mo ulo ko.
"We all know I wasn't serious about that. That's a joke." Sagot niya. Sumakay na rin kami sa loob ng kotse niya.
Hindi ko alam bakit ba ako yung kinakabahan. Hindi naman ako yung magsasagot ng exam.
"Malala ka pa kay Mom sa pagiging stage mother." Natatawang sambit niya.
"So sinasabi mo ba na mukha akong nanay? Ha? Park Jongseong?" Kapag eto lang talaga hindi nakapasok sa PU, itatakwil ko to. Puro pang-aasar eh.
"Yes, you do." Sagot niya. Aba ang walanghiya.
"Nanay ng mga anak ko." Dugtong niya.
Gago?
"A-ano. Umayos ka nga. Puro ka kalokohan." Sagot ko at iginawi na lang ang tingin sa bintana. Narinig ko pa na mahina siyang tumawa.
Lakas ng trip. Parang hindi man lang siya kinakabahan sa entrance exam.
Nang makarating kami sa Pasig U ay halos puno na rin yung open lot. Pagpasok rin namin ay medyo marami na ang tao.
"Yung exam slip mo? Yung lapis? Wala ka bang naiwan?" Nakatingin lang siya sa akin at nakangiting aso.
"You sound like a worried girlfriend." Saad niya.
"Alam mo Jay Park, kanina ka pa eh. Puro ka kalokohan. Umayos ka nga." Sermon ko at hinila siya papunta sa main building.
"Hep hep. Examinees lang ang pwede pumasok." Pagpigil ni Ate Bea sa amin nang makarating kami sa bukana nito. "Makakalusot po sana kapag girlfriend pero kung wala namang label, hintay na lang po diyan sa labas." Dagdag pa niya.
Tinignan ko siya nang masama pero tinaasan niya lang ako ng kilay. Tinulak ko na lang si Jay papasok sa building. Nagulat pa siya sa ginawa ko.
"Bakit ka ba nanunulak?" Iritbaleng tanong niya.
"Ang bagal mo kasi, malelate ka na." Sagot ko at inirapan siya.
"Lq agad yan, hindi pa naman sila." Komento ni Ate Bea habang nagpipigil ng tawa. Tumingin ako sa kanya ng naiinis. "Sabi ko nga shut up na lang ako." Sambit niya.
"Wait for me on that bench." Bilin ni Jay sabay turo sa bench ng mini park na nasa harap lang rin ng main building.
"Ayoko, sa canteen ako tatambay." Sagot ko.
"Sabi ko nga." Sambit niya. Tumango ako at naglakad na siya papasok sa room na naka-assign sa exam slip niya.
"Yun na yun? Walang good luck ki-"
"ATE BEA!"
"Joke lang. HAHAHAHAHA. Sige na, nakaharang ka diyan sa daan." Tumatawang sambit niya.
Lalong dumami na ang tao kaya napagdesisyunan kong pumunta sa canteen. Dahil halos lahat naman ng tao ay nasa mga rooms na, kakaunti lang ang tao doon.
"I'm nervous." Bakit nakakapagtext pa to? Hindi pa ba sila nagsisimula?
"Don't be. You can do it. I believe in you." I replied. I also told him na huwag na mag-text para hindi na siya madistract.
"That's an early junk food." Umupo si Sunghoon sa harap ko.
"As if hindi ka na sanay sa akin." Sagot ko.
BINABASA MO ANG
𝗛𝗘𝗔𝗥𝗧 𝗢𝗨𝗧 [𝙴𝙽𝙷𝙰𝚂𝙴𝚁𝚈𝙴 #1] 𝙹𝙰𝚈
Fanfiction"Why don't you figure my heart out?" Jay knew her ever since they were kids. In those ten years, they were clueless of what they feel. He knew it's beyond friendship but they're no lovers. --- ENHASERYE #1 (Narration)