44.

73 10 4
                                    

Christine's

"Ano yan?" Pinagtiklop ko yung mga braso at tinignan siya. Bakit ang aga niya pumasok? Bihira mangyari yon ah. May sakit ba siya o ano?

"Pagkain." Sagot niya. Aba't pilosopo pa nga.

"Uubusin mo ba yung allowance mo sakin?" Mataray na tanong ko. Kahit naman dati pa, mahilig na rin manglibre si Jay, lalo nung mga panahong nasa SPC pa kami lahat. Pero ang OA na niya ngayon. Mula ata ahagan hanggang dinner, siya na nagpapakain sakin. Parang ewan.

"Hindi naman nauubos. Marami akong pera." Inosenteng sagot niya. Sabi ko nga, rich kid ka.

"Ewan ko sayo, Jay. Isumbong kita kay Tita Janine eh." Kinuha ko yung Jollibee na inaabot niya.

"Mom knows it though." Sagot niya at idinantay pa ang braso niya sa gilid ng pintuan. "And pinuntahan kita kanina sa inyo kaso sabi ni Tita maaga ka raw umalis and you didn't even eat your breakfast." Dagdag niya.

Medyo naguilty naman ako kasi alam kong hindi naman siya sanay pumasok nang maaga pero ginawa niya tapos dinaanan niya pa ako sa bahay.

"Kumain ka na?" Tanong ko. Tumango lang siya pero nakangiti parin. Ang creepy na niya pota. Bakit ba kanina pa siya nakangiti?

"Agang harutan." Komento ni Ate Bea na kakarating lang rin. Tumawa lang si Jay.

"Sige na. Bumalik ka na sa room niyo." Sambit ko. Sumimangot siya pero tumango rin naman after.

"I'll fetch you here later." Sabi niya at tuluyan nang naglakad paalis. Bumalik na rin ako sa upuan ko.

"Manliligaw ba yon o grab food driver?" Mapang-asar na tanong ni Ate Bea sa tabi ko.

"Hindi ko rin alam. Ang kulit-kulit." Sagot ko at nagsimula nang kumain. May halos 30 minutes pa naman before first period.

"Edi sagutin mo na para hindi na mangulit." Natatawang saad niya.

Hindi na lang ako sumagot at umiling-iling na ngumiti.

Malapit na magsimula ang klase pero bakante parin ang upuan sa tabi ko.

"Sumagot na ba siya sa mga message mo? Hindi parin siya nagrereply sakin eh." Malungkot na tanong ko kay Ate Bea. Tinignan niya rin ang bakanteng upuan ni Sunghoon bago umiling.

We haven't seen him for a week straight. I tried visiting the hospital where Sungjae once admitted, hoping na nandun siya pero matagal na raw lumabas don si Sungjae. I once tried going on their house pero sabi ng guards ay wala raw sila doon.

"I wonder where he is right now. I hope he's doing good." Bulong ko.

Kahit yung mga professors ay hinahanap rin siya nung isang linggo pa. Lagi rin kami ang kadalasan nilang tinatanong since we are his closest friends here.

After first period, the professors decided to give us the remaining time para gamitin sa pagrereview for upcoming midterms, habang nagm-meeting sila sa faculty. So ayun, pwede na raw umuwi. Yung iba naiinis kasi dapat raw hindi na sila pumasok today. Karamihan naman, natutuwa rin dahil dederetso raw sila sa mall.

"Uuwi ka na?" Tanong ko kay Ate Bea habang nagliligpit kami ng gamit sa bag.

"Need ko mag-duty sa registrar." Sagot niya.

"Okay. Ingat." Ngumiti siya bago lumabas ng room. Kung alam ko lang na uuwi rin pala ako, dapat dinala ko na yung duplicate ng susi ng bahay. Gustuhin ko man umuwi ngayon, hindi rin ako makakapasok agad sa loob dahil nasa boutique si Mama at si Ni-ki naman ay nasa school.

"Makatambay na nga lang sa Library." Tutal, yun naman ang purpose kung bakit binigyan kami ng free time, para mag-review.

Tinapos ko na ang pagliligpit sa gamit ko at naglakad na palabas.

𝗛𝗘𝗔𝗥𝗧 𝗢𝗨𝗧 [𝙴𝙽𝙷𝙰𝚂𝙴𝚁𝚈𝙴 #1] 𝙹𝙰𝚈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon