Jay's
"Sabihin mo, thank you Margaux." Inilapag niya sa harap ko yung activity na ginawa namin. Napangisi na lang ako nang makita ang perfect na score.
"Ang sakit ng braso ko. Ang hirap magbuhat hays." Ani ko at umaktong parang nag-uunat.
"Hoy ang kapal mo naman. Sinasabi mo bang pabuhat ako?" Singhal niya.
"Ikaw may sabi niyan, hindi ako." Sagot ko at inayos na yung bag ko. After kasi ma-checkan nung last activity namin ay pwede na raw kami lumabas ng room.
Tumayo na ako at naglakad palabas. Naramdaman ko namang sumunod na rin si Margaux. I glanced at my wristwatch and it's thirty minutes before the dismissal. I also received a message from Christine. Sa mini park na lang raw kami magkita. As much as I wanted to fetch her on her classroom, ayoko na rin makipagtalo.
"Hoy hintayin mo ako Park." Rinig kong pagtawag ni Margaux habang pababa ako ng hagdan. Naabutan niya ako at muling nagsalita. "Excited umuwi?"
"I'll wait for Christine." Sagot ko.
"Oo nga pala. Boyfriend duties. Nux naman." Pang-aasar niya at marahan akong siniko. Umiiling-iling na lang ako at tumawa bilang sagot.
Wala naman masyadong tao sa mini park kaya umupo muna ako sa isang bench.
"Hindi ka pa uuwi?" Tanong ko kay Margaux nang mapansin na hindi pala siya lumiko papunta sa gate kanina.
"Nope. Wala pa yung sundo ko." Sagot niya lang at umupo sa tabi ko. "Why? Ayaw mo ba akong nandito?" Tanong niya nang seryoso. I looked at her confused.
"Joke lang HAHAHAHAHA. Ito naman ang seryoso. Tagal kasi ni Kuya. Kanina ko pa sinabi na malapit na mag-dismissal." Muling sambit niya at tumawa. Tumawa na lang rin ako.
"Matagal na kayo ni Christine?" Tanong niya.
"It's hard to answer that. We became official last April but-"
"But what?" Tanong niya ulit and she looked at me with a smile in her face.
"But we've known each other for ten years." Dugtong ko.
"Woah. That's pretty epic. Childhood sweethearts." Komento niya.
Not really. I was coward.
"How I wish." Mahinang sambit ko.
"You look good together." Saad niya.
"Heard that countless times." I gave her a smug look. Tinaasan niya naman ako ng kilay.
"Hindi uso magpa-humble?" Pabirong tanong niya.
"I'm not even lying though." Depensa ko naman. Tumawa na lang siya at tumango.
"She's lucky." Muling komento niya.
No, I was far luckier.
"It's the other way around. I'm the lucky one."
I can't help but to smile with the thought. I never knew we'd come to this point. I always thought I need to hide my feelings forever.
"You know what-ouch!" Mabilis akong napalingon sa kanya nang bigla siyang mapatayo. She's holding her right eye.
"What happened?" Tanong ako.
"Napuwing ako- aray. Mabubulag na ba ako?" Natawa naman ako nang bahagya sa tanong niya.
"Stop rubbing it. Lalo kang mapupuwing." Hinawi ko yung kamay niya sa mata niya.
"Ang sakit kaya." Singhal niya. She can't still open her right eye.

BINABASA MO ANG
𝗛𝗘𝗔𝗥𝗧 𝗢𝗨𝗧 [𝙴𝙽𝙷𝙰𝚂𝙴𝚁𝚈𝙴 #1] 𝙹𝙰𝚈
Fanfiction"Why don't you figure my heart out?" Jay knew her ever since they were kids. In those ten years, they were clueless of what they feel. He knew it's beyond friendship but they're no lovers. --- ENHASERYE #1 (Narration)